G6 • 24

50 2 0
                                    

Copyright © 2013 by Playdoll_Alhie

• Chapter 24 •

*Nicca's POV*

"Hoy!"

"Ano bang problema mo? Ang aga pa oh!" I said.

"Hoy Poornget, mamaya huh."

"Oo, sige mamaya." I said in a super antok pa na tone ng magsink in sa utak ko yung sinabi nung nagsalita.

"Hoy! Teka? Anong mamaya?" I said ng bigla akong napabangon sa higaan ko.

"Kapag hindi ka pumayag, may gagawin akong hindi mo inaasahan."

"Bahala ka dyan, i-date mo sarili mo."

"Ok, sabi mo eh, edi prepare yourself."

Tumayo lang si Jiro sa pagkakaupo nya sa chair na nandito sa loob ng kwarto ko saka ako binigyan ng nakakapang-inis na smile.

"Hoy! Teka!!" I said saka sya lumabas ng kwarto ko at sinara yung pinto.

"Teka? Wala naman akong naaalalang pumayag akong makipag-date sa kanya aah???"

Waaah! Mababaliw ako dito eh. Hindi ko na nga nagawa yung Cute Revenge ko eh taz ngayon eto pa gumugulo sa isip ko, nakakainis. Hayzz, kesa isipin ito mabuti pa sigurong mag-ayos nalang ako dahil may pasok pa ako!

~Before Uwian~

Buong araw kong hindi nakita si Jiro dito sa loob ng Academy, ni hindi sya kasama ng G6 eh, asan kaya yun? Ayy! Ba't ko ba inaalala yung taong yun. Kinakabahan ba ako sa possible na gagawin nya?

Tahimik na ako eh, oo may mga bulong bulungan pa din yung mga bubuyog na studyante about sa akin and patuloy pa din nila akong kinasusuklaman dahil di nila ako kasing level at lalo na ngayon na ako lang ang tanging studyante na HS pa na naging malapit sa G6 at 3P.

Then the bell rings sign as uwian na, pero hindi pa rin umaalis and mga classmate ko dito sa room, lahat kasi sila nagkatipon sa bintana kung saan makikita yung school fields. Hindi ko nalang sila pinansin, inayos ko nalang yung mga gamit ko at aakto na sana akong aalis ng room ng pigilan ako ng isa sa mga classmate ko.

"Teka, Nicca, tumingin ka sa bintana dali."

"Huh? Anong meron?"

"Basta, dali." wala na akong nagawa kasi hinatak na nya ako papunta ng bintana ng makita ko si Jiro sa Field na may isinulat bandang Stage na pagkalaki-laki na halos mabasa ng Buong Campus mapaHS or College Division.

"Aish! Ano bang kalokohan yung ginagawa nya?" Agad akong tumakbo papunta ng School Fields ng makita at mabasa ko yung nakasulat sa Stage na isang MALAKING "HOY! NICCA THE POORNGET RAMOS! GO ON A DATE WITH ME!!!" Myghad! Ano bang engkanto sumanib sa utak ng lalaking yun? Hindi naman ganun yun dati aah.

Habang tumatakbo ako papunta ng School Fields, mejo nakakailang kasi habang dumadaan ako sa Hallway eh pinagtitinginan ko ng mga students dito, ganun din pinagbubulungan nila ako about dun sa isinulat ni Jiro sa Stage. Adik talaga yun, hayz. di ko nalang pinansin yung mga students dito, dali-dali nalang akong nagtatatakbo sa hallway papuntang School Fields ng sitahin naman ako ng isa sa mga College Prof na nakasalubong ko.

"No Running in the Hallway, Ms.Ramos."

"Uhm, sorry po." I said.

"Sige na, pumunta ka na sa Field, Mr.Clifford is waiting for you."

"Eeh?" nagtaka lang ako, pano nila nalaman na nasa field si--- Oo nga pala, kita pala sa buong Campus yung ginawa nung hinayupak na yun, naku! Umiinit dugo ko sayong lalaki ka!

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon