G6 • 11

60 1 0
                                    

Copyright © Playdoll_Alhie 2014

• CHAPTER 11 •

Morning, parang ang haba talaga ng day ko nung saturday and sunday, feeling ko lang, ang dami kasing mga nangyari. Monday na today, muntik ko nang makalimutan na may atraso sa akin yung Gunggong na yun, yung pagnakaw nya ng 1st kiss ko! T^T pag-naaalala ko talaga parang gusto kong umiyak eh, badtrip talaga yun! Tss.

Well, kaylangan ko munang pumasok sa school, aba! di ako pwedeng umabsent, graduating ako ngayon. Nakalimutan ko rin palang sabihin sa inyo na 4th year high school lang ako, yung mga galunggong 6 College yung mga yun, iisang school lang kami lahat, kumpleto kasi dito eh, kaya pagCollege ko dito na agad ako diretso sa Richford.

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili ko, saka ako lumabas ng kwarto. Sabay na naman kami ni Abnormal na nagbukas ng pinto, pero again, nung nakita nya ako ganun na naman yung ginawa nya.

Ano pa nga ba? Edi bagsak ng pinto, Tsss.. wala ng pag-asa yang abnormal na yan na tumino!

Naglakad nalang ako papunta sa hagdan, pero bago pa ako makaabot sa hagdan naramdaman ko naman na may humawak sa right shoulder ko kaya napalingon ako. It's the Abnormal! Ang bilis din pala kumilos nito? Di ko namalayan na kasunod ko na pala sya sa paglalakad, nilingon ko sya and he greet me ng good morning in Jiro's Way.

"ANG BAGAL MO! AKO DAPAT ANG MAUNANG MAGLAKAD SAYO, HAMPASLUPA!"

"Tss. ewan ko sayo."

Oh, di ba? Napakamahinahon nyang magGood morning sa akin. Talagang HIGH PITCH! May sakit talaga sa utak itong lalaking ito? Daig pa ako kapag nagkakaroon ng period sa nakakalokang mood switch nya. Ang aga nya rin mangasar ng Hampaslupa. Grr. Tiis lang Nicca, habaan mo pa pasensya mo, kalma lang.

Okay, nandito na kami sa dinning area, may mga nakalagay na sa table na breakfast, nandito na rin si Ate Kara, she's reading news paper, parehong pareho sila nang Dad nya, astig! Like Father like Daughter nga lang.

"Papasok ka na agad sa Richford?" tanong ni Jiro.

"Oo, bakit?" sagot naman sa kanya ni Ate Kara.

"Tss.."

"Ayaw mo yata akong papasukin dun eh?"

"Oo, ayoko!"

"Silly, ahahah, kaylangan kong pumasok dun noh, di ko pwedeng pabayaan yun lalo na't ngayong wala si Daddy, walang mag-aasikaso dun ngayon."

"Whatever." Jiro said in gay tone.

"Pfft.." pagpipigil ko ng tawa, kaya naman napatingin silang dalawa sa akin.

"What so Funny?" tanong nung may dalaw, ahahah.

"Di mo alam Jiro?" tanong naman sa kanya ni Ate.

"Tss." Inis na respond naman ni Jiro.

"Tigilan mo yang gay mode mo! Baka matuluyan ka dyan, sige ka! Baka maging MY HUSBAND'S LOVER ang peg ng Love Story nyo ni Nicca, naku! Di pwede yun! Ahahahaha." sabi naman ni Ate, kaya naman bigla akong nasamid sa sinabi nya ganun din si Jiro pero si Jiro naibuga nya yung juice na iniinom nya.

"Oh, Okay ka lang Nicca? ikaw, OA ka lang Jiro?"

"Grr. Badtrip ka talagang mangkukulam ka! Sinong nagsabi na magkakaroon kami ng Love Story nyang dukhang hampaslupa na yan! Never akong magkakagusto dyan noh! bukod sa mahirap na, PANGET PA! Sinalo nya ata lahat ng kapangitan sa mundo eh."

"Hoy! FYI! Dapat nga maging thankful ka pa sa aming mga panget eh, kung di dahil sa amin wala kayong mga magaganda ang mukha!"

"Aah, ganun, ang kapal mo ding pulubi ka noh! Wag kang magfeeling, di bagay sayo! Wag kang magmaganda! Dahil di ka maganda!"

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon