G6 • 21

41 2 0
                                    

Copyright © Playdoll_Alhie 2014

Chapter 21

*Jiro's POV*

"Where am I?" I asked.

"Oh, gising ka na pala Jiro." Migs said.

"Tol? Asan ako?"

"You're here in the Hospital."

"Bakit? Ano bang nangyari?" I ask saka naman nagtaka si Migs sabay nagsisisigaw sa labas.

"SI JIRO! WALANG MAALALA!!" Migs shout. Binato ko sya ng unan na nasa gilid ko lang kaya kumalma sya.

"Wag ka ngang OA! Nakaka-alala ako! Wag mo akong itulad sayo."

"Sorry naman Tol, masyado lang talaga kaming nag-alala sayo."

"I know it. Teka."

"Bakit?"

"Asan sila? Si Nicca?"

"Sila? Yung G6 nasa labas bumibili ng food kagabi ka pa nandito, si Ica naman nasa bahay kasama ng mga girls, bakit?"

"Aah, wala naman."

Then the doctor came and told me na hindi naman malala yung injury ko kaya pwede na akong lumabas ng hospital.

"Gusto ko ng lumabas ng hospital, now!" I said.

"Teka Jiro! Wag muna." Migs said.

"No! I want now!"

Nagmatigas ako kay Migs dahil ayaw pa nya akong palabasin ng Hospital ngayon, as in ngayon na mismo. Ayokong magstay dito sa hospital. Isa pa, dapat uuwi na kami ngayong araw eh kaya hindi pwede.

After 45 minutes, natapos na lahat ng dapat ayusin sa paglabas ko ng hospital. Then Jun asked me.

"Ano ba kasing nangyari sayo Jiro?"

"Wala! Wag nyo ng alamin." I said, ayokong sabihin sa kanila na nadulas ako, na dahil sa katangahan ko.

Then Lola came in my room and nakita nya ako na nakatayo at nakabihis na, yung tipong paalis na ng hospital.

"Oh, Jiro ba't ka nakabihis? saan ka pupunta?"

"Ayoko na dito sa Hospital Lola, alam nyo naman na noon palang ayaw ko ng magstay dito. Kaya ngayon palang aalis na ako."

"No, you need to stay here."

"No Lola, I wanna go back to Manila."

"Hays, ang tigas talaga ng ulo mo noh Jiro. Oh sya, sige tayo na nga't umalis dito."

"Well then, let's go."

At umalis na nga kami ng Hospital kasama si Lola at ang G6. Nang makarating kami sa rest house, agad kaming sinalubong ni Shuzette.

"Jiro, okay ka na? Bakit lumabas ka na agad ng hospital?"

"Di naman malala yung injury ko noh, simpleng gasgas lang toh, isa pa na-stress lang ako kaya ako nawalan ng malay."

"Sige na mag-pahinga ka na muna sa kwarto" Lola said.

"No, ngayong oras na dapat tayo babalik ng Manila diba? Ba't pa ako magpapahinga?" I said saka naman ako binatukan ni Chris.

"Mologs ka ba! Magpahinga ka muna, mamaya din babalik na tayo ng Manila, atat ka masyado Bro, mas importante kalagayan mo, pwede naman tayong bumalik anumang oras eh!"

"Tsk.." I said saka ako umakyat ng Kwarto ko at nagpahinga, eh sabi nila eh.

*Lance POV*

Lumipas ang halos isang linggo na hindi ko nasasabi kay Shuzette na gusto ko sya, mahirap talagang magkagusto sa taong alam mong iba ang gusto lalo na kung matalik mo pang kaibigan yung gusto nya, hays.

Yeah, seriously, Shuzette is inloved with Jiro. Hindi lang nya sinasabi ito pero nararamdaman ko, from the way Shuzette looks at Jiro and the way na magworry sya sa nangyari kay Jiro.
Hindi ko alam kung ano na ang dapat kong gawing move, kung dapat ko na bang sabihin kay Shuzette na gusto ko sya o dapat ba na itago ko nalang ito't manahimik nalang. Matalino naman ako pero pag dating sa ganitong bagay para akong mangmang na walang alam.

Now, nandito kami sa Bus, pabalik na kami ng Manila, as usual hiwalay ang girls sa boys na seat dahil ayaw ni Jiro na magtabi ang boys sa girls. Masyadong metikuloso itong si Jiro. One thing na nagustuhan ko kay Jiro as a Friend is kahit anong sama ng ugali nya, kahit gaano sya kaarte o kaemotero he will never leave you as a friend, that's what Jiro is. Kaya siguro ganun nalang si Shuzette kung mainlove kay Jiro.

~Manila~

Nandito na kami sa Manila, sa School kami binaba ng Bus Driver kasi yun ang bilin ng Bruha sa kanya, edi sino pa ba? si Kara mangkukulam. Pagdating namin sa Richford Academy sakto namang Lunch Break ng mga estudyante dito, napag-alaman siguro nila na ngayong Friday ang balik namin from Baguio kaya lahat sila nagtipon-tipon sa First Lot ng Academy where our Bus stop.

Maraming sumalubong sa amin na mga girls, syempre naman, G6 kami eh, famous kami dito sa Campus, ganun din sa tatlong girls na kasama namin and they call them 3P short for Three Princesses ng Richford at alam nyo na kung sino sila, si Angela, Sharmaine and Shuzette.

Syempre kasama din namin ang only Commoner na hanggang ngayon eh iniiwasan ng lahat. I wish one day maging kagaya ako ni Ica na walang sumasalubong na admirers everyday kasi alam nyo, nakakasawa.

I always look at Shuzette, habang pinaliligiran kami ng mga students dito, she's smiling sweetly sa mga students here then lalo syang napangiti ng mapalingon sya kay Jiro na sinusungitan yung mga nakapaligid sa kanya.

I just look away then may naramdaman akong tap sa balikan ko, I look at it and it's Ica.

"It's okay." She said, kahit na hindi nya alam kung ano ang dahilan kung bakit bigla akong nalungkot.

"Thanks." I replied.

Then yung Loko-Lokang mangkukulam ay dumating dito sa kinaroroonan namin na may dalang mega-phone.

"MAGSIALIS NGA KAYO, BUMALIK NA KAYO SA MGA CLASS NYO, NGAYON DIN!!!" nakakatakot na sabi ni Kara sa mga students kaya naman agad-agad silang lumayo sa amin at bumalik ng kanya-kanya nilang Classroom.

"So, welcome back everyone." dagdag pa nya.

"Salamat po." Ica said.

"Sa monday na kayo magsisimulang pumasok ng Class nyo, but for now, pwede na muna kayong umuwi para magpahinga, lalo ka na Jiro."

"Thanks Ms.Kara." Sagot naman ng mga Girls..

"Okay, you may go home." yung mga babae lang ang sumasagot kay Kara, kaming mga G6 hindi, wala lang, ayaw namin syang pansinin. Kunwari wala nalang kaming nakita.

"Oh, anyway Jiro. Sumabay na kayo sa akin umuwi ni Ica.." Kara said. Nagtaka naman yung mga girls kung bakit kelangang sumabay ni Ica kay Kara at Jiro.

"Bakit kelangang sumabay ni Ica sa inyo?" Shuzette asked.

"Aah, kasi sa--------" putol na sagot ni Kara ng sumabat si Jiro.

"Malapit lang yung bahay ni Ica sa amin kaya nagmagandang loob lang yang mangkukulam na yan na ihatid yang poornget na yan."

"What the!!" Sagot ni Ica.

"Well anyway, tara na, umuwi na tayo, isa pa nakakapagod yung byahe natin kanina." sinabi ko nalang yan para hindi na sila magtanong pa, kaya nagkanya-kanya na kami ng landas sa pag-uwi.



Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon