G6 • 17

46 2 0
                                    

Copyright © Playdoll_Alhie 2014

• CHAPTER 17 •

*Nicca's POV*
Naalala ko palang tatawag sa akin si Uncle kaya tinignan ko yung cellphone ko sa bag na dala ko, kaso wala ito sa bag ko kaya tinignan ko rin ito sa mga bulsa ko.

"Wala dito aah.." I said ng pabulong.

"Teka? Ano bang hinahanap mo?" pabulong din na tanong sa akin ni Chris.

"Uhmm." I said habang patuloy na kinakapa kung saan ko ba nailagay yung phone saka naman nagtanong si Shuzette.

"Anong problema ni Andrei??" tanong ni Shuzette.

"Malay ko dun? Meron yata?" Angela said saka sila nagtawanan.

"Teka!" I said.

"Anong problema Ica?" Tanong ni Chris.

"Naiwan ko yung Cellphone ko sa Rest House, kelangan ko munang balikan yun."

"Di ba pwedeng mamaya na yan?" tanong naman ni Sharmaine.

"Hindi eh, baka kasi tumawag si Uncle sa akin."

"Aah, ganun ba, tara.. Samahan na kita." Chris said.

"Aah, hindi na, hindi naman kalayuan yung Rest House dito eh.."

"But."

"Thanks, but no thanks Chris. Sige, maiwan ko muna kayo dito."

"Sige Ica, mag-iingat ka ok?" Angela said.

"Thanks"

Dali-dali akong umalis ng Samgyup House nakakain na naman ako kahit papano, pero kelangan ko talagang kunin yung phone ko. WAIT! San ko ba nailagay yun? Sa kwarto kaya? Sa kusina? o baka naman sa kakahuyan? Hala! Hindi ko maalala kung saan ko naiwan yung phone.

At ng malapit na ako sa Rest House eh nakita ko naman yung Abnormal na papasok ng bahay na may dalang ewan? Di ko alam? Siguro foods yun? Nasa paper bag eh. Ng mahagip naman nya ako ng tingin.

"Ba't ka nandito?" mataray nyang tanong.

"Masama?"

"Pssh." he said saka sya nagdire-diretso papasok ng bahay. Hindi ko nalang sya pinansin, hinanap ko nalang yung Phone ko sa Kwarto, sa Kusina, sa dinning area, sa Bodega room. Kaso wala, hindi ko nakita eh. Kaya dumiretso ako kay Jiro na nasa Living Room.

"Jiro." I said, nakapatay kasi yung ilaw sa Living Room eh kaya hindi ko alam kung nandun sya, isa pa, gabi na kaya noh!

Walang sumasagot sa akin, siguro wala sya dito? Sinubukan kong buksan yung ilaw ng Living room and dun nakita ko sya na nakatulog or nagtutulog-tulugan? We'll see.

"Yoohoo! Jiro? Tulog ka ba???" No response.

"Jiro? Tulog ka ba?" another no response.

"O-kay, Tulog nga talaga sya. Di bale dito ko nalang hahanapin, baka nandito lang yung cellphone ko." And yun nga dito ko hinanap sa Living room yung cellphone ko ng tahimik lang, dahil baka maistorbo ko yung abnormal, mahirap na, baka alilain na naman ako nyan eh.

Wala talaga akong nakitang phone dito. SAAN KO BA NAILAGAY YUN! Inumpisahan ko ng isipin kung ano pa ba ang kong puntahan bukod dito sa bahay. Isip. Isip. Wait? Aah! Sa kakahuyan, dito ko na naalala na baka nasa kakahuyan yung phone ko. Kaso madilim na kelangan kong maghanap ng Flashlight.

Pumunta ako sa kusina, may nakita kasi ako doon na Emergency box eh at nakakita ako ng Flashlight doon kaya kinuha ko yun at nag-umpisa na akong maglakad papuntang Kakahuyan.
Waah! Mejo nakakatakot dito, ako lang mag-isa, madilim dito, malay mo lumabas dito si Slender Man, Gesh! Di ko alam ang gagawin ko kapag ganun, pero well! Hindi note ang hinahanap ko dito yung cellphone ko.

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon