G6 • 25

44 1 1
                                    

Copyright © 2013 by Playdoll_Alhie

• Chapter 25 •

*Nicca's POV*

Habang nandito kami sa Carnaval. Si Jiro, lakad ng lakad, parang may hinahanap may nakita yata sya eh or may hinahanap? Lagi akong naiiwan kaya lagi nya akong nasisigawan, kagaya nito.

"ANO BA? ANG BAGAL MO NAMAN! PAGONG KA BA?"

"Sorry naman, kanina pa kasi tayo naglalakad eh, ni isang games or rides dito wala pa tayong nasusubukan."

"PSS. DALIAN MO NALANG YUNG PAGLALAKAD MO HINDI YUNG PURO DALDAL KA DYAN."

"Eto na! Dinadalian na."

Pss.. Ang bilis kasi maglakad akala mo may lakad eh, saan ba kasi talaga kami pupunta? Hmm, mukhang okay to aah ahaha, sige mabugnot ka lang para wala na kasunod itong date na ito.

"Tara, subukan natin yung Roller Coaster." I said.

"Ayoko, inupuan na ng maraming tao yan."

"Caterpillar?"

"Ayoko, paikot-ikot lang yan eh hindi naman umaalis sa pwesto."

"Viking?"

"Ayoko, paulit ulit lang yan, left and right lang, panget!"

"Bump Car?"

"Ayoko pang bata."

"Carouselle?"

"Mas lalong pambata! May kung ano-ano pang hayop na nakalagay." Bugnot na sya pero parang ako ang mas lalong nabubugnot dahil lahat ng suggestions ko may pangontra sya, kairita!

"Ferris Wheel?"

"Aa-----" Napahinto sya sa sasabihin nya nung sinabi ko yung Ferris Wheel.

"Jiro?" hindi nya ako iniimik kaya…

"JIIIRROOOOO!" I said saka ko sya kinurot sa pisngi nya.

"Aaray! Ano ba?!"

"Natahimik ka kasi eh, may problema ba?"

"Wala, tara doon nalang tayo sa Horror House." He said na parang wala sya sa sarili nya saka sya naglakad papunta ng Horror House.

"Teka, Jiro, antayin mo naman ako." hindi nya ako nilingon, talagang dire-diretso syang maglakad kaya tumakbo nalang ako papunta sa kanya.

At ng maabutan ko sya agad ko syang hinawakan sa braso kaya napalingon sya.

"Hay, buti naman nilingon mo na ako, nakakapagod ka! Ang hirap mong habulin."

"Saan ka ba galing?" tanong naman nya, hala! baka nga may isa pang katauhan toh!

"Eeh? Hello ang bilis mo kayang lumakad noh halos maiwan mo nga ako eh."

"Aah, ganun ba?" nagtataka ako kay Jiro, bakit nag-iba na naman yung mood nya?

Then may bata kaming nakita dito habang nakapila kami para sa Horror House at dumiretso sa amin ni Jiro kaya napatingin kami dito sa batang babaeng toh. Umupo ako para makita ko ng maayos yung mukha nya and para makausap ko sya.

"Hello little girl, nawawala ka ba?" I said. Umiling lang yung bata sign as hindi. Mukha syang Familiar sa akin san ko nga ba sya nakita? Di ko maalala, nasa dulo ng utak ko.

"Eh nasaan ang Parents mo?" tanong ko naman.

"Nandito." sabi nitong bata.

"Tara ihahatid na kita baka nag-aalala na sila sayo. Ituro mo kung nasaan sila." I said saka naman itinuro nitong bata si Jiro.

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon