G6 • 30

43 2 1
                                    

Copyright © Playdoll_Alhie 2014

• Chapter 30 •

~After 2 Weeks~

*Migs POV*

Buti nalang binigyan ako ng maraming cake ni Angela. Nabusog talaga ako that day kaso ngayon, nagki-crave na naman ako sa mga Cake. Wala namang pasok ngayon, saka kung sakaling may pasok man ngayon baka tamarin din akong pumasok. Eto ang sakit ko eh, kapag nagutom ako handa akong hindi pumasok makakuha lang ng cake na nasa isip ko...

Nagpunta ako sa isang Cake shop na lagi kong binibilan.

"Good Afternoon Sir." Greet naman sa akin ng nasa counter.

"Aah, Miss. Bakit wala na kayong tindang Cake ngayon? Hindi ba available yung mga bakers nyo?"

"Aah, Sir kasi..." Sabi naman nya saka sya tumingin sa corner kung saan makikita yung Bakers area.

"Hmm?" Pagtataka ko naman kaya napalingon ako and nakita ko si Kara na palabas ng Bakers Corner.

"Kara?" I said.

"Oh? Ba't nandito ka?"

"Bibili sana ako ng Cake eh, kaso wala silang tinda. Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"Oh, that's sad for you, binayaran ko kasi ang lahat ng Bakers here, inupahan ko sila para ipagbake ako ng Cakes."

"What? So hindi ako makakatikim ng cake na made nila?"

"Like Duh? Oo kaya! Saka, tigilan mo nga yang pagcrave mo ng Cakes, para ka namang bata nyan."

"Grr... Wala ka na talagang nagawang matinong babae ka, pati ba naman Cake pinupuntirya mo?"

"Paki mo? Kung nauna ka sana dito edi hindi mo ito maabutan, loko! Well, Sorry ka nalang, akin na muna ang mga Favorite Cake Bakers mo. Iyakin." kakainis toh aah, Cake na nga lang kaligayahan ko inilalayo pa sakin nitong babaeng toh. ANG MGA CAKES KO. T^T

"Oh pano, dyan ka na, isa pa, maghanap ka na ng ibang cake shop."

Saka sya umalis dala ang mga Bakers ng Shop, buseet! Makaalis na nga, kung wala yung mga bakers na nagbebake ng favorite Cakes ko, ba't di nalang ako gumawa? Ahahaha, hindi talaga nasira ni Kara ang araw ko, wahahahaha.

Pero kaylangan ko ng makakasama. How about Ica? Pwede na sya. And para makabawi na ako sa atraso ko sa kanya before. Hindi pa rin ako makamove on dun eh, parang na-over yung penalties namin kay Ica that time kahit na umabot lang sya sa moderate. Kaya panahon na para ako naman ang bumawi.

I dialed Ica's digits and...

"Hello?"

"Jiro? Bakit ikaw ang sumagot ng Phone ni Ica?"

"Nasa kwarto nya ako eh."

"What? Anong ginagawa mo dyan, wag mong sabihing------"

"G*go! Hindi ako gaya ng nasa isip mo no. Ibabalik ko sana itong phone nya eh, inabot sa akin ni Ate Delle naiwan sa kusina, kaso wala sya dito sa Kwarto."

"Eh asan sya? Kelangan ko pa naman ng favor."

"Di ba pwedeng sa akin ka nalang magfavor?"

"Pare, Chiksilog ka ba?"

"Ay Dinyuta ka talaga! Bahala ka nga dyan, nakakapikon kang kausap!"

"Teka! Jiro, ibigay mo na yung Phone kay Ica."

"Oo na, hahanapin ko pa sya, teka..."

"Dalian mo."

"Ano ka ba? Masyado kang nagmamadali, bakit? ganun ba kaimportante yang Favor mo? Kaylangan mo ba ng taga-hugas ng Pwet mo?"

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon