G6 • 8

121 1 0
                                    

Copyright © Playdoll_Alhie 2014

• CHAPTER 8 •

"EWAN KO SA INYO!" sabay galabog ng pinto ni Jiro sa kwarto nya. Ahaha, di pa rin talaga sya nagbabago.

Sinipa ko yung pinto ng kwarto nya ng di naman ganun kalakasan, ahaha, I missed it! Ahaha, pero di naman ako kagaya ni Mommy na naninira ng Pinto ng kwarto. Kala nyo ba si Jiro lang ang naka-experience ng Amazona Type ni Mommy! Naku! Ako rin kaya, ahaha. Ayokong bumangon noon kasi talagang antok na antok pa ako, high school ako nun, nilock ko yung pinto para walang makakapasok, hanggang sipain ni Mommy ng pagkalakas-lakas yung Pinto ng kwarto ko para masira at magising ako, ahaha, nung nakita ko yun talagang gising na gising ako pati diwa ko gising, pero si Mommy hindi naman mukhang galit, nakangiti pa sya ng nakakaloko!

Nakakatakot yung smile ni Mommy, kaya mapapatayo ka talaga eh. Ahaha, di mo aakalain na isang mahinhin na babae eh may tinatagong amazona type! My gee! Kay Mom ko lang nakita yan.

By the way, kakadaldal ko, di ko na napansin na naka-tanga na pala kami ni Nicca dito sa harap ng kwarto ng monster kong kapatid. Nakakailang naman kung tunganga lang ang gagawin namin dito diba? Ahaha.

"Uhm.."

"Yeah?" tanong ko naman, mukhang nahihiya sya sa akin.

"Uh, Welcome home po Ate Kara."

"Oh! So Sweet of you, buti ka pa, EH YUNG ISA DYAN DI MAN LANG AKO NAALALA-IGREET NG WELCOME HOME! PARANG TANGA LANG!" mukhang natawa sa akin itong si Nicca. Bigla namang bumukas yung pinto ng kwarto ni Jiro at...

*Poofff* saka naman ulit nagsara ito.

"Hoy! Baliw ka talaga noh!" sabi ko habang tinatanggal yung harina sa mukha ko, may harina din si Nicca sa mukha.

"WELCOME HOME ATE KARA AMBER CLIFFORD! WAHAHAHAHAHA!"

"Salamat sa Greet huh! Napakabait mo talaga!!" sabi ko kay Jiro.

"Grr. BALIW!! SIRA UTAK! MAY SALTIK NA TALAGA YANG UTAK MO!" sigaw naman ni Nicca.

"Tss. Tara na, Let's clean ourselves, pagpasensyahan mo nalang si Jiro huh."

"Aah, Opo."

Dumiretso na ako sa Maganda kong kwarto! Yes! Maganda kong kwarto! Si Nicca pumunta na sa room nya, magkatabi lang naman sila ni Jiro ng kwarto eh, tabi pa ng Pinto, wahahah! I have an idea! Ahaha. Pero di ko muna pwedeng sabihin sa inyo ang plan ko! Mahirap na, baka mag-failed. Ahaha.

Nagpalit na ako ng damit matapos kong magshower sandali, pupunta na sana ako sa baba, pero dinaanan ko muna si Nicca sa kwarto nya.

"Nicca, ok ka lang dyan?"

"Opo Ate"

"Ok, kung may kaylangan ka sa akin just call me okay?"

"Ah, Opo, salamat po :)"

Masyadong magalang naman itong si Nicca, kung napapansin nyo hindi ko natatarayan si Nicca right? kasi pwede ko syang makasundo sa pang-gogoyo kay Jiro and she's the perfect subject for my Plans kay Jiro, ahaha. Nagdire-diretso na ako sa hagdan at nakita ko na tumayo si Mica and told me...

"Ang tagal mo naman teh! Ano bang ginawa mo?"

"May ginyera lang sa taas, ahaha."

"Yung kapatid mo ba?"

"Obvious ba?"

"Oo, ang lapad kasi ng smile mo eh."

"Ahaha, naman, kaso ang ganda ng pa-Welcome nya sa akin."

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon