G6 • 10

59 1 0
                                    

Copyright © Playdoll_Alhie 2014

• CHAPTER 10 •

Medyo di naman kalayuan yung pinagdalhan nila sa amin, may pagkapraning din si Ica dahil tama nga naman sya baka sa kung saan kami dalhin nitong dalawang tukmol at gawan kami ng masama, pero our judgement and thinkings are all wrong. Nakita ko ang isang hospital, doon silang dalawa pumasok, kaya sinundan pa rin namin sila. Pumasok kami sa isang room ng tumambad sa amin ni Nicca ang isang 8 years old na bata na naka-dextrose, oxygen and everything. Nakaka-awa tignan yung Kid. Nilapitan ko si Ninja tortoise.

"Ito ba yung dahilan kung bakit kayo nanghoholdap?" pagtatanong ko naman na may halong naiiritang tono.

"E-eh, ganun na nga. Pasensya na." kumuha ako ng news paper sa table near me, binilot ko ito at pinagmukhang pamalo. SAKA ITO IPINALO SA DALAWANG TORTOISE..

"Hala! Ate, wag." saway naman sa akin ni Nicca.

"I can still handle this Nicca, don't worry."

"ARAY NAMAN! GRABI KA!"

"Alam nyo mga manong, sana sinabi nyo nalang sa akin agad!"

"E-eh, ano kasi."

"Tss. Di bale na nga, ano ba sakit ng anak mo?"

"K-kaylangan kasi yang ma-operahan, may kailangang tanggalin sa kanya kaya mahina sya."

"Oh, sorry, Okay! Hindi nyo dapat kinukuha sa holdap. Sumama kayo sa akin. Ako na bahala sa
gastusin ng anak mo!"

"T-talaga po?"

"Oo, wag na maarte!"

"NAKU! SALAMAT PO!"

"Don't mind it. Tutal kaylangan ko rin naman ng trabahador sa isa sa mga businesses ko eh."

"Naku! Salamat po talaga!"

"Oh sya, pa-operahan nyo na agad si... ano nga bang pangalan nya?"

"Shane po."

"Nice name, okay, sige pa-operahan nyo na si Shane." napaiyak naman si Manong and mukhang sobrang thankful sya.

"Baguhin nyo yang ugali nyo na nanghoholdap huh, baka tuktukan ko ulit kayo! Pano pa kaya itong si Shane kung makukulong ka! Teka? Asan si Nicca?"

"Nandito ako Ate."

"Oh, gising na pala sya."

"Oo Ate, kinakausap ko sya habang nag-uusap kayo ng Dad nya." nilapitan ko naman sila, nandito kasi kami banda sa may door.

"Are you feeling okay?" Tanong ko naman sa bata.

"O-okay naman po"

"Don't worry, di mo na ulit ma-eexperience yan." sabi ko naman sabay smile.

"Salamat po." this time parang may kumalabit sa puso ko na parang ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang tuwa? Siguro dahil ngayon ko lang ginawa ito.

"You're welcome baby. Nicca, maiwan ko muna kayo huh."

"O-osige po ate." pumunta na ako sa dalawang ninja tortoise at nagpunta kami para ayusin yung mga dapat ayusin sa operation ni Shane...

*Nicca's POV*

Grabi! hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nitong si Ate eh, muntik na nga kaming maholdap eh, pero may pagka-effective din pala yung pagiging annoying nya, kagaya ng ginawa ni Ate dun sa dalawang manong. Sinundan namin sila dito sa hospital, kinabahan ako ng una dahil baka kung saan kami dalhin at kung ano gawin sa amin nitong dalawang manong, pero sumunod nalang din ako pero nakahanda yung phone ko to call back up.

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon