G6 • 15

54 2 0
                                    

Copyright © Playdoll_Alhie 2014


• CHAPTER 15 •

"ANGELA MARIE BURFEE!" Teka, pano nya nalaman yung name ko? This time nilingon ko sya.

"I knew it, Angela ang name mo noh?"

"Pano mo nalaman name ko?"

"Ahaha."

"Pano nga?"

"You'll know it soon."

"Ewan ko sayo, baliw ka ata eh, dyan ka na nga."

"But?!"

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nung lalaking yon. Pero nagtataka talaga ako kung pano nya nalaman yung pangalan ko eh, saan kaya nya nalaman?? EWAN! Kesa isipin ko kung saan nalaman nung lalaki yung name ko mabuti pang bumalik muna ako ng rest house baka mabaliw lang ako kakaisip.

Pagbalik ko ng Rest House nakita ko sa bandang gilid ng bahay si Andrei kasama yung pinsan ni Jiro na si Brielle. Hay, tama nga si Lance and Jiro, may ugali talaga itong si Brielle, kung titignan mo sila para silang nakikipagflirt sa isa't isa at talagang nakakainis para sa akin yon kaya lumapit ako sa kanila.

"Hindi nyo ba alam na bawal yang ginagawa nyo?" I said in Blank Faced.

"What are you doing here?" gulat na sabi ni Andrei.

"And who are you?!" Tanong nitong bruhang pinsan ni Jiro.

"Rule no.7, no flirting inside or outside the rest area."

"Teka."

"Hepp!! Hihirit ka pa eh." I said.

"I can do whatever I want here bitch, so just go and leave, mind your own business." saka nya iniharap sa kanya ang mukha ni Andrei.

"Ok then, face the punishment Mr. Montez, see you later." I just turn my back and started to walk palayo sa kanila.

To be honest, it really hurts me, kung pwede lang kumuha ng frying pan para ihampas dun sa mga yun eh tatawagin ko iyon as THE REVENGE OF THE FRYING PAN! Bumalik nalang ako sa bahay, agad naman akong sinalubong ni Shamie.

"Ba't parang ang tagal mo naman sa labas Gela?"

"Huh? Parang di naman." di ko namalayan na kasunod ko na pala si Andrei.

"Yo! Tol, where have you been?" tanong ni Chris.

"I just met a cool chic." sagot naman ni Andrei

"Cool daw?" I said.

"I'm not talking to you Angela."

"Whatever." I said, kelangan ko talagang ipakita na hindi ako affected sa break up namin nitong hinayupak na lalaking to.

"Anyway, sa labas tayo magdidinner right?" tanong ni Shuzette.

"Oo, why?" I said.

"Wala lang, I better get ready."

"Ahaha, adik ka talaga, anyway, akyat muna ako sa kwarto huh."

"Okay."

Iniwan ko sila doon, tutal mamaya pa namang gabi yung dinner namin edi dito muna ako sa kwarto namin, gusto kong matulog muna, kesa mag-isip at makita yung mukha nung gunggong na si Andrei na yan. Pero dahil hindi ako makatulog dahil ramdam ko pa din na nasasaktan ako sa mga nakita ko kaya naman ng hindi ko na naman mapigilan yung mga mata ko sa pagluha nagdecide nalang ako na maligo at sabayan ang tubig sa shower sa pagbagsak ng mga luha ko para hindi na din nila mahalata.

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon