G6 • 2

126 5 0
                                    

Copyright © Playdoll_Alhie


• Chapter 2 •

Morning na! Nandito ako sa school, nakatungo lang ako sa desk ko, dahil wala pang teacher at sobrang boring, masyadong napaaga ang pagpasok ko, sumabay kasi ako kay Uncle kaya napaaga ako ng pasok, pero hanggang ngayon di pa rin matigil ang murmur ng mga classmate ko, like ano ba? Di ba mawawala ang mga bubuyog dito? Tss.

Naglakad ako sa hallway ng maalala kong English pala ang first subject, at dahil english nga wala yung book ko sa bag ko, kaya dali-dali akong nagpunta sa Locker ko. I check it and Wait! maalala ko, magkakaroon daw ako ng Tag of Death today, ahaha. Kaya pagkaopen ko ng locker ko, yung tag agad hinanap ko imbis na yung english book, ahahah, adik lang eh no.

Di ako nagkamali, nakakita ako ng Tag sa Locker ko, and it says na Humanda daw ako sa G6. Alam ko na yan! Sinabi na nila sa akin yan kahapon eh. Why Bother? Kinuha ko na agad yung English book ko saka aaktong pupunta sa field ng may nakaagaw ng pansin ko.

"DEATH TAG DETECTED! OPERATION EXECUTE COMMONER ACTIVATED!" Sigaw ng studyanteng nasa likod ko ng makita nya yung Tag of Death sa locker ko.

Tinignan ko lang sya ng nagtataka ng naglabasan yung mga studyante at sinimulan nila akong pag babatuhin ng basang crumpled papers! Iniharang ko lang yung bag ko sa mukha ko sabay mabilis na naglakad palabas at nagpunta sa Fields.

Naupo muna ako sa ilalim ng puno, nagpagpag muna ako ng mga maliliit na papel na nakadikit sa uniform ko at buhok ko saka ako tahimik na nagreview kahit na galit na galit ako, may 45 minutes pa naman bago ang klase kaya dito muna ako.

Nang medyo napagod ako sa pagbabasa lumingon ako sa Field, nakita ko ang mga athlete ng Academy, nakita ko ang mga G6 guys na nagt-train ng kani-kaniyang sports, Jiro, Jun and Lance sa basketball, si Migs naman and Andrei sa Tennis, si Chris naman sa Badminton. Sporty pala itong mga ito, di halata. May nakita din akong mga Sporty na girls.

"Ang gaganda naman nila!"

"Who are you talking about?"

"Yung mga babae dun oh, yung mga sporty!"

"Really? Thanks! They are also the Richford's Princesses." nagulat naman ako ng may kausap na pala ako dito.

"Ay Anak ng Mushroom!" may gumulantang sa akin na isang girl na napakaganda! Laglag panga ko! Grabi.

"I'm not a mushroom! Hehe, who are you by the way?"

"Oh, Sorry, I'm Nicca Ramos, Ica for short."

"Nice to meet you Ica, I'm Angela Burfee."

"Angela Burfee?"

"Yeah, I'm the Impeccable Princess here at Richford. Bago ka lang dito noh?"

"Aah, yeah."

"I've been here since I was in Grade School, kaya napansin kita dito, mukhang bago ka kasi eh."

"Oh, I see" Di na ko magtataka na sya ang Impeccable Princess ng Richford, kitang kita naman sa kanya. Nakakaamaze lang.

"Oh, I also heard na nakatanggap ka daw ng Card I mean Tag from G6?"

"Uhm, yeah, meron nga."

"Wew, why? May ginawa ka ba sa kanila?"

"Yeah, actually sinuntok ko yung Jiro ba yun? Nadala na kasi ako ng galit ko."

"What?! Seriously?"

"Oo"

"Gosh! You can join my club!"

"What Club?"

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon