G6 • 7

82 1 0
                                    

Copyright © Playdoll_Alhie 2014

• CHAPTER 7 •

*Before the battle begins
and until it's through
I'm like a barricade in between anything in you
So how matter how far but
Whatever it takes you will make it through the day
I'm your baricade

*Before the battle begins
and until it's through
I'm like a barricade in between anything in you
So how matter how far but
whatever it takes you will make it through the day
I'm your baricade*

Ay Sheee! Narinig ko yung phone ko na tumutugtog. Tinignan ko ito and may nagmiss call, ilang beses na itong nagmiss call, and pagtingin ko si Uncle pala ito. Maya-maya tumawag ulit.

"Uncle."

"Kanina pa kita tinatawagan, ngayon ka lang sumagot."

"Sorry po Uncle, napasarap yung tulog ko eh."

"Ahahah, ganun, by the way, nandito na kami sa airport, di na kita ginising, tulo laway ka pa eh."

"Uncle naman!"

"Just kidding, sige na, chinek lang kita, we need to go."

"Sige po, ingat po kayo huh."

"You too baby."

Binaba ko na yung phone. Nag-inat na ako, and napatingin ako sa alarm clock ko, di ako nag-aalarm kapag saturday and sunday eh kaya nagulat ako ng makita ko ang oras.

"WAAAAAHHHHHH!" anong oras na! 2:30pm, yes! super na tanghali na ako ng gising. Nakita ko naman si Jiro sa pinto ng kwarto ko, nakatayo sya doon ng naka-cross arms.

"So! How's your sleep? Sleeping UGLY!"

"Tss. Ang agang bwisit!"

"Tanga ka ba? Tanghali na, anong sinasabi mong ang aga dyan!"

"Tss." bumangon nalang ako at di ko sya pinansin.

Nagpunta ako sa drawer ko at kinuha yung suklay ko. Humarap ako sa salamin at nagsuklay, habang sya nandun pa rin sa pinto ng kwarto ko. Dedma to the max lang ampeg ko, nang bigla na namang pumutak ang abnormal...

"Tsk. Akalain mo yun? Marunong ka palang magsuklay?"

"Ano namang paki mo?"

"Akala ko kasi hindi ka nagsusuklay eh, kada nakikita kita mukha kang bruha." Tsk. wala ako sa mood na makipag-asaran dito sa Abnormal na toh!

"Tss. Ewan ko sayo! Umalis ka nga dito."

"It's my house, I can go wherever I want."

"Tss. Ayaw mong umalis? Edi ako nalang." Aakma na sana akong papaalis ng kwarto ko nang bigla naman syang naunang lumabas.

"Oh, akala ko ba ayaw mong umalis?"

"Tss. Ayoko ngang maiwan dyan sa kwarto mo, mamaya may kung ano dyan sa loob eh."

"Whatever!" naglakad na ako palabas ng kwarto ko and sinara yung pinto.

"Oh, san ka naman pupunta ngayon?" tanong naman nya.

"Kelan ka pa naging matanong sa akin?"

"....."

"Tss.." di ako sinagot, kaya nadiretso ako sa hagdan pababa.

Naramdaman ko naman na di na nya ako sinusundan. Mabuti naman. Hayzzz, di naman lang ako nakapagpaalam kina Tita, ba't ba kasi napuyat pa ako ng walang dahilan eh! Ayan tuloy, tinanghali pa ako ng gising. Nagdire-diretso na ako sa kusina para tanungin kung anong pwedeng kainin kina ate maid, magtatanghalian nalang ako, tss. Almusal! Nalagpasan ko ang masarap na almusal. PSSSS!

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon