⭐️Chapter17: LSfaBD⭐️

Start from the beginning
                                    

"Mamaya? Oo.. Ayoko ng ganun.. Ayoko sa kanya, napipilitan lang ako." Tila sinaksak naman si K ng sampung kutsilyo sabay sabay nang marinig ang sinambit ni Vice sa telepono. "Geh, bye." Huling sambit ng binata sa telepono.

"Huy, girl where are you goin'?" Sabi ni Anne nang tumayo si K.

"M-mag C-CR lang," excuse ng dalaga at saka tuluyang umalis sa lounge.

Balisang tumayo si Karylle sa harap ng malaking salamin ng CR at ni-lock ang pinto. Hindi niya maintindihan kung magrereact ba siya sa mga narinig kanina o mananatili siyang tahimik at manhid. Umaasa siyang mali ang akala niya, umaasa siyang hindi pa nagsasawa si Vice sa kanya. Nang mga nagdaanh araw kasi ay medyo sinabihan ni Karylle si Vice na magbawas ng gimik at sigarilyo dahil nakakasama ito sa kalagayan niya ngayon. Hindi niya alam kung masyado ba ang naging paalala niya kay Vice pero alam niya namang tama ang mga sinabi niya.

'Ayoko sa kanya, napipilitan lang ako.'

'Ayoko sa kanya, napipilitan lang ako,"

'Ayoko sa kanya...'

Paulit ulit na naririnig ni Karylle sa kanyang utak at tainga kaya napapatungo nalang siya mula sa salamin at pinipigilan ang pagpatak ng kanyang luha.

"Karylle! You're so stupid, siguro nabo-bore na siya sayo kasi wala kang ginagawa to make him happy! Ugh shit! Napipilitan lang siya sayo kasi tanga ka, hindi mo ba napapansin 'yun? Gosh, K! You're so stupid, idiot, fvcking boring!" Halos sabunutan na niya ang sarili niya habang kinakausap ang sarili sa salamin.

Pinunasan niya ang mga luhang pumatak sa pisngi niya saka nagpakatatag na lumabas ng CR na parang walang nangyari.

"K, did you cry?" Tanong ni Anne nang hawiin ang buhok ni K pagkatapos nitong makaupo sa sofa. Silip nalang ang ginawa ni Vice at hindi mankang kinausap ang kasintahan.

"What? No, I just scratched my but my make up fall off, thats why." Napatango nalang si Anne at saka tinuon ang pansin sa tv.

🔴🔵🔴🔵🔴🔵🔴
((PINASikat Segment))

Kasalukuyang hurado ngayon si Karylle dahil absent ang resident hurado na si Jhong due to his hang over. Naglasing nanaman ang chonggo. Sina Christian Bautista at Coco Martin ang guest hurados nila for the week.

Matapos ang first contestant, si Vice mismo ang nag-introduce kay Christian pero seryosong seryoso ito at walang halong biro.

"Thanks, Vice. Well.."

"Bago ka mag-comment, naintindihan mo ba ang mga ginawa nila?" Sabi ni Vice at tinuro ang grupo ng mga batang mananayaw. Natawa si Christian sa pagaakalang nagbibiro lang ang bakla.

"Of course, haha."

"Ah, akala ko hindi eh. Kita ko kasi kanina parang busy kayo nila Karylle mag-usap habang nagpe-perform sila. TINDE!" Dinaan niya ito sa biro para hindi halata na nagseselos na siya.

"Haha, I just missed K kasi. Hahaha, namimiss ko yung mga memories dati, its been a long time kasi since nagkita kami." Nakangiting sinabi ni Christian.

"Anong namiss mo? Yung kitchen musical choo choo na kissing scene niy..."

"Okay anong masasabi mo na, Christian!" Singiti ni Billy sa sumbatan ng dalawa, alam niya kasing HB na si Vice dahil sa selos. Madali kasing magselos si Bakla.

Nang makadaan ang iba't ibang contestant, nadaan naman kay Karylle ang paghuhurado. Di lang halata ay napapa-roll eyes siya dahil sa nakikitang masyadong clingy si Vice kay Anne. Kung hindi naka-akbay, naka yakap pa at nakapatong ang baba ni Vice sa balikat ni Anne.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now