Unti-unting lumalaki ang apoy kaya agad niyang nilapitan ito at inagaw ang pamaypay. "Huwag po! Mas lalo lang po lalakas ang apoy!"

"No! Kaya ko 'to!"

Inilayo niya ito para hindi ito abotan ng apoy. "Diyan lang po ako!" ininspeksyon niya at agad niyang nakita sa likuran ng stove nanggagaling ang malakas na buga ng apoy. Mukhang tama ang hinala niya. Natanggal ang gas hose sa stove kaya sumingaw at umapoy.

"Ano ka bang bata ka! Get away from there! Don't do anything. Tatawag ako ng bombero!"

Dinig niyang sigaw nito pero hindi siya nakinig. Lakas loob niyang kinuha ang hose at simpleng tinakpan gamit ang kanyang hinlalaki.

Hindi ito makapaniwala at napatulala sa nakita. "Ho-how did you—"

Isinarado niya agad ang gasol. Sa wakas, tapos na ang kalbaryo nila. Buti na lang agad naagapan kundi tusta na ang aabutin ni Roman sa bahay bahay niya.

"Sa-sandali, that's it?! Wala na? How did you do that?!"

"Naalala ko po kasi ang turto ng mga bomber sa baryo namin 'pag ganito po ang mangyayari kaya buti na lang talaga natatandaan ko pa." Inayos niya ng mabuti ang pagkakasaksak para makapagpatuloy na ito sa pagluluto.

"'Yan. Sinikipan ko pong mabuti kaya pwede nap o kayong bumalik—"

"No! Ayoko na. Baka anon a naman ang mangyati d'yan." Napaupo ito at napabuntong hininga. "How should I continue this? Gusto ko lang naman ipagluto ang anak ko. Recently, sa bawat pagkikita namin kasama ng Papa niya, palagi na lang kami may 'di pagkakaintindihan. That's why I'm planning to cook his favorite food today as an apology. Now, it's ruined!"

Naawa siya rito. Kaya pala nandito ito para bumawi man lang kay Roman. Ayaw nitong may lamat ang relasyon sa anak kaya ginagawa nito ang lahat para magkasundo ulit silang magiina. Walang duda, sa labas nitong anyo na may pagka-strikta at sopistikada, isa pala itong malambot at ulirang ina.

"I can't do this anymore after sa nangyari baka wala ng bahay na uuwian ang anak ko."

"Pero, sayang naman po kung hindi makakain ni Rom—Daddy ang iluluto ninyo."

"Maybe I can order take-out foods na lang. Next time ko na lang siya ipagluluto."

Meron siyang naisip na ideya. "Kung ayaw niyo pong gumamit ng stove, meron naman tayong magagamit.. Kung papayag po kayong tulungan ko kayong maghanda."

"What is it?"

Kinuha niya ang mga dala nito ay inilagay sa malaking basket pati na ang mga kakailanganin niya.

"What are you doing?" nagtataka ito habang tinitignan siya.

"Basta po. Halina po kayo."

Ilang segundong paghihintay ay tumayo na ito. Napangiti siya. Buti naman hindi ito umangal. Kung ayaw nito maglubo sa loob ng bahay, edi dadalhin natin sa labas!

"What are we doing here?" tanong nito habang inilapag niya sa bangko ang mga dala niya. Kinuha niya ang mga naitago pa niyang mga kahoy at uling at nagumpisang gumawa ng apoy.

"You mean here? Dito ako magluluto?"

"Opo. Kung ayaw niyo pos a loob, eh dito na lang po kayo magluluto. Huwag po kayong magalala, ako na po ang maghahanda—"

"How am I supposed to do that in here? I don't know how to cook using "that"! This isn't an outdoor picnic!"

Hay nako. Heto na naman ang mga salita ng mga mayayaman. "Kung nahihirapan man ho kayo, nandito naman po ako para tumulong."

"Really? How? I shouldn't be planning this kung ganito lang pala ang mangyayari. No need for this. Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain sa restaurant."

Kinuha nito ang cellphone. Bago pa man ito makatawag, nilapitan niya ito, kinuha ang cellphone at inilapag sa tabi. Natulala ito sa kanyang ginawa pero may rason bakit niya ito ginawa.

"Ayoko lang po kasi kayong mawalan ng pagasa dahil lang sa disgrasyang nangyari sa kusina. 'Di ba po kaya kayo nandito ay para ipagluto si Daddy? Dahil gusto ninyo siya mapasaya at humingi ng kapatawaran? Huwag niyo po sanang sayangin ang pagkakataon na iparamdam sa kanya na may ina siyang palaging nagaalala sa kanya. Gusto ko rin po kayong makitang masaya na ipinaghanda niyo si Daddy ng paborito niyang pagkain habang masayang naguusap.

Alam kop o na iba ang tingin niyo sa akin pero sana, pakinggan po ninyo ang request ko. Alam ko din po na tutol kayo sa desisyon ni Daddy na maging parte ako ng pamilya ninyo pero, sana po isasantabi po muna niyo 'yan at isipin si Daddy. Nakakalungkot po kasi na may nakikita akong pamilya na nag-aaway."

"I—uh..."

"Subukan lang ho natin ng paunti-unti hanggang sa matutunan po ninyo." Kinuha niya ang isang carrot at iniabot rito. "Okay lang po ba?"



To Be Continued...

A/N: Umaarangkada na! Whoo! Ano kaya ang magiging reaksyon ni Roman pagkauwi nito sa bahay. Hindi ko din alam, eh! Charot.


If you like the story, kindly leave a VOTE and COMMENT with your thoughts. I'll be glad to read it one by one.

Don't forget to FOLLOW my Wattpad Account for instant notifications of new updates and new stories.


see you in the next chapter! CHUAMNIDAH!!! -L.X.

The Billionaire's AdoptedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora