Other Persona

0 0 0
                                    

Halos mapuno ang gymnasium sa Aegis Institute dahil sa mga nagdadagsaang estudyante na gustong manood ng laban ng pinakamalakas na team sa buong Institute at mga baguhang estudyante...

Makikita sa arena ang dalawang grupo ng mga estudyante, ang pinakamalakas na team na tinatawag na Alpha na lahat ng myembro ay nagmula sa Special Class at ang kabilang grupo na binubuo lamang ng tatlong myembro....

"Have you researched what gifts they possess?" Tanong ni Aliah kay Kingsley...

"Meron naman, since bago pa lang sila dito sa facility limitado pa lang ang information na tungkol sa kanila" Panimula nito...

"The guy with the golden hair is Calen Straus, his gift is the Gift of Lightning, yung mataas na lalaki naman ay si Allen, he has the Gift of Telekinetic and the only girl named Lissa Montemayor, hindi pa naman napapatunuyan but based in the information she might have the Gift of Nullification, Immortality and Divine Magic" Paliwanag nya sa mga kasama,  napatango naman ang lahat saka inihanda ang sarili sa pagsugod, tulad ng mga dati nilang laban ay ipinusisyon nila ang mga sarili base sa mga role nila...

si Jared at Leon bilang frontliners, dahil na rin sa gift nilang Speed at Weapon Summoning, habang si Aliah sa gitna bilang primary support, dahil na rin sa Gift of Gravity Manipulation nya, at si Ester na syang Healer ng grupo nila...

Di tulad ng Alpha ay simpleng nakatayo lang ang tatlo at nag-uusap, na parang wala silang laban na kakaharapin...

Nagtatawanan pa ito na syang ikinainis ni Aliah...

"Tapos na ba kayong mag-usap? Para masimulan na din naming talunin kayo sa laban na toh" Mayabang na pahayag nito sa kanila ni Lissa, napatigil naman ang tatlo sa pag-uusap at napansing nagkaroon ng formation ang kalaban...

"Looks like we need to teach these guys a lesson" Sabi ni Allen bago umangat ng ilang pulgada sa lupa...

"Pwede bang kami muna ang humarap sa kanila Lissa?" Nakangiting tanong ni Calen bago sya balutin ng kuryente...

Napabuntong-hininga na lamang si Lissa dahil sa mga ekspresyon ng dalawa, mukhang excited kasi ang mga ito kaya tumango na lamang sya at umupo sa lupa...

"Do what you want, just hold back a little bit" Sabi nya dito saka mabilis na nawala si Calen sa pwesto nila, si Allen naman ay mas tumaas din ang paglutang sa ere...

Nagsimulang maglaban ang dalawang grupo na syang nagpasabik sa mga manunuod...

Tulad nina Allen at Calen ay aumugod na rin sina Jared at Leon, si Jared ang humarap kay Calen dahil na rin sa compatibility ng gift nya sa gift ng lalaki habang si Leon ay hinarap si Allen...

Nagsummon si Leon ng baril saka nagsimulang pagbabarilin si Allen na halatang hindi pinagpapawisan sa pagharang ng mga atake ni Leon, ngunit ang akala nyang hindi na tatagos na mga bala sa barrier na ginawa nya ay biglang tumama direkta sa binti nya na agad nyang ikinagulat, dahilan para mawalan sya ng control at bumagsak sa lupa ng arena...

"Hindi kami tatawagin na Special Class kung ganito kami kahina, kaya wag na wag mo kaming maliitin" Seryosong pahayag ni Leon bago tumakbo sa direksyon ni Allen habang nagsusummon ng ilang espada na agad nyang ipinalipad sa direksyon ni Allen, agad namang lumutang ang huli ngunit hindi nya inaasahang kaya palang kontrolin ng kalaban ang direksyon kung saan tatama ang sandata nya...

"Allen!" Sigaw ni Calen sa kakampi na naging dahilan para makita ito ng kalaban na chance para mapuruhan sya, sa lakas ng suntok sa kanya ni Jared ay tumilapon sya at bumaon sa pader ng gymnasium, mas umingay din ang sigawan ng mga estudyante dahil doon...

"One on one pa nga lang talo na kayo, ano pa kaya kung pinagtulungan namin kayong tatlo?" Mayabang na sabi ni Aliah sa kanila ni Lissa....

"At isa pa, wag kang magpakakampante" Makahulugang sabi ni Aliah, bago lumutaw sa likod ni Lissa ang isang lalaki at malakas sya nitong sinipa...

Nasangga naman nya ito ngunit nawalan pa rin sya ng balanse dahil sa gulat...

Maski sina Allen at Calen ay hindi inaasahan ang nangyari, ngayon may kanya-kanya na silang kalaban, pero imbis na mangamba ay napangita pa ang tatlo...

"Lets go all out" Casual na sabi ni Lissa sa dalawa na agad na ginanahan, makikitang nagtataka ang mga estudyante dahil sa pagngiti ng tatlo, lalo pa ng may kulay gintong force field ang bumalot sa arena ng gymnasium...

"Kylie, diba kay Lissa toh?" Patukoy ni Ria sa gintong Barrier...

"Siguro? alam mo naman yun, masusurpresa ka na lang sa mga kaya nyang gawin" Sagot nito sa tanongng kaibigan...

"But somethings off with her" Puna ni Marie na ikinatingin sa kanya ng dalawa...

"What do you mean?" Tanong ni Kylie sa kanya...

"Her aura is different" Sagot nito kay Kylie, itinuon nila ang atensyon kay Lissa pero wala namang kakaiba dito...

"Come to think of it, ganyan ba sya kagaling makipaghand to hand combat? Nung unang pagkikita kasi natin ginamit nya lang ang Divine Magic gift nya at hindi nakipagclose combat" Pagtataka ni Kylie habang pinapanuod si Lissa..

"Well marami kasi tayo nun kaya mas mainam naman na gumamit ng wide range ability" Sagot ni Ria dito...

Napatigil ang pag-uusap ng magkaibigan at pagsisigawan ng mga estudyante ng biglang nabasag ang gintong barrier na bumalot sa arena, bigla ding binalot ng itim na usok ang arena hanggang sa parang hinigop ito, tumambad sa lahat ang duguang katawan ni Quin, ang Teleporter na kumalaban kay Lissa...

"Its good to be back!" Napatuon ang atensyon ng mga estudyante sa babaeng nakadamit na fitted dress, kita ang makinis at maputi nitong likod dahil na rin sa disenyo ng suot nito, it was Lissa, but not...

"Its been a long time since I got to take over this body, and now that I fully control it, I will not allow her to take it back!" Saka ito tumawa ng malakas, marami ang nagtataka, malinaw sa kanila na si Lissa ang babaeng nasa arena ngunit ibang-iba ang presensyang ibinibigay nito...

Chrono StatisDove le storie prendono vita. Scoprilo ora