Nimrod

1 0 0
                                    

Elizabeth

Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa paligid, nasa clinic ako ng facility pati na rin ang iba ko pang mga kasama..

Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ng kirot...

"You failed Elizabeth" Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Stefan na nakaupo sa hospital bed kung saan ako nakahiga...

"What happened?" Tanong ko habang inaalala ang mga nangyayari...

"Ako dapat ang magtanong nyan, ano bang nangyari? Buti na lang at pinasundan kayo ni Clark, pero ng maabutan nila kayo, nakita na lang nila na nakahandusay na kayong apat doon sa tunnel" Napasabunot ako sa sariling buhok ng hindi maalala ang buong pangyayari...

"Di ko na maalala" Tanging sagot ko, napabuntong-hininga na lamang sya at tumayo...

"Nga pala, pinapapunta ka ni Trev sa office nya para makapagsagawa sya ng test, as for your team baka bukas pa sila magising" Saka ko napansin na kasama ko pala sa silid ang kateam ko at lahat sila ay mahimbing na natutulog..

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong sinamahan ni Stefan sa opisina ni Trevor, baka daw kasi mahimatay ako kahit na sinabihan ko na syang ayos lang ako, ayun nagpumilit parin kaya wala na rin akong nagawa...

"Sa nakikita ko mukhang binura ang alaala mo" Unang pahayag ni Trev matapos nitong hawakan ang noo ko...

"Paano naman yun nangyari?" Tanong ni Stefan na nakaupo sa sofa di kalayuan sa amin ni Trev..

"Isa lang ang ibig sabihin nito, hindi basta-bastang deviant ang pinapahunting sa inyo ni Clark" Seryoso nitong pahayag...

"Ohh? Pano mo nasabi?" Napairap na lang ako sa joke ni Stefan, kahit kelan talaga hindi naging seryoso ito sa kahit anong bagay...

"You see as a Telepathy I can read and see through people's mind, pero yun lang yun, yun lang ang kaya kong gawin, at para sa isang Telepathy na kayang burahin ang alaala ng isang tao, paniguradong nasa maximum level na ang gift nya" Pagkatapos sabihin nun ni Trev ay pumasok sa utak ko si Ysrael Lavrein, ang tanging Telepathy user na nakaharap namin bago kami nawalan ng malay...

"So kung icaclassify sya base sa categories, anong classification nya?" Tanong ko..

"Pwedeng sa A o pwede sa S, magkapareho lang naman ang antas ng ability ang mga classification na yun, ang naiiba lang ay kung paano ito gamitin ng isang deviant kaya may classification silang ibinibigay" Natahimik naman si Stefan at nahalata ko ang malalim nitong pag-iisip..

"Pwede oa bang ibalik ang mga alaala na nabura?" Tanong ko ngunit tanging iling lang ang isinagot ni Trev...

"Mag-ingat na lang kayo sa susunod na magkaharap kayo dahil baka hindi lang alaala ang kayang nyang burahin, baka pati ang katinuan ng isang tao ay kaya nya ring paglaruan" Napangisi na lang ako sa babala ni Trev, mas gaganda nga ang laban kapag ganun, mas exciting...

"Dont worry panigurado team ko na ang huhunting sa kanila" Sinamaan ko lang si Stefan ng tingin at tanging nakakairitang ngisi lang ang isinagot nya...

Habang nasa ganoon kaming sitwasyon ay bumukas ang pinto at isang hindi naming inaasahan ang taong biglang pumasok sa opisina ni Trev....

"I heard you found Dad" Malamig nitong sabi sa akin...

Napatango na lang ako kaya umupo ito sa opposite na upuan kung saan magkaharap kami ngayon...

"Well yeah, tinutulungan nya ang mga pinapahunting sa amin ni Clark and unfortunately nakatakas sila" Bored kong kwento dito...

"Ang sabihin mo pabaya ka sa misyon" Biglang napanting ang tenga ko sa sinabe nya kaya agad ko syang kinwelyuhan....

"Anong sinabe mo?!" Galit kong sigaw dito, pilit naman akong pinapakalma ni Trev habang si Stefan ay nag-eenjoy lang na nanonood sa amin...

"Hindi ka lang pala pabaya, bingi ka pa" Sabi nito sa may gumapos sa akin na mga kadena at ibinitin ako sa ere...

"Girls calm down, may susunod pa naman eh, atsaka makikita mo pa ang Papa mo Emily" Napaatras lang si Trev ng malamig sya nitong tignan saka nawala ang mga kadenang gumapos sa akin...

"Dont worry, ako mismo ang huhunting sa kanila" Sabi nito saka umalis ng silid...

"Dapat hindi na kasi sya binadtrip, we all know na kaya nya tayong talunin kahit pa pagtulungan natin sya" Hindi ko na pinansin ang sinabe ni Trev at ipinasok na lang ang kamay sa itim na usok na pinalitaw ko sa harap ko...

"Really? talagang may gana kang kumain pagkatapos nyung magbanggaan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Stefan ng makitang isang jar ng gummy bears ang lumabas sa itim na usok...

"Pake mo ba? eh sa nabadtrip ako eh" Singhal ko sa kanya..

"Kaya ka tumataba eh" Sinamaan ko lang sya ng tingin matapos nya iyong sabihin, bakit ba lagi nya na lang akong binibwesit? Pareho sila ni Emily mga bwesit....

EMILY

Agad akong dumiretso sa opisina ni Clark matapos kong dumalaw sa office ni Trev...

"What brings you here?" Malambing na tanong ni Clark, blangkong-ekspresyon ko lang syang tinitigan bago umupo sa silyang nasa harap ng office table nya...

"I want to be assign sa misyon ni Elizabeth" Diretso kong sabi sa oakay ko sa kanya..

"Gustuhin ko man ay hindi maaari ang gusto mo, involve dito ang Papa mo kaya pwede ka nyang ibrainwash lalo pa at may kakampi silang telepathy user" Rason nito..

"Then you can inject me that fluid, yun naman ang ginagawa nyu kapag hindi nyu ako makontrol diba" Suhestyon ko...

"Pag-iisipan ko, masyado kang valuable sa amin at alam kong alam mo yan, sa lahat ng class S deviants na dumaan sa sari-saring ekspiremento ay ikaw lang ang tanging nakasurvive kaya hindi namin hahayaan na may mangyaring masama sa iyo" Malambing nitong pahayag na hindi ko pinansin, umalis na lang ako at dumiretso sa aking silid, pagkapasok ko doon ay ang kaninang maskara na kanina ko pa suot ay biglang nalusaw dahil sa mga luhang naglandas sa pisngi ko...

Ngunit napangiti na rin ako ng malamang ligtas si Papa kahit na sa loob ng maraming taon ay wala akong balitang natanggap patungkol sa kanya, kaya ngayon gagawin ko ang lahat para muli kaming magkasama....

Napapahid ako ng luha atsaka dumungaw sa bintana kung saan makikita ang napakalawak na karagatan, ilang milya din ang layo ng base ng Nimrod sa lupa at tanging underwater subways lang ang daan para makapasok dito, hindi din ito madedetect ng satelitte goverment dahil sa specialize barrier na nakapalibot dito, o mas kilala sa tawag na Bermuda Triangle...

Napaangat ang aking tingin sa nagkikislapang bituin sa langit, ito na lang ang tanging bagay na nagbibigay sa aking pag-asa, pag-asa na makawala sa kadenang nakagapos sa akin, kadenang ibinigay ng Nimrod para sa mga deviants na gusto nilang gamitin sa mga pansariling layunin...

Chrono StatisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon