Dark Future

0 0 0
                                    

Calen

Napayuko ako ng wala sa oras ng makita ang ang isang ADR na lumilipad palibot kung nasaan ako, napatingin ako sa bagay na hawak ko at mabilis na inilagay ito sa bulsa ng pantalon ko...

"Where are you Cal?" Rinig ko sa communication device na suot ko, it was Dave, paniguradong nag-aalala na  ang mga ito lalo pa at lampas na sa takdang oras na napagplanuhan ang pananatili ko dito...

"Andito parin ako sa City, hindi ako makaalis dahil may mga nakapaligid na ADR(Anti-Deviant Robot) sa paligid" Paliwanag ko at narinig ko ang pagbuntong-hininga nila sa background...

"Can't you just use your gift?" Tanong nito...

"I can't alam mo namang may radar ang lahat ng ADR diba, kahut katiting na paggamit ng gift ko paniguradong madedetect nila" Sabi ko, bakit kasi tinanggap ko ang mission na toh ng mag-isa...

"Wala ka nang choice, we will start the device, tumakbo ka na ng mabilis at kung kinakailangan mong gumamit ng gift gumamit ka, this is our only chance at wala ng kasunod, I'll give you thirty minutes, aabangan ka nila Gino sa labas ng city at pipigilan ang mga ADR, remember our sacrifices from the start Cal" Sabi nito saka pinaghintay aki ng signal kung kelan tatakas...

"Magpapadala kami ng missile papunta sa base ng ADTF, habang hindi pa ito tumatama kailangan mo ng makaalis dyan, maliwanag?"

"Copy" Seryoso kong sagot at tumayo, maya-maya ay nakita ko na ang missile sa himpapawid at napansin na mabilis na lumipad ang ADR sa direksyon nito kaya naman kinuha ko itong pagkakataon at tumakbo, habang tumatakbo ay napansin ko na may mga ADR na nakasunod pala sa akin kaya naman walang pagdadalwanag isip kong ginamit ang gift ko, sa isang iglap ay nabalot ang katawan ko ng kuryente at mas bumilis pa ang takbo ko ng apat na beses, maya-maya din akong nagpapakawala ng malalakas na boltaheng kuryente kahit alam kong may Nullifying Feature ang mga ADR, nakita ko na ang labasan ng city at napansin na nakapwesto sina Gino hababg may mga hawak na mga armas tulad ng baril....

Ilang metro mula sa kanila at bigla akong prumeno at hinarap ang mga ADR na ilang kilometro pa ang layo sa akin...

Pumikit ako at inipon ang bumabalot na kuryente sa katawan ko sa aking hintuturo, gumawa ito ng maliit na bola ng liwanag na binabalot ng kuryente, hindi na ako ng aksaya ng oras atsaka itinuro ang daliri kung nasaan ang inipon kong kuryente, gumawa ito ng guhit pataas at tumama sa malaking ulap na bumabalot sa buong syudad, ang kaninang maliwanag na kalangitan ay biglang dumilim at kasunod nun ay ang pagbagsak ng milyon-milyong kidlat na syang sumira sa kabuuan ng mga ADR, at bago pa tumigil ang pag-ulat ng kidlat ay mabilis kong binalot ulit ang katawan ko ng kuryente at tumakbo, nakarating ako sa base namin ng wala pang limang minuto...

Ngunit ng makarating ako kung nasaan ang device na matagal naming binuo at natigilan ako...

Nakahandusay si Dave at iba pa naming mga kasama na naliligo sa sarili nilang dugo, at sa isang madilim na parte ng silid ay lumabas ang isang taong syang naging dahilan ng lahat ng ito...

"Calissa" Bulong ko habang pinipigilang wag manginig kamay ko dahil sa galit...

"Why are you doing these?" Mahina kong tanong dito, mababanaag sa mga mata nya na wala syang kahit ni isang emosyon, malamig at nakakakilabot...

"I'm just doing what I should done centuries ago" Walang buhay nito sagot...

"You're a Deviant too, at sa pagkakaalam ko ikaw ang pinagmulan naming lahat, ikaw ang nagbigay sa amin ng mga kakayahan, ng mga gift!" May hinanakit kong sabi...

"Na hindi ko dapat ginawa" Sagot nito at sa isang iglap ay napunta na sya sa harap ko na naging dahilan para gamitin ko ang Gift of Lightning ko para dumistansya sa kanya...

"I'll cleanse this world and obtain the only thing I want" Sabi nya saka ngumiti ng nakakapangilabot...

Naikuyom ko ang mga kamao at tumalon sa direksyon nya...

"Kung ganun pipigilan kita dito pa lang!" Sigaw ko at mabilis na hinawakan ang braso nya at pinakalat ang kuryenteng bumabalot sa katawan ko papunta sa katawan nya, halos magliwanag ang buong silid sa taas ng boltahe na ginamit ko sa kanya, ngunit paghalakhak lang na parang baliw ang ginawa nya saka nya ako hinablot sa damit at inihagis sa pader ng silid, biglang nawala ang kuryenteng bumabalot sa akin ng tumama ako sa pader at nakaramdam ng pagbali ng iilang buto...

"Resistance is futile, you will just suffer the pain I'll give you, kung hahayaan mo lang akong kunin ang gift mo ay hindi ka na makakaramdam ng mga ganyang klase ng pagdurusa" Walang buhay nyang pahayag at kinuha ang isang matulis na tubo galing sa mga nasirang parte ng silid...

"Maswerte ka nga at hindi mo naranasan ang mga sakit na naranasan ko" Sabi pa nito bago itaas ang tubo...

"Paalam na" Naluluha na akong nakatitig sa tubo ng makita kong binalot ang kulay asul na parisukat ang kinatatayuan ni Calissa...

"Do it Calen, go back to when it all started" Utos ni Dave habang umuubo ng dugo...

Bigla din akong nakaramdam ng init sa parte kung saan ako nabalian at nakita si Emily na putol ang isang paa at kalunos-lunos din ang itsura...

"G-Go Calen, do it for us, save us" Nahihirapan nito sabi, tuluyan na akong napaiyak at mabilis syang inakap matapos nyang paghilumin ang bali ko...

"Pero nangako tayo na babalik tayong lahat!" Sigaw ko habang humahagulhol...

"Diba!? Diba!? Kailangan nyung tuparin yun!!" Sigaw ko at tanging ngiti lang ang isinagot ni Emily bago ito tuluyang mawalan ng hininga...

"Kasama mo naman kami dito eh" Rinig kong sabi ni Gina nakakarating lang at itinuro ang dibdib ko kung nasaan nakapwesto ang puso...

"We will hold her Dave, you can rest now, habang ikaw, ibigay mo na kay Lea ang device" Hindi pa ako nakakasagot ng maramdaman kong bumalit ang mga malalaking kamay sa akin at itinabi ako kay Lea na mabilis namang kinuha ang device sa bulsa ko at inilagay sa isang slot...

"Bilang Second in Command, I order you to execute the mission alone Calen" Sabi nito saka ako tinulak papasok sa platform at binalot ng makapal na salamit ang hugis bilog na platform...

Tulad kanina ay binalot ko ang katawan ko ng kuryente pero sa hindi ko malamang dahilan ay hinigop pataas ang mataas na boltahe na pinalabas ko at sa isang iglap ay nagsimulang umikot ang platform at dahan-dahan akong umaangat....
Ng mapatingin ako sa transparent glass ay nakita ko kung paano paslangin ni Calissa ang mga kasama ko, napasigaw ako sa galit at dahil sa unstable emosyon ay nakapagpalabas ako ng mas mataas  na boltahe sa normal na boltahe na dapat ay syang ipinapalabas ko, mas bumilis din ang ikot ng platform hanggang sa ang huli kong naalala ay ang pagkabasag ng makapal na salamin bago ako masilaw ng puting liwanag at makaramdam na parang hinihigop ang kabuuan ko...

Chrono StatisWhere stories live. Discover now