Her Past

1 0 0
                                    

Tahimik kaming lima na kumakain ngayon sa hapagkainan ng biglang tumikhim si Enrico...

"Uhmm, ano nga pala ang pangalan mo? Heheh" Awkward nitong tawa kaya napairap na lang ako, tunog kambing kasi ang tawa nya...

Bigla namang napayuko ang babaeng bigla-bigla na lang tumambad sa amin kanina sa living room, kahit ako hindi ko rin alam ang pangalan nya dahil di naman nya sinabe kanina...

"Pasensya na, nakita ko kasi si Calissa kaya nakalimutan kong magpakilala" Bored ko lang syang tinignan dahil sa sagot nya, so ako oa talaga ang dahilan..

"Cathlea Romano at galing ako sa taong 1894" Nakita kong napaisip naman si Yael habang si Enrico ay halatang interesado sa topic...

"That's 125 years mula ngayong taon" Gulat na sabi ni Yael kaya napangiti na lang si Cathlea...

"Tawagin nyu na lang ako sa pangalang Lea" Dagdag nito saka ito tumingin sa akin at bigla na lang naluha, napayuko ito saka ulit iniangat ang mukha na may nakapaskil na ngiti sa mga labi nito..

"So paano ka nakarating sa taong ito? Gumamit ka ba ng Time Machine?" Curious na tanong ni Enrico...

"Lumapit ako sa isang Deviant na merong Gift of Time Travelling" Sagot nito...

"Nagpapasalamat nga ako na kahit buhay nya ang magiging kapalit ay pumayag pa rin sya para magkita tayong muli, ate" Parang bombang sumabig ang huling katagang sinabe nya sa akin, may matinis na tunog akong narinig sa aking utak saka ako may mga nakita akong malalabong imahe...

Pasimple kong hinawakan ang noo ko at hinilot...

"Ano namang pakay mo dito sa kasalukuyan at kahit delikado ay nagpunta ka parin?" Tanong ni Yael na halatang naging interesado narin.....

"Ang magpaalam kay ate" Sandali akong natulala at nagising lang ng lumandas na naman ang mga luha sa mukha nya...

"Mula pagkabata pa lang ay sinanay na ako ni Lola dahil sa tinataglay kong gift, ang Gift of the Oracle" Paliwanag nito saka pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi nito...

"Sa ating dalawa ako lang ang nakitaan ng gift sa murang edad, at para sa pamilya natin isang mahalagang bagay iyon lalo pa at lahat sa myembro natin ay may mga tinataglay na kanya-kanyang gift, pwera sayo ate" Kwento nito..

"At dahil nga doon may nabuong hindi pagkakadisgusto ang Lola natin at ang mismo nating Ina sayo, pero kahit ganun hindi mo ako pinakitaan na galit ka sakin dahil sa kahit magkapatid tayo at ikaw ang naunang isinilang ay ako lang ang biniyayaan ng gift"

"Hanggang sa tinamaan ka ng malalang sakit" Sabi nito, lahat kami ay nakikinig ng mabuti lalo na ako, ewan ko pero parang may nabubuong koneksyon sa akin at kay Lea kahit na hindi pa kumpirmado kung totoo ba talaga ang pinagsasabi nya, may parte parin ng sarili ko na hindi naniniwala sa mga sinasabi nya...

"Maraming nagsabi na mamamatay ka na at mabuti iyon dahil isa kang kahihiyan sa pamilya natin"

"Ngunit sa araw na dapat ay mamamatay ka na ay biglang nagliwanag ang katawan mo, tanging ako lang ang nakakita nun dahil wala si Ama ng araw na iyon, na syang kakampi mo laban sa pamilya natin"

"Kaya naman agad ko itong sinabe sa ating Lola, at doon nakumpirma na may abilidad kang gamutin ang iyong sarili sa maikling oras, ngunit mula noon ay hindi ka na nagising pa, namatay na lang si Lola pero hindi ka parin nagising, hanggang sa nakilala ko si Dio, ang sinasabi kong deviant na naging susi para makapunta ako dito" Sa buong pagkukwento nya ay may napansin ako, tinignan ko sina Enrico pero parang hindi nila napapansin ang dahan-dahan na paglaho ng katawan ni Cathlea..

"Hanggang doon lang ang kaya kong ikwento ate, oras narin naman para bumalik ako sa nakaraan kung saan mahimbing ka paring natutulog, nagdesisyon lang akong pumunta dito ng makita ko ang hinaharap kung saan nagising ka at pagsisimula ng bagong henerasyon, bawat desisyon mo ate ay malaki ang ikakaapekto sa hinaharap, paalam" Sa huling sinabe nya ay pinilit ko pang abutin ang kamay nya pero tuluyan na itong naglaho, hindi ko namalayan na masagana na palang tumutulo ang mga luha ko...

"L-Lissa, ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?" May pag-aalala sa boses ni Yael...

"Naglaho na kasi si Cathlea, bumalik na sya sa nakaraan" Sagot ko pero naoansin kong nagkatinginan sila sa isat-isa...

"Sinong Cathlea?" Natigilan ako sa tanong ni Allen...

"Si Cathlea, ang kapatid ko na nagtime travel para makausap ako, andyan lang sya kanina" Sabi ko sabay turo sa parteng mesa na may isang pinggan at kutsara...

"Awss, napasobra ata ang lagay ko ng pinggan, tumatanda na ata ako" Hindi ba nila maalala, bakit? Bakit ako lang ang nakakaalala?

"Alam mo Lissa matulog ka pagkatapos nating kumain, mukhang ngayon oa lang tumama sayo ang stress ng mga nakaraang araw" Binagsak ko ang mga kamay ko sa lamesa na naging dahilan para masira ito, hindi ko matanggap na ako lang ang nakakaalala sa kanya, bakit? Panaginip lang ba iyon??

Kinagabihan ay pinuntahan ko si Yael kwarto nya, naabutan ko itong nakatutok sa laptop at tawa ng tawa...

"Oh Lissa, may kailangan ka ba?" Tanong nito, tumango naman ako at umupo sa kama nito...

"Gusto kong subukan kung maibabalik mo ba ang mga alaalang matagal ng nawala sa akin" Napansin kong natigilan ito at napalingon sa akin...

"Tungkol ba ito sa inasal mo kanina?" Tango lang ang sinagot ko kaya tumayo sya at inayang umupo kami sa kama nya...

"Unang beses ko ito gagawin kaya sana hindi ka magalit kung may maling alaala akong makita, atsaka wag kang mag-alala, para lang tayong nanood ng movie" Ngiti nito saka inilagay ang palad nito sa ulo ko...

"Gusto kong sundin mo ang lahat ng sasabihin ko" Tanging pagtango lang ang sagot ko saka nya ako ipinahinga ng malalim ng ilang ulit...

Hanggang sa ipinapakit nya ako at sa isang iglap ay napunta ako sa isang malawak at kalmadong dagat at kalangitan lang ang makikita...

"Ngayon mag-isip ka ng isang taguan, depende sayo kung anong gusto mo" Sinunod ko naman ang sinabe nya, pero imbis na isang taguan ang lumitaw ay isang pinto at tumambad sa harap ko...

Maya-maya ay naramdaman kong may umakbay sa akin at paglingon ko ay nakita ko si Yael...

"Mas madali kong nandito tayong pareho sa loob ng utak mo para kapag may mangyari makakaalis kaagad tayo" Paliwanag nito saka napatingin sa mga pintong nasa harap ko, ang kaninang nag-iisang pinto ay nadagdagan pa ng dalawa sa likod nito...

"Hindi ko alam kung para saan ang dalawang pinto pero sigurado akong ito ang naglalaman ng alaala mo" Pahayag nito saka itinuro ang pintong nasa mismong harap namin...

Lumapit ako dito at huminga muna ng malalim bago hinawakan ang doorknob nito...

"Maghihintay lang ako dito, kapag gusto mo nang lumabas tawagin mo lang ang pangalan ko" Tumango naman ako bilang sagot, inikot ko na ang doorknob saka dahan-dahan itong binuksan, atsaka naman sumalubong sa akin ang nakakasilaw na liwanag dahilan para mapapikit ako...

Chrono StatisWhere stories live. Discover now