The Strings of Time

0 0 0
                                    

Nanonood kami ngayon ng telebisyon ng bigla kaming makarinig ng pagsabog sa kabilang kwarto, nagkibit balikat na lang kami ni Allen dahil nasanay na kami sa mga ganitong bagay lalo pa at panlimang araw na namin dito sa armored laboratory ni Enrico...

"Talaga bang hindi pa tayo pwede lumabas? Nakakabagot na dito" Parang bata na reklamo ni Yael..

"The last time na lumabas tayo ng magkasama diba muntik na tayong matigok" Sagot sa kanya ni Allen na sinimangutan nya lang...

Dumaan ang katahimikan ng ilang minuto pero agad ding nawala ng biglang kumanta si Yael gamit ang butiki nyang boses...

"Tumahimik ka Yael, nakakairita yang boses mo" Sabi ko dito na ikinatigil nya, pero bigla ring tumabi sa akin at ngumiti na malapad...

"Lissa magkwento ka naman tungkol sa sarili mo, paniguradong mas matanda ka sa aming lahat dito at marami ma ring adventures" Pacute nitong request...

"Diba nasabi ko na na wala na akong maalala simula ng namuhay ako sa Italy? at tanging ang pamilya lang ni Allen ang mga taong nakilala ko doon, mahina din kasi ako sa pagmemorize na pangalan lalo pa kapag hindi naman sila importante sa akin" Sagot ko dito...

"Hmmm, eh kung icheck ko yung memories mo? Baka maibalik ko ang mga alaalang nawala sayo" Suhestyon nito..

"Masyadong risky ang gagawin mo, kahit na nagawa mong burahin ang alaala ng kalaban noong nakaraang araw hindi parin ako kampante na walang magiging side effect ang gagawin natin, at isa pa, hindi ko na rin naman iniisip ang nakaraan, ang importante ay kung anong meron ako ngayon, kayo, yun ang mahalaga" Saka ako ngumiti dito, ginulo ko na lang ang buhok nito kaya parang puso itong lumayo sa akin...

"Stop being childish Yael, para kang bakla" Kantyaw ni Allen dito...

"Tumahimik ka, yang gift mo ang bakla" Napakunot naman ang noo ni Allen dahil dun...

"Anong gift ang sinasabe mo Yael?" Tanong ko dito...

"Nakilala ko lang naman kasi ang sumasanib sayo kapag nawawalan ka ng kontrol sa gift mo, actually may isip nga sya at katawan eh, at magkamukhang-magkamukha kayo" Sabi pa nito na parang wala lang sa kanya ang pinagsasabe nya...

"Atsaka mukhang kilala ka nya Lissa, siguro kapag sinusubukan mong ibalik si Allen mula sa pagkontrol nya ay parati kang umieksena, kaya nasa listahan ka nya ng mga taong bwesit na bwesit sya, not to mention na napasali na rin ako dun" Dagdag nito, Magtatanong pa sana si Allen patungkol sa gift nya ng biglang may lumitaw na maliit na liwanag sa gitna ng sala at naglabas ito ng napakaliwanag na ilaw...

'The strings are already broken,
To heal itself chaos will occur,
In a place where Past and Future meets,
Children of Ares sing the song of Darkness,

A red lake will soon appear,
To feed the undying flower,

In amidst of chaos the flower blooms,
Only it can stop the Song of Ares,
And everything will back to its rightful place'

Rinig kong boses ng isang babae, ng mawala ang liwanag ay nakarinig kami ng kalabog at dahil matagal kaming nakapikit at medyu nag-adjust pa ang mga panigin namin...

"Hey what is that ligh--" Rinig kong napatigil si Enrico sa sasabihin at mukhang nagpanic, ng maging klaro na ang paningin ko ay doon ko nakita na may binuhat syang babae at inilagaw sa sof kung saan si Allen nakaupo kanina...

"Teka sino yan?" Tanong ko..

"Ako dapat ang nagtatanong nyan, andun ako sa laboratory kanina ng mapansin ko ang malakas na ilaw na nagmumula dito, tapos paglabas ko tumambad na sa akin ang babaeng ito" Paliwanag nito saka inutusan si Yael na kumuha ng first aid kit, puro sugat at pasa kasi ang katawan ng babae at marumi na rin ang mga damit, pero kung paano sya nakapasok ay ang malaking tanong na bumabagabag sa amin..

Matapos gamutin ni Enrico ang mga sugat nya at dinala sya ni Allen sa bakanteng kwarto at doon ay binihisan ko sya, pinagmasdan ko lang ang mukha nya at may napansin ako, pamilyar sya sa akin pero hindi ko maalala kung kelan at saan ko sya nakita...

Nasa ganoong posisyon ako ng nagmulat ito ng mata at nagtatakang tumitig sa akin...

"Calissa?" Tanong nito at bigla akong niyakap, sa gulat ay hindi ako nakapagreact hanggang sa napansin ko na lang na umiiyak ito sa aking balikat...

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit sya umiiyak pero ramdam ko ang lungkot sa bawat paghikbi nya...

"Sa wakas natagpuan na rin kita" Sabi nito na umaklas ito sa oagkakayakap sa akin...

"Alam kong hindi mo ako maalala dahil sa mga nangyari, pero nandito na ako, tulad ng nasa propesiya, magtatagpo tayong muli at ito nga, nagkita tayo ulit" Mangiyak-ngiyak nitong paliwanag pero tanging pagkunot lang ang noo ang isinagit ko sa kanya...

"Alam kong naguguluhan ka, natapos na ang unang propesiya na inilahad ni Ina, at kanina habang naglalakbay ako papunta dito sa kasalukuyan ay biglang pumasok ang isang pangitain sa akin" Dagdag nito saka sumeryoso...

"Tanging kaguluhan ang nakita ko sa hinaharap Calissa, at kailangan nating paghandaan iyon" Babala nito kaya naman napatayo ako at napahawak sa sintido...

"P-Pasensya na, sumakit lang ang ulo ko sa mga sinabe mo, magpahinga ka muna at mamaya sabay-sabay tayong maghahapunan doon ka magpaliwanag sa harap ng mga kasama ko dahil kung ako lang ang tatanungin, hindi kapani-paniwala ang mga pinagsasabe mo" Saka ako umalis at binalikan sina Allen...

"Kamusta sya?" Tanong ni Enrico..

"Nagising na sya, at tinawag nya ako sa pangalang Calissa" Sabi ko sabay upo...

"Calissa?" Nagtatakang tanong ni Allen, tango lang ako at nakita si Yael na nagsisimula nang maghanda ng makakain...

"At base din sa mga kwento nya mulhang galing sya sa nakaraan" Dagdag ko at nagulat na lang ng biglang sumulpot si Enrico sa harap ko...

"Ibig sabihin nagtime travel sya?" Tanong nito na ikinakibit-balikat ko na lang...

"Kung kilala ka nya at mula sya sa nakaraan, maaaring kilala ka nya at pwedeng maging susi sya sa pagkatao mo" Natigilan ako sa sinabe ni Enrico, gusto ko oa ba talagang makilala ang dating ako? Noong nasa Italy pa ako araw-araw kong hinahanap ang sarili ko sa mga taong nadaraanan ko tinatanong ko kung kilala ba nila ako, kahit na halata sa mga tingin nila na isa akong baliw hindi ako sumuko ng ilang taon, hanggang sa napagod na lamang ako at gumawa ng sariling pangalan, nagpalipat-lipat ng lugar sa tuwing lumilipas ang bawat dekada...

Alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon malaking katanungan parin sa akin kung paano ako napunta sa gitna ng kalsada na iyon at kung anong nangyari sa akin, anong dahilan ng pagkawala ng aking alaala? May mga tao bang naghahanap at nagaalala kung nasaan ako? Kung ayos lang ba ako??

Akala ko nakalimutan ko na ang mga katanungang iyon, pero sino ba ang niloloko ko? Gusto ko pa ring malaman kung sino at saan ako nagmula, ano ang naging dahilan para mawalan ako ng alaala?

Chrono StatisWhere stories live. Discover now