Unsafe

0 0 0
                                    

Lissa

"H-How fascinating!" Tinignan ko lang si Enrico ng seryoso kaya naman umayos sya ng upo, pagod akong sumandal sa sofa kung saan nakaupo din si Allen...

"Now what? Hindi tayo pwedeng umuwi, panigurado nasa paligid parin ang mga taong yun" Sabi ni Allen...

"Enrico and Yael, take this as a responsibility, alam ko namang kayo ang dahilan kung bakit tayo hinabol nang mga yun kanina" Mabilis namang tumango ang dalawa...

"You can count on us Lissa, isa pa, two days ago may mga hindi kilalang tao din ang naghanap kay Yael sa bahay nya sa gubat, at alam kong hindi basta-basta ang mga taong yun dahil nilagyan ko yun ng malakas na security system para hindi madaling mapasok, but in their case parang mani-mani lang sa kanila ang pasukin ang lugar" Pahayag ni Enrico...

"Your saying?" Tanong ko dito na sinagot ni Yael...

"Na hindi basta-bastang grupo lang ang naghahanap sa atin, they have our information at sa tingin ko matagal na nila tayong minamanmanan" Sagot nito na mas lalong ikinaseryoso ko, ibig-sabihin merong organisasyon na naghuhunting ng tulad namin??

"B-Baka s-sila yun" Napatingin ako kay Allen ng magsalita ito gamit ang nangingig na boses...

"Hindi pa tayo sigurado, pero kung sila man ang may kagagawan noon, sisiguraduhin kong pagbabayarin nila ang ginawa nila sayo" Napayuko lang ito saka tumahimik kaya ako na lang ang nakipag-usap sa kanila ni Yael...

"Any idea about this organization?" Tanong ko sa kanila...

Nakita kong napailing si Yael pero napansin kong natahimik si Enrico...

"Enrico" Tawag ko dito na ikinabigla nito...

"Speak" Utos ko dito...

"W-Well, I have an idea kung anong organization ang may kagagawan nito" Tumango lang ako dito saka nito ipinagpatuloy ang pagsasalita...

"They called themselves Nimrod, an organization who recruit Deviants to hunt Deviants" Sabi nito saka may kinuha na remote, sa TV nito ay may pinindot ito sa remote ay biglang lumabas ang logo na bungo ng Dragon...

May mga captions na ipinalabas doon hanggang sa nagsimula ang video sa isang pasilyo na parang nakakabit ang camera sa isang bahagi ng katawan nito...

Sa video ipinapakita ang isang facility kung saan may tinitrain na mga bata, na sa tantya ko ay nasa sampung taong gulang pataas, kada kwarto may iisang bata at mahahalata na talagang ginawa ang silid na naayon sa gift ng mga bata, mukha may classification din na ibinibigay sa bawat bata base sa ability at improvement na ipinapakita nila...

Hanggang sa nahagip ng hidden camera ang isang bata na nagwawala, may base sa nakikita nito ay isa itong telekinetic dahil sa pagpapatilapon nito sa mga doctor o scientist na pumipigil dito...

"Uhm, that is number 005, clasification A+" Rinig kong sabi ng may-ari ng hidden camera, agad akong napatingin kay Enrico at siningkitan ito ng mata, ngumiwi lang ito saka ko ulit itinuon ang atensyon sa video...

"Telekinesis and classification A+, sya ba ang pinaka-advance na Deviant dito?" Tanong ng boses, ewan ko pero pamilyar ang boses na iyon, na parang narinig ko na ito pero hindi ko lang matandaan kung kelan at saan...

"Nope, may classification S pa kami, at mas madali syang ihandle kesa dito" Sabi ni Enrico...

"His Gift?" Tanong nito...

"Augmentation" Pagkatapos nyang sabihin yun ay biglang napatayo si Yael sa hindi malamang dahilan...

"Duck!" Sigaw nito saka ko nakita ang isang helicopter na may heavy gun sa mga gilid nito at pinaulanan ng bala ang buong penthouse...

"M-My equipments!!" Halos maiyak si Enrico habang pinagmamasdan na nasisira ang mga equipments nito...

"Your life is more important than you equipment, now lead us to da exit" Sabi ko saka hinila sya sa collar at padapa kaming umalis sa sala, imbis na sa elevator kami sumakay ay dumaan kami sa emergency exit at mabilis na bumaba...

"What the hell!! Papatayin nila tayo!" Panic ni Yael habang tumatakbo, pero agad napatigil ng makatungtong kami sa floor 15...

"Wag dyan may mga armadong tao na nagbabantay sa floor 13" Sabi nito at pumasok sa floor 15...

May mga nasalubong kaming ibang tenant sa condominium na tumatakbo din, hindi namin sila pinansin at sumakay sa elevator...

Kinakabahan kaming lahat dahil sa muntik na kaming mamatay, although hindi naman ako mamamatay pero sila ang inaalalala ko...

"May nakabantay satin sa ground floor" Panic ulit ni Yael...

"I-I can do s-something pero I think it will last only five second" Napatingin kaming lahat sa kanya at napansing pumikit sya at bumuntong-hininga...

Pagmulat nito ay nakita kong kalmado na ito...

"Andito na tayo, remember, we only have five seconds" Sabi nito at nang bumukas ang elevator ay agad kaming naglakad ng mabilis, napansin ko na hindi kami nakita ng mga lalaking nakablack suit, aakalain mong normal lang na meeting ang pupuntahan nito pero ilalim pala ng suits nito ay mga armas...

Mabilis kaming pumasok sa eskinita at ng makalabas ay nagpara ng taxi...

Kahit hindi namin alam kung saan kami susunod na pupunta...

Chrono StatisWhere stories live. Discover now