Suddenly Overpowered

0 0 0
                                    

Yael

I immediately conjure a barrier around me para hindi na sya makalapit sa akin, halatang nagulat sya sa ginawa ko pero agad ding napangisi...

"My my, I didn't know you can do something like this" Pahayag nya saka hinawakan ang kulay asul na barrier...

"Siguro nga territoryo mo toh, pero baka nakakalimutan mo din, lahat ng utak, ay kaya kong kontrolin, at mas malakas ako kapag nasa ganitong lugar" Sabi ko saka ikinumpas ang mga kamay, kasabay nito ay parang mga gears ng makina na gumalaw ang paligid at pinaghiwalay kami...

"Be my Queen" Saad nya saka nagpalabas ng gintong tali at inihataw sa barrier na pumapaligid sa akin, agad namang itong nasira pero mabilis ko ito pinalitan at ipinadyak ang kanang paa sa semento kung saan nagsimulang umalsa ang mga matutulis na tipak ng bato papunta sa direksyon nya...

"Pasensya pero straight ako" Sagot ko at saka pinagsalop ang palad kasabay ng pag-alsa ng hugis bilog na lupa na lumamon sa gift ni Allen...

Tumama din ang matutulis na tipak ng bato na kanina ay ginawa ko at tumusok sa kinalalagyan niya, humihingal akong napaupo at pinahid ang pawis na namuo sa noo ko...

Ngunit ang akala kong tapos na na laban ay nagsisimula pa lang pala, nagulantang na lang ako ng may lumitaw na mga kamay mula sa kinauupuan ko at bigla akong hinila pababa, ang kaninang bulwagan ay napalitan ng napakalawak na tanging karagatan lang at kalangitan ang tanging makikita...

Nakalutang ako ngayon sa kakmadong dagat pero agad ding gumawa ng barrier para protektahan sarili...

Maya-maya ay biglang may dahan-dahang pumaibabaw ilang metro mula sa kinalalagyan, isang trono kung saan nakaupo ang gift ni Allen, ngunit mas nagulat ako ng makita kung sino ang kasama nya...

"Release him!" Galit kong sigaw dito ng mapansing wala sa sariling katinuan si Allen, mababanaag sa mga mata nya na hindi sya ang kumukontrol sa mismong katawan nya...

"Pinabibilib mo ako, hindi ka na mismo nag-isip pa kung ilusyon lang ba ang Allen na nasa tabi ko" Pahayag nya saka ngumisi...

"At mas lalo lang akong nasasabik na mapasaakin ka" Napahilotna lang ako sa sintido ko dahil sa sinabe nya, bakit ba ayaw nya akong tantanan...

"Heres the deal, if you defeat Allen, I will bring him back and keep silent for the mean time, however, if you lose, I'll keep you as my property" Sinamaan ko lang sya ng tingin bago mabilis na sumugod at sinuntok si Allen, mukhang nagulat sya sa ginawa ko kaya kinuha ko iyong pagkakataon para kunin ang gintong kadena sa trono nya at mabilis syang iginapos, mas dinagdagan ko din ng tali at hindi pa nakuntento dahil gumawa pa ako ng hawla katulad ng ginawa nya kanina para ikulong ako, matapos nun ay gumawa pa ako ng makapal na barrier na pumalibot sa kabuuan ng hawla...

Napaupo ako sa ibabaw ng tubig at pinahid ang dugong lumabas sa ilong ko, habang ang gift naman ni Allen ay nanggagalaiting nagpupumiglas, oinanlisikan nya rin ako ng mga mata kaya nagsnap ako at natabunan ng kulay puting tela ang hawla kaya hindi na ako makikita nito...

Tumayo ako at pinuntahan ang katawan ni Allen, nakatulala lang ito kaya naman hinawakan ko ang noo nito saka nawala ang buong katawan nya, pagod akong pumikit at nang idilat ko ang mga mata ko ay nakitang kong nakahandusay sa unahan si Allen habang si Lissa naman ay mag-isang hinarap ang kalaban, mas nahirapan pa sya dahil sa suporta na ginagawa nung Elizabeth at Vera, ramdam kong pagod na ako pero tanging ako lang ang makakatulong ngayon kay Lissa, ipinikit ko ang kanang mata at tinitigan si Vera, kumpara kay Allen mas mabilis ko syang nakontrol at ginamit sya para sakalin si Elizabeth na nagulat din sa ginawa ng kasama nya...

"Pumasok na tayo!" Sigaw ni Enrico saka mabilis na binuhat si Allen at naunang pumasok...

Tumayo na rin ako pero bago pumasok ay nagsnap muna ako sa ere at sabay na natumba ang kalaban na ikinagulat ni Lissa...

"Tara na, magsasara na ang pinto!" Sigaw ko dito kaya agad naman syang sumunod at inakay ako, hindi lang pala isa ang heavy metal na pinto kung hindi lima, sumunod na nagsara ang ikalimang pinto ng makapasok kami ng tuluyan ni Lissa at tumambad sa amin ang malawak na living room...

"Ayos ka lang Yael? Ikaw ang napuruhan sa ating apat" Pag-aalala ni Lissa

"Ayos lang ako ikaw nga marami kang hiwa" Puna ko pero natahimik na kang ng makitang naghihilom ang mga sugat nito...

"Akala ko hindi ka na makakabalik dahil lampas sampung minuto ka ng walang malay habang si Allen naman ay parang lantang gulay na bigla na lamang natumba" Kwento nya saka nilingon si Allen kaya napatingin din ako dito, wala itong malay pero wala namang kakaiba sa katawan nito...

"Dinagdagan ko ang kadenang gumagapos sa gift ni Allen, gumawa din ako ng hawla at barrier para higpitan ang pagkakakulong nito" Pahayag ko na sinagot niya lang ng ngiti at paggulo ng buhok ko...

"Sa ngayon magiging ligtas tayo dito, pero hindi natin alam kung kelan susugod ulit ang pwersa nila Elizabeth lalo pa at alam nila ang kinaroroonan natin" Pag-aalala ni Enrico, kahit nakapikit ay ramdam ko ang pangamba nito kaya agad akong nagsalita...

"I erased their memories kanina kasabay ng pagkahimatay nila, for now we can be assured na hindi nila tayo mahahanap" Saka ako dumilat at napakunit ng noo ng makita ang klase ng tingin na ipinupukol nila sa akin...

"YOU JUST ERASED THEIR MEMORIES?!" Hysterical na sabi ni Enrico habang si Lissa naman ay napangiti...

"B-Bakit? Ginawa ko lang kung ano ang nasa isip ko kanina, sa totoo lang lutang pa ako kanina ng magising ako" Paliwanag ko...

"You did the right thing Yael, pero sa pagkakaalam kasi namin you can read minds and enter it, kanina nagulat na lang ako ng makontrol mo si Vera at sabay na nahimatay silang lahat, mukhang may nangyari sayo sa loob ng utak ni Allen para maunlock ang ibang features ng gift mo" Pahayag nito na ikinatango ko lang, sa ngayon gusto ko lang magpahinga, masyado akong napagod sa paggamit ng gift ko...

Chrono StatisWhere stories live. Discover now