The Aegis

2 0 0
                                    

Lissa

Mabilis akong humugot ng malalim na hininga matapos kong imulat ang mga mata ko, pakiramdam ko parang galing ako sa isang napakalalim na parte ng dagat dahil sa uhaw ko sa hangin...

Naramdaman ko naman ang maingat na pag-aalalay sakin ni Yael na isandal ako sa headboard ng kama nya...

"Kukuha lang ako ng maiinum mo, irelax mo lang ang katawan mo" Tumango naman ako kaya umalis na sya...

Habang naghihintay kay Yael ay may kakaiba akong naramdaman sa paligid, maraming presensya ang nasasagap ko na nasa paligid lang...

Patayo na ako para tingnan ang iba ng biglang yumanig ang paligid...

"Whats happening!?" Sigaw ni Allen sa labas kaya agad din akong lumabas sa silid ni Yael...

"Nasaan si Enrico? Kailangan na nating umalis" Tanong ko dito..

"Hindi ko alam, pero baka nasa lab nya" Sagot nito kaya agad kaming pumunta sa lab nito, only to see na nakagapos ito at may mga taong nakasuot ng puting cloak sa paligid nito, mabilis kaming nagtago saka hinanap si Yael...

'Lissa? Sundan nyu ang boses ko' Nagkatinginan kami ni Allen ng marinig namin ang boses ni Yael sa mga isip namin...

Sinundan namin ang boses at dinala kami nito sa isang silid kung nasaan si Yael nagtatago...

"May nakakita ba sa inyo?" Tanong nito saka kami umiling...

"We need to get out, hindi sila ang Nimrod na humahabol sa atin noong nakaraan, ibang organization ito" Sabi nya saka ipinakita ang isang susi..

"Para saan yan?" Tanong ni Allen...

Hindi muna nito sinagot ang tanong ni Allen, sa halip ay may pinagpipindot ito sa pader na kaharap namin, pagkatapos ay may narinig kaming nag'click saka bumukas ang pader...

"Magmadali na tayo, kailangan nating tumakas" Sabi nya saka pumasok sa lagusan...

"Pero paano si Enrico?" Tanong ko..

"Wala na tayong magagawa, ang importante makaalis na tayo dahil tayo naman ang pakay nila, hindi nila sasaktan si Enrico" Nagkatinginan lang kami ni Allen saka sumunod sa kay Yael, mabilis namang nagsara ang pader kung saan kami pumasok, habang naglalakad ramdam ko ang mga matang nakamasid sa amin kaya mas lumapit ako kay Allen...

"Ah Yael, salamat nga pala kanina" Sabi ko dito, masyado kasing tahimik ang paligid kaya mas mabuting kausapin ko na lang sila...

"Ah wala yun, mabuti nga at hindi pa kayo nahuhuli kanina eh" Sagot nito..

"Hindi, yung kanina sa kwarto mo" Nakita kong napakunot ang noo nya sa tanong ko...

"Oo nga Yael, bakit ba nasa kwarto mo kanina si Lissa?" Napangisi ako ng mapansin ang butil ng pawis na tumulo sa noo nya...

"I see, Allen diba nakapatay ka na?" Tanong ko kay Allen out of the blue...

"Oo, at hindi ako mangingiming ulitin yun kapag may nanakit pa sa inyu" Sabi nito sa seryosong tono...

"Eh panu kung sabihin ko na peke ngayon ang Yael na nasa harap natin" Sabi ko saka naman itinutok ni Allen ang kamay nya dito para makontrol ang katawan ng impostor...

"Kanina pa alam yan, hindi ako tanga para makalusot ang ganito kacheap na gift" Sabi nya saka pinalutang ang impostor na Yael papalapit sa amin...

"Now tell us where is Enrico at si Yael" Seryoso nitong sabi...

"Expected to you Allen Walker, pero itatama ko lang ang sinabe mo about sa gift ko" Sagot nito saka nagpalit ng anyo ni Allen, hindi lang iyon, nakawala din sya sa psychic restrain ni Allen na syang ikinabigla namin...

"Isa ako sa top ranked member ng Aegis and my gift is can not only copy the appearance of my desired subject, but also their gift" At pagkatapos nun ay lumutang sya sa ere habang dahan-dahan nyang binibitak ang tunnel kung nasaan kami...

Nilabanan naman sya ni Allen gamit ang sariling Psychic Ability...

"Sumuko na kayo at sumama sa Aegis, our agenda is only to recruit you bago pa kayo kunin ng Nimrod at gamitin sa kasamaan nila" Paliwanag nito...

"Kung totoo nga ang sinabe mo bakit nyu kailangang pumasok ng walang pasabi at dinakip ng sapilitan ang mga kasama namin? Not to mention na paligiran kaming dalawa ngayon" Tanong ko sakanya, halatang wala syang maisagot dahil sa tumahimik na lamang sya...

"At kung magsalita ka na masama ang Nimrod parang ang buti nyu, I may not know the goal of your organization but entering our safe place just to recruit us is definitely wrong" Saka ako tumakbo sa direksyon nya, nahalata nya ito at ikinumpas ang isang kamay para mapaluhod ako...

"Allen now!" Sigaw ko, halatang nalito ang impostor sa sinigaw ko, pero maya-maya ay may force field na bumalot sa paligid nito dahil para mablock ang telekinetic wave na ginagamit nito para irestrain kami ni Allen...

"I just remember my past tapos ganito na agad ang mga nangyayari" Sabi ko sabay tayo...

"Ano nang gagawin natin sa kanya?" Tanong ni Allen habang nakatingin sa impostor na bgayon ay nagpalit na ng anyo, mula kay Allen ay nagpalit ito sa isang batang lalaki na nasa kinse-anyos at nanggagalaiting  binabangga ang force field...

"Hostage natin sya, paniguradong nag-aabang na sila sa dulo ng tunnel na io kaya naman ipagpapalit natin sya sa kanila ni Enrico at Yael" Paliwanag ko...

"How can you be so sure about that?" Tanong nito..

"I'm not sure, I am just hoping na sana ay pumayag sila na ipagpalit sina. Enrico sa kasamahan nilang ito" Sagot ko dito...

YAEL

Nagpupumiglas ako ngayon dito sa loob ng Van, nakagapos kaming dalawa ni Enrico sa loob habang ang ibang mga tao ay nasa labasan ng tunnel kung saan sina Allen lalabas...

'Tingin mo ba na nahuli narin sina Allen' Tanong ko kay Enrico gamit ang aking isip, napalingon naman sya sa akin at sumagot gamit ang kayang isipan..

'Pwedeng oo, pwede ring hindi, alam mo naman kung gaano kalakas si Allen diba, not to mention na kasama nya pa si Lissa, tahimik lang ang dalawang yun pero mararamdaman mo sa presensya nila ang kakaibang bond nila sa isa't-isa' Paliwanag nito...

'Can't you just alter the memories of these guys para makawala na tayo dito?' Tanong nito gamit oarin ang isipan, hindi naman kami makakapag-usap dahil sa mga busal sa bibig namin..

'Sinusubukan ko pero hindi ako makapasok sa mga isipan nila, sa tuwing susubukan ko binabalik lang nga helmet na suot nila ang brain waves na ipinapalabas ko' Pagpapaalam ko sa kanya...

'Lets just hope that these guys are not like that Nimrod' Sa isip ko bago muling tinanaw ang mga nangyayari sa labas...

Nasan na ba kasi kayo Lissa?

Chrono StatisWhere stories live. Discover now