True Ruler

0 0 0
                                    

Habang kinakamusta nina Yael at mga kasama nito si Lissa ay nagulantang sila dahil sa isang pagsabog, ng lingunin nila ang pinanggalingan nito ay nakita nilang binabalot ng kuryente ang katawan ng binatang kanina ay sinasakal sya at sa himpapawid makikita si Stefan na mukhang hindi masaya sa mga nangyayari...

"Kill them, except for Yael and Lissa" Mahina nitong utos sa mga kasama na agad namang kumilos...

Bago pa sila makakilos ay mabilis na naglaho sina Yael at Lissa na napapagitnaan nila, naguguluhan man ay hinarap nila ng sabay ang dalawang myembro ng grupo ni Stefan...

Napansin din ng magkakagrupo na nawala ang binata, saka sila nakarinig ng iilang pagsabog at huli ay isang sigaw, sa maikling panahon ay bumalik ang binata sa pwesto nito kanina at kasama na nito si Lissa...

"Insects!!" Nanggagalaiting sigaw ni Stefan bago ito nagpakawala ng guhit ng kidlat mula sa langit, binalot ng ingay ng pagsabog ang paligid dahil sa pagtama ng mga kidlat sa lupa, nabalot ng usok ang paligid, hanggang sa hinangin ito at tumambad sa kay Stefan ang grupo nila Lissa na hindi parin nabubuwag...

"Akala ko ba nagets mo nang hindi tatalab yang kidlat mo hanggat nandito ako" May pangungutyang sabi ng binata ma ikinakunot ng nooni Stefan, ngunit bigla ding gumuhit ang isang ngisi sa kanyang mga labi...

"Bakit ko naman iintindihin ang isang insektong katulad mo, maaaring nakokontrol mo nga ang kidlat, pero hanggang dun ka na lang" Sabi nito sa biglang lumakas ang hangin, sa sobrang lakas ng hangin ay may iilang puno ang nabuwal, mabilis na nagsummon ng barrier si Ria para protektahan ang kagrupo, maliban sa bagong dating na binata..

"Tama ka, mas lamang ka sakin pagdating sa kapangyarihan, ngunit pag-antas na ang pinag-uusapan, siguraduhin mong mas mataas ka sa akin" Sa isang iglap ay umulan ng ilang libong boltahe kidlat sa paligid, tinalo nito ang lakas ng hangin kanina, sa mga mata ng mga kagrupo ng dalawa ay isang delubyo ang paparating, isang malakas na bagyo ang mangyayari kapag patuloy na nagbanggaan ang dalawang taong ito, si Stefan na pangalawa sa pinakamalakas na Deviant ng Nimrod, habang ang isa naman ay isang misteryosong binata na kayang tumapat sa kapangyarihan nito....

"Hindi ako tatawaging King of the Sky kung mahina ako" Sabi ng binata saka mabilis na tumalon sa himapapawid kung saan si Stefan, mas tinaasan naman ng huli ang lipad nito dahil para hindi sya maabot ng binata, napangisi ito ng makitang nakaabang na pala sa baba ang dalawa nya pang kagrupo upang sumugod...

Ngunit hindi inaasahan ni Stefan na makikialam ang kagrupo nila Lissa, si Vince kasi at Kylie ang biglang lumutaw sa likod ng dalawa at sinugod ang mga kasamahan nya, dahilam para doon matuon ang atensyon ng dalawa nyang kasama...

"Mukhang nakakalimutang mong nandito pa kami" Ang sabi ni Lissa bago tumabi sa binata...

"Siguro naman alam mo ang kasabihang 'That everything goes up, must come down'" Saad ng binata saka hindi inaasahan ni Stefan ang milyon-milyong boltahe na tumama sa kanya mula sa taas, dahil sa gulat ay hindi nya ito nasangga at direktang tinamaan, hindi nya mapigilang mapasigaw dahil sa sakit na madarama, kahit na nakokontrol nya ang kidlat ay hindi nya kayang iabsorb ang ganito kalakas na boltahe...

Dinala sya ng kidlat pababa sa lupa na naging dahilan ng isang pagsabog, natigilan din ang dalawang kagrupo ni Stefan, ngayon lang nila nakitang natalo ang lider nila, tanging kay Emily pa lamang sya natatalo na talagang hindi hamak na mas malakas kesa sa lider nila...

"Binalaan na kita, oo nga at nakokontrol mo lahat ng elements na bahagi ng kalangitan, pero para makontrol iyon, may limited amount lamang ng mga ito ang kayang mong iabsorb sa katawan mo, kaya para matalo ka, kailangan ko lang pasobrahan ang boltahe na kayang itake ng katawan ko, that is your weakness which is madali lang naman malaman" Malamig na sabi ng binata, for now biglang nagbago ang presensya nito, maski sila ni Vince ay natigilan at nakaramdam ng bigat sa paligid, habang si Allen at Enrico ay nagkatinginan, pamilyar na pamilyar ang klase ng presensya na ibinibigay ng binata, saka silang dalawa napatingin kay Lissa na nasa tabi ng binata....

"You need to calm down, sa sinapit nya paniguradong aatras na sila" Sabi ni Lissa dito, at hindi nga nagkamali si Lissa, isang usok ang lumitaw sa kawalan at lumabas doon ang pamilyar na babaeng nakalaban nila sa tunnel....

Ngunit ang ikinagulat nila ay ang lalaking walang malay na buhat-buhat ng kagrupo ni Stefan...

"Thats all for today, sa susunod ka na Lissa, for now, ito munang batang toh ang kukunin namin" Sabi nito saka sabay na nilamon ng usok ang lahat ng kagrupo ni Stefan, nakatulala silang iniwan ng mga ito, bakit hindi nila napansin na nawawala ang kasamahan nila...

Unang nakabawi si Enrico sa pagkakatulala mabilis itong lumapit sa binata...

"Pakiusap, habulin natin sila, kailangan maibalik natin si Yael, para ko nang anak yun, kinuha na ng Nimrod ang sarili kong anak, hindi ko gustong kunin pa nila sa akin ang natitirang bagay na nagpapasaya sa akin" Nagsusumamo nitong sabi sa binata, lumuhod pa ito mabilis na naglandas ang mga luha mula sa mga mata nito...

"Pakiusap, kaya mo namang talunin sila diba" Patuloy na pagsusumamo nito...

Hindi alam ni Lissa ngunit literal nyang nararamdaman ang mga nasa puso ng bawat isa sa paligid, she can hear their emotions, napakabigat, napahawak sya sa dibdib nya at napaluhod, hindi nya kaya ang bigat ng emosyong nararamdaman nya mula sa mga kasama....

'Sleep'

Dinig nyang sabi ng isang malumanay na boses...

'Rest now'

Ulit pa nito dahilan para sumunod ang talukap ng mga mata nya at sumara, ang boses ay nagdadala ng mainit ngunit napakasarap na pakiramdam sa kanya, hindi nya alam kung kaninong boses ang naririnig nya, pero sa ngayon, sobrang pagod na nya, at siguro kailangan nya nga munang magpahinga...

Chrono StatisWhere stories live. Discover now