He's Telepathic

1 0 0
                                    

Yael

Mahigpit kong yakap ang sarili at patuloy pa rin ang pagbulong sa mga boses na naririnig ko sa aking utak, I can hear their voices, even though they're not speaking or talking I can still hear their voices...

"Please stop, I beg you" Sunod kong bulong saka tinakpan ang mga tenga, alam kong nagtataka ang mga taong nakakakita sa akin, lalo pat nasa isang public bus ako ngayon kaya talagang maraming tao ang makakakita sa akin...

Habang nasa ganoon pa ring posisyon ay naramdaman kong may tumabi sa akin, sa hindi malamang dahilan ay dahan-dahang tumahimik ang mga boses na nasa utak ko...

"Wala na, wala na ang mga boses" Bulong ko dito ma nginitian lang ako...

Buong byahe ay tahimik lang ang palagid hanggang sa makatulog ako, nagising lang ako ng biglang tumigil ang bus at napansing dito na ako bababa, bago ako makaalis sa inuupuan ay nakita ko ang isang ID, walang pag-aalinlangan ko itong kinuha at mabilis na bumaba, diretso lang ang paglalakad ko hanggang sa marating ko ang isang simpleng bahay na nasa gitna ng gubat...

Napaupo ako sa sofa at pinitik ang mga daliri na naging dahilan ng pagliwanag ng buong paligid...

"Good Evening Master" Rinig kong sabi ng AI system na si Xyrel...

"Any problem while Im gone?" Tanong ko dito habang nagbibihis...

"The surrounding are clear, however, my Heat Sensor detect something moving from the west 10 kilometers from here" Sabi nito...

"Can you identify what is it?"

"Xyrel cant identify the Heat Signature, its too far for Xyrel to determine what is it" Sagot nito na ikinatango ko...

Im Ysrael Lavrien, a Deviant, as you can see I live alone, that is because I cant control my Gift, which is to read other people mind...

Telepathy to be specific, simula highschool naging ganito na ang buhay ko, I once live with my uncles because my parents died in a terrorist attack while in Iran for business matters...

I was eighteen years old back then when I started to hear my uncles thoughts, na kinupkop lang nila ako dahil sa yamang ipinamana nina Dad at Mom sa akin, kahit alam ko na ang totoo ay nanatili pa rin ako sa puder nila hanggang sa nagsimula na ang pananakit nila sa akin, mas lumala dn ang mga naririnig kong boses sa utak ko at dahil doon ay nagdesisyon akong umalis sa bahay, dala ang properties na ipinamana sa akin nina Dad, at dito nga ako napadpad...

Kinaumagahan ay agad akong umalis ng bahay dala na ang specialize headphone na pinagawa ko para na rin ang paggana ng Gift ko pansamantala, hahanapin ko ang babaeng nakatabi ko kahapon sa bus, alam kong may kakaiba sa kanya dahil mula pagkabata wala ni isa ang nakapagpatigil ng mga boses na gawa ng utak ng mga taong nasa paligid ko, sya lang...

Andito na ako sa tapat ng pinagtatrabahuan nyang building habang hawak-hawak ang ID nito, Lissa Montemayor ang pangalan nya, papasok na sana ako sa entrance ng makita ko itong nagpapamadali, tatawagin ko na sana ito ng nilampasan lang ako at hindi pinansin, nagmadali naman akong sundan sya at nakitang pumara ng taxi...

Bago pa mawala sa paningin ko ang taxing sinakyan nito ay pumara din ako ng taxi at pinasunod dito...

Pumasok ito sa isang kilalang subdivision at tuloy-tuloy na pumasok ang taxi hanggang sa pinakadulo, bumaba naman ako at nagbayad ng makitang pumasok ito sa loob ng isang bahay...

Naglakad ako papunta sa gate nito pero napakunot ang noo ko ng hindi nya man lang ito isinara pati na ang pinto ng mismong bahay...

Masyadong tahimik kaya naman hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa loob...

Napabuntong-hininga lang ako saka tinanggal ang headphone na nakasuot sa mga tenga ko...

Napakunot ang noo ko ng biglang nag-iba ang paligid...

Mula sa sementadong daan at mga puno ay nasa isang malawak na silid ako at sa unahan ko ay isang trono, maliwanag naman ang paligid dahil sa mga sulo na may apoy na nakakabit sa bawat pillar na nasa loob pero kung sakaling wala ang mga ito ay paniguradong purong kadiliman lang ang nakikita...

"My My, what a curious little cat" Naalerto ako ng makarinig ng isang boses ng lalaki, ng hanapin ko kung saan ito nanggaling ay lumitaw ito sa mismong trono na nasa harap ko ilang metor ang layo kung nasaan ako nakatayo...

"It seems you've entered the wrong mind little cat, because here, you are powerless!" Pagkasabi nya nun ay biglang bumigat ang paligid ko, o ako lang talaga ang bumibigat dahil ako lang naman ang biglang napayuko at napaluhod sa aming dalawa...

"Thats better, now, what should I do to you?" Nakangiti ito ng nakakakilabot na ikinatakot ko, sino ang taong ito? at kaninong utak toh? Dapat hindi ganito ang laman ng pag-iisip ng isang tao, ilang beses ko nang nagawa na makapasok sa isip ng mga tao pero palaging malawak na parang walang katapusan ang parati kong nakikita...

Hindi isang bulwagan kung saan may trono...

"Alam kong naguguluhan ka, katulad mo isang Deviant ang pinasukan mo ng Telepathy mo, at ako ang kanyang Gift"

Tumayo ito at naglakad papunta sa akin, napansin kong may kadena ito sa mga kamay at paa na syang naglilimita ng paggalaw nito...

"I really hate this chain, hindi kita masasaktan dahil sa mga ito" Ngumiti ito saka pumitik sa ere kaya biglang nawala ang bigay na nagpapaluhod sa akin...

"Leave for now, alam ko namang magkikita pa tayo, at sisiguraduhin kong sa muli nating pagkikita, kontrolado ko na ang isip at katawan ng vessel ko" At sa isang iglap ay natumba ako sa harap ng bahay ni Lissa, nanghihina akong bumangon at napasandal sa gate nila, ewan ko pero pagod na pagod ako at gusto kong matulog....

Napapikit ako sandali pero hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at muli, napanaginipan ko ang Gift na nasa isang bulwagan...

Chrono StatisWhere stories live. Discover now