Undying Flower

0 0 0
                                    

Yael

Napahawak ako sa ulo ko at agad na bumangon, sobrang sakit nito na parang pinupukpok ng martilyo...

"Ayos ka lang ba? Nakita kita kanina sa tapat ng gate namin" Napalingon ako sa malumanay na boses na nagsalita at sa kabilang dako ng sala ay nakita ko si Lissa na kabababa lang sa hagdan...

"Pasensya na, sinundan kasi kita kasi isasauli ko sana sayo itong ID mo" Paliwanag ko saka iniabot ang ID nya...

"Maraming salamat, iniabot mo na lang sana sa guard at hindi na nag-abala" Napaayos naman ako ng opo at tinitigan sya ng seryoso...

"Ikaw talaga ang pakay ko Miss Lissa, naalala mo ba ang lalaking nakahood sa bus na sinakyan mo kahapon?" Nagtataka naman syang tumango kaya ipinagpatuloy ko ang pagpapaliwanag...

"I'm a Deviant, and I possess the Gift of Telepathy, at alam kong katulad ko rin ikaw pati na rin ang kasama mo dito sa bahay" Nang sinabe ko iyon ay biglang nag-iba ang ekspresyon nya, mula sa maamong mukha ay biglang naging seryoso at mapagmatyag ang kilos nya...

"Anong kailangan mo?" Nakaramdam ako ng autoridad sa tatlong salita lang na binigkas nya, napansin ko rin na parang bumigat ang pakiramdam ko hindi katulad kanina na normal lang, napatingin ako ng mabuti sa mga mata nito....

"I-I cant fully control my gift kaya parating pumapasok sa utak ko ang mga nasa isipan ng nasa paligid ko, pero noong nakatabi kita sa bus nawala lahat, kahit katiting na bulong ng isipan ng mga tao noon sa bus ay nawala, kaya naisip ko na baka nasa sayo ang Gift of Nullification kaya naman sana hayaan mo akong maging kaibigan ka, yun lang" Sabay yuko ko...

Naramdaman kong nawawala na ang bigat ng paligid kaya napaangat ang tingin ko sa kanya at nakitang hinihilot nito ang sintido...

"Just to be clear, wala akong gift of nullification or something, all I know is we are special because may mga abilities kaming hindi tinataglay ibang tao, at ikaw pa lang ang ikalawang tao na nakilala ko na may ability katulad namin" Nang matapos nyang sabihin yun ay may bumabang lalaki na nakaboxer lang sa hagdan at ginugulo ang buhok...

"Gising na ba sya?" Tanong nito at lumapit sa amin...

"Yeah, and it turns out that he is the same as we, he has the ability of a Telepath" Paliwanag nito...

"Really? I'm Allen at isa akong Psychic tulad mo, pero mas malakas ang Telekinetic ability ko kesa sa ibang kaya kong gawin" Napatango lang ako...

These two, I dont know pero pakiramdam ko Fate na talaga namin ang magkita-kita, pero bakit? hindi naman kasi itatadhana ang isang sitwasyon kung walang purpose diba??

"So whats your name?" Tanong nila sa akin na nagpagising sakin sa malalim na pag-iisip...

"Ysrael Lavrien, pero tawagin nyu na lang akong Yael" Napatango naman sila at natapos ang araw na sa kanila ako natulog, naging masaya naman ang pag-uusap namin patungkol sa mga kabulastugan namin habang gamit ang mga gift namin, ang napansin ko lang ay hindi palakwento si Lissa tungkol sa kung anong ability nya, tanda ko na sinabe nyang hindi nullification ability ang gift nya, kung ganoon ano??

Agad akong lumabas ng classroom pagkatapos magdismiss ng guro, pupuntahan ko si Enrico, kailangan kong matukoy kung ano ang ability ni Lissa, may something kasi talaga sa kanya eh, na hindi ko maexplain....

Pagdating ko sa isang condominium ay agad akong dumiretso sa Penthouse nito, at doon nakita ko ang pakay ko na naglalaro na naman ng kinahihiligan nitong online game...

"Napabisita ka?" Tanong nito na hindi man lang ako tinatapunanng tingin, napasimangot na lang ako at napaupo sa sofa malapit sa kanya, sakop ng penthouse ang buong gusali pero maliit lang ang space na para kay Enrico, eh halos andito na kasi ang equipments nya na ginagamit sa pageeksperimento, kahit adik toh sa games may time parin syang gumawa ng kakaibang bagay tulad na lang ng headphone ko na sya ang gumawa para mapigilan ang pagpasok ng mga iniisip ng taong nasa paligid ko sakin, at oo, alam nyang isa akong Deviant, sa totoo lang sya nga ang tumawag sakin ng ganun kasi yun daw talaga ang categorization ng mga katulad ko, habang ang ability ko naman ay tinawag nyang Gift..

"May gusto sana akong ipabackround check sayo" Sabi ko sa kanya ng matapos nya ang game...

"Sino naman at bakit?" Pag-uusisa nito..

"Lissa Montemayor, she's giving some vibe na hindi ko maintindihan" Paliwanag ko at tinignan nya lang ako na para akong weirdo...

Hindi naman sya nagsalita at lumapit sa isa pa nyang computer at nagsimulang magtype...

Makalipas ang ilang minuto ay napansin kong napakunot ang noo nya at parang nairita...

"Are you sure thats her real name?" Tanong nito na ikinatango ko...

"That name doesnt exist, hinack ko na ang system ng government pero wala akong makita na ganyang pangalan" Paliwanag nito at maski ako ay nagtaka na...

Ngunit natigil kami dahil sa isang paghuni sa isang computer nito...

"You have intruder in your house" Sabi nito kaya napatingin din ako sa computer...

"The hell!" Sigaw ko at lalabas na sana para umuwi ng pigilan ako ni Enrico...

"Don't, pwedeng target nila ang ability mo, those people might capture you and do some experiment with you,  ayaw mo namang maging isang experimental subject diba, you life is more important" Paliwanag nito na syang nagpakalma sa akin, masama ko na lang pinanood kung paano wasakin ng mga lalaki ang bahay ko...

"We can review the whole scene, maaaring makakuha tayo ng clue kung sino ang may pakana nito at kung ano ang pakay nito sayo" Napatango naman ako sa kanya at napatingin sa computer kung saan sya kanina hinahanap si Lissa at natigilan ng mabasa ang nasa monitor nito...

'Lissa Montemayor found dead beside the river of Sta. Rosa'

Ngunit ang mas nagpatigil talaga sa akin ay kung kelan ito inilabas na balita...

'1895 Manila NewsTime'

Chrono StatisUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum