The Lone Immortal

3 0 0
                                    

Nagising ako sa malalim na pag-iisip ng maramdaman kong may kumalabit sa akin, napatingin ako sa gilid at nakita ang isang gusgusing bata at nakalahat ang dalawang mga palad, nginitian ko ito bago dumukot ng pera para ibigay dito...

"You're spacing out again" rinig kong puna ni Allen

"May naalala lang ako" Sagot ko naman bago kami makapasok sa building kung saan kami pareho nagtatrabaho...

"Pupuntahan na lang kita mamayang lunch break para sabay na tayo" Tango lang ang sinagot ko bago ako lumabas ng elevator...

Dumiretso agad ako sa table ko which nasa labas ng CEO office, as usual mga schedule at meeting ang hinandle ko para sa boss, napalupaypay na alng ako sa upuan ng restaurant kung saan kami kakain ni Allen...

"Marami na naman bang makukulit na investors?" Tanong nito ng makaupo pagkatapos umorder...

"Oo, at ewan ko ba sa CEO kung saang parte mundo nagbakasyon, nakatambak na ang mga papeles na kailangan nyang pirmahan at lahat ng section chief oras-oras akong tinatanong kung anong araw sya papasok" Paliwanag ko saka hinilot ang sintedo ko...

"Amerith?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ang isang kaibigan, kaibigan na kahit sa kulubot na ang balat nito ay pamilyar parin sakin ang dati nitong itsura...

"Amerith De Vera?" Nagpanggap na lang ako na hindi sya kilala pero nginitian ko pa rin...

"Hindi po Amerith ang pangalan ko Nay, Lissa po" Paliwanag ko...

"Ganoon ba? Pansensya na, kahawig na kahawig mo kasi sya" Tumango naman ako bago sya kunin ng apo nya at paupuin sa pwesto nila...

Malungkot akong ngumiti kay Allen..

"Is it hard?" General nitong tanong pero alam ko naman ang tinutukoy nya...

"I dont know anymore, paulit-ulit na lang kasi, sumuko na rin akong mag-isip kung paano tatapusin tong buhay ko" Tumahimik lang ito saka palihim na pinaglalaruan ang holen na parati nyang dala...

May palulutangin nya ito, papaikutin sa buong kamay o di kaya ay ibabalik ito sa dust like structure....

Allen is same with me, may special ability and were living together like siblings, nakilala ko sya noong nasa Italy ako, half filipino sya at binubully ng mga kaeskwela, Teacher nya ako sa college at one time na hindi nya makontrol ang ability nya ay ako ang napuruhan, doon namin nalaman na pareho kami, he is Psychic habang ako naman ay Immortality, kung bakit kami magkasama ngayon? His family was killed by an organization who hunt people with special abilities like us, pero dahil sa stress ay na out of control nya ang sariling ability at napatay ang mga salarin, not to mention he destroyed their house or rather pulverize it together with his family, nang malaman ko ang nangyari ay agad akong nagplano para pumunta dito sa pilipinas at dito na manirahan....

"May naalala ka naman?" Tanong nito, napangiti na lang ako dahil sa naalala, noon tinuturuan ko pa sya ng mga aralin nya sa college ngayon magkatrabaho na kami...

"Pag-out mo may pupuntahan ka diba?" Tanong ko dito na ikinatango nya...

"Oo may party kasi sa bahay ng department chief namin, magpapakasal na kasi" Napangiti naman ako dahil dun...

"Anong nginingiti mo dyan?" May pagbibintang na tanong nito...

"Wala, naisip ko lang na sobrang matured mo na, hindi magtatagal magkakanobya ka na ang magkakapamilya" Pahayag ko...

"At dapat andun ka palagi, sa ating dalawa ikaw lang ang hindi tumatanda, kaya kapag Lolo na ako at ikaw ganyan pa rin dapat lang na alagaan mo ko noh" Bahagya akong natigilan pero tumawa na lang rin, dadating ang panahon na kakailanganin ko ring iwan si Allen, pero hanggat magkasama kami, sisiguradyhin kong walang makakapanakit sa amin....

Natapos ang oras ng trabaho namin na mag-isa akong umuwi, tulad pinaagpaalam ni Allen ay sumama ito sa mga katrabaho nya para dumalo ng isang party....

Habang nakasakay sa bus ay napansin ko ang isang lalaki, balisa ito at yakap-yakap ang sarili, may binubulong ito at pinagpapawisan, sa itsura nito ay mukhang may kinakausap ito pero wala naman, tinapunan lang ito ng ibang pasahero ng pagtataka pero hindi na nag-uusisa...

Hanggang sa tinakpan na nito ang tenga at umiiyak, dahil doon ay wala sa sarili nyang tinabihan ito...

Nagkatinginan silang dalawa at binigyan nya lang ito ng matamis na ngiti...

"Wala na, wala na ang mga boses" Garalgal na boses ng lalaki...

Hindi nya ito pinansin at sa buong byahe ay tahimik lang ito, nang pababa na sya ay nilingon nya ito at mahimbing ang pagkakatulog, hindi na nya ito ginulo at bumaba na lang...

Kinabukasan maaga akong nagising at pumasok sa trabaho, off naman ni Allen kaya hinayaan ko na lang syang matulog dahil mukhang umaga narin syang umuwi ng bahay...

Habang nagchecheck ng schedule ng boss ko ay narinig kong bumukas ang elevator at nakitang lumabas dito ang CEO, ngumiti at bumati ako dito pero blankong tingin lang ang isinagot nito at pumasok sa opisina, nagtataka man ay isinawalang bahala ko na lamang at bumalik ng trabaho....

Habang busy sa trabaho ay may napansin akong biglang tumayo sa harap ko, napatingin ako doon at natigilan dahil sa nakita, isang malaking orasan ang nasa harap ko, ng mapatingin ako sa paligid ay wala na akong sa aking desk at parang nasa isang kawalan na puro puti at may ibat-ibang uri ng orasan, ngunit ang nasa harap ko ay syang elements of time, you have live in peace for a long time" Isang malalim na boses ang aking narinig na nagmumula sa malaking orasan...

"You are the very enemy of time, a being who should not coexist with mankind, a being who should not be born to begin with" Gulat pa rin ako sa nakikita kaya wala akong karea-reaksyon sa mga pinagsasabi nya...

"Your existence will disrupt the balance and flow of events in every realm, as your punishment death will always hunt you, wherever you go, who ever you're with" Sabi nito saka dahan-dahan na nawala, sa isang iglap ay nagising ako sa ring ng telepono kaya agad ko itong sinagot...

Pagkatapos nun ay hinang-hina akong sumandal sa swevil chair at napatingin sa maliit na orasan na nasa desk ko, ano ang ibig sabihin ng panaginig na yun??

Sa di maoamang dahilan ay naalala ko si Allen at bigla akong kinabahan, agad akong tumayo at sinabihan si Boss na maghahalf day lang ako, agad naman syang pumayag kaya naman mabilis akong bumaba at nagpara ng taxi...

What is this feeling? Sana okay lang si Allen..

Chrono StatisWhere stories live. Discover now