The S Class

0 0 0
                                    

Lissa

"Bakit naman hindi?" Nakakunot kong tanong sa Principal....

"You can't transfer to a normal class Ms. Montemayor, your ability surpasses the ability of a normal deviants, at kung isasama ka namin sa mga normal students pwedeng maging dahilan ito ng inggit" Napataas ang kilay ko, hindi ko kasi mahanap ang sense sa sinabe nya...

"When you seperate the normal deviants to the Multiple gifter nagbigay ka na ng dahilan para mainggit ang mga normal deviants sa kanila, ano naman kung mas malakas sila o mas madami ang gift? Ang importante at pantay-pantay sila, kami" Paliwanag ko dito...

"Kahit ano pang sabihin mo Ms. Montemayor wala rin akong magagawa, the board has decided, at hindi na pwedeng mabawi pa iyon" Pinal nitong sabi kaya padabog akong umalis sa opisina nito, nakakainsulto na ang mga ginagawa nila, I may look like a child but I am more older than them at isa pa totoo naman eh, kahit ano pang ability ang meron ang isang deviant dapat ay nasa iisang classroom parin sila kasama ang kapwa nila deviants...

"Kanina ka pa ba Lissa?" Napaangat ang tingin ko ng marinig ang pamilyar na boses, sila Ria lang pala, nakasunod din sina Allen at Enrico kaya magkakasama kami ngayong lahat sa iisang table dito sa canteen...

"Rinig ko inilipat ka daw ng klase?" Tanong ni Marie na ikinatango ko...

"Yes at unang pasok ko pa lang sa silid na yun parang sinasakal na ako" Sagot ko sa kanya...

"Well ganun talaga ang S class dito" Biglang sabat ni Kylie...

"Sila sila mismo ang nagpapagalingan sa klase nila, academics man o physical combat" Dagdag pa nito...

"Napansin ko din iyon kanina, kaya pumunta ako sa principal's office para ipabalik sana ang original schedule ko pero tumanggi ito dahil nakapagdecide na daw kasi ang board, which is no sense for me" Paliwanag ko....

Iinumin ko na sana ang binili kong kape ng biglang mahulog ito, pati sina Ria at iba ko pang kasama sa table ay napaluhod, na para bang biglang bumigat ang mga katawan nila, maliban sa akin...

"Ikaw pala ang transferee na nagpaluhod sa buong Special Class kanina" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ang limang mga estudyante na nakatayo sa entrada ng canteen, pinagtitinginan na kami ngayon ng ibang estudyante dahil tuluyan ng napin sa mga kinalalagyan nila sila Allen...

"Interesting, tulad ng sinabe kanina ni  Paula, hindi ka tinatablan ng kahit anong gift" Nakangiti nitong sabi, napahilot naman ako ng sintido, kids nowadays...

Sa isang kumpas ng mga kamay ko ay napatayo ang mga kaibigan ko na syang bahagyang ikinagulat ng babae, paniguradong hindi ito nakwento nung Paula sa kanya...

"Now my conclusion about the Special class is true, lahat kayo mga hambog" Sabi ko sa kanya saka tumayo...

"Oh? Napigil mo lang ang Gift of Gravity Manipulation ko naging kampante ka na? We are called Special dahil na rin sa mga kakayahang taglay namin" Pagmamayabang nya saka ko naramdaman ang paglubog ko sa kinatatayuan ko, napasigaw naman sila Ria dahil sa nangyari, hindi naman ako tuluyang nahulog, nastuck lang ang kalahati ng katawan ko sa semento na mukhang kagagawan ng isa sa mga kasama nung babae....

"We are the best team here in the Institute, wala pa kaming laban na hindi napanalo, kaya kung ako sayo magdadahan-dahan ako sa pananalita ko, isang hamak na deviant ka lang" Sabi nito saka lumipad ang isang bola ng apoy papunta sa kinaroroonan ko, ngunit bigla itong tumigil at naglaho, nagkaroon din ng bitak ang sahig kung saan ako nakalubog dahilan para makawala ako doon...

"Diba proud kayo sa mga gift nyu? lalo pa at Multiple Gifters kayo?" Tanong ni Allen saka tumabi sa akin...

"We're challenging you to a duel" Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Calen na binabalot na ng kuryente ang katawan...

Napansin ko ang pagkairita sa mga mukha nila, mukhang tatanggapin nila ang hamon...

"Sure, we will beat you three into pulp" Maangas nilang sabi saka umalis, lumapit naman sa amin sina Ria at may pag-aalala sa mga mata...

"Those are the Aplhas, sila ang pinakamalakas na Team dito at pinakahambog din, sa estimate namin magkalevel sila ng grupo ni Stefan ng Nimrod" Pagpapaalam ni Kylie sa amin...

"They need to know what is right and what is wrong, mukhang lumaki na kasi ang ulo nila dahil sa taglay nilang gifts" Paliwanag ni Calen na ikinasang-ayunan ko rin...

"At kailangan din nilang irespeto ang mga mas nakakatanda sa kanila" Dagdag ko na ikinangiti nila...

"Wag kayong mag-aalala, hindi naman nila kami matatalo eh, lalo pa at nandito si Lissa" Pag-aassure ni Allen saka ginulo ang buhok ko...

"Stop doing that, I'm older that you remember!?" Irita kong saway dito na ikinatawa nila, great, pati mga kaibigan ko hindi na ako siniseryoso dahil sa bagong itsura ko ...

********
Nimrod

Yael

It's been a week since the nimrod held me captive, at sa isang linggong yun ay tanging nandirito lang ako sa puting silid at ni katiting na gift ay wala akong magamit...

Kamusta na kaya sina Lissa? si Enrico? Nag-aalala din ba sila sa akin? Sana naman hindi nila ako nakalimutan...

Nawala ako sa pag-iisip ng maramdaman kong gumalaw ang silid kong nasaan ako, bigla ding bumukas ang pader na nasa likod ko na syang ikinapagtaka ko...

Tumayo ako at tumungo dito, at doon ko tumambad sa akin ang isang malawak na silid, hindi lang ako nag-iisa kung hindi lima kami, at tulad ko, alam kong mga Deviants din sila...

"Welcome newcomers!" Malakas na sabi sa intercom ng isang boses babae...

"Alam kong nagtataka kayo kung bakit  kayo nandyan" Panimula nuto saka biglang nagbago ang paligid, mula sa plain white room ay naging isang gubat ang paligid, napatingin ako sa paa ko at pinakiramdaman ang damo, totoong damo ito, pati na din ang mga puno, totoong-totoo...

"Don't worry nasa parehong silid parin kayo, binago lang namin ang setting ng lugar para matest ang survival skills nyu, at dahil bago kayo, we will test your capability when it comes in controlling your gift, walang time limit dito, ang gagawin nyu lang ay makipaglaban sa isat-isa, simple diba!" Masaya nitong paliwanag na ikinakuyom ng kamao ko, they want us to fight!? Gagawin nila kaming intertainment!

"At isa lang dapat ang natitirang nakatayo, hudyat para matapos ang test na ito, and heres the catch, the winner will have the privelage to go out its white room for eight hours everyday, isn't not awesome??" Kung ganun kailangan kong manalo para makalabas-labas ako ng silid kong iyon, Pagkakataon narin ito para maobserbahan ang mga ginagawa nang Nimrod, dahil alam ko, gagawin nila Lissa ang lahat para makuha ako dito, at habang hinihintay sila, kailangan kong mag-ipon ng impormasyon at lakas....

"You may start now" Plain nitong sabi saka napalitan ang boses nya ng mga huni ng ibon at mga hayop...

Chrono StatisWhere stories live. Discover now