Chapter Seventeen

2.1K 87 21
                                    

DIANA'S POV

     "HAY PUTANGINA!"

Ibinagsak ko ang maganda at sexy kong katawan sa malambot na kama nang sandaling makarating kami ng hayop na si Kelvin dito sa tutuluyan naming hotel— ang Shangri La Paris. Ito ang pinakamahal kaya ito ang napili ko. Ako kasi ang pinag-decide ni Kelvin dahil wala raw siyang pakialam sa kung saan kami magi-stay. 

Tsk. Balak ko pa nga sana sa hotel or condominium na pagmamay-ari niya pero ayaw niya raw sa libre.

Gustong-gusto naglulustay ng pera. Eh kung nilalagay niya sa bangko ko 'yon, 'di ba? Edi may napuntahan pa.

Bobo talaga mag-isip ang lalaking iyon kaya nai-stress ako.

"Magpahinga ka na, love." Napabangon ako nang marinig ko ang pangit na boses ni Kelvin.

Inis ko siyang tiningnan. "Tangina mo. Tigilan mo nga ako."

"Okay, love," pang-aasar niya pa.

"Kelvin, isa!" Nagbabanta ang maganda kong boses.

Tumawa naman nang malakas ang kulugong si Kelvin pagkatapos ay sinampay niya single couch ang suot niyang trench coat kanina. Pagkatapos ay binaling niya ang paningin sa akin. 

"What now, love? Are you mad again, love?" tanong niya kasabay ng pang-aasar.

Tumayo ako at pinanlakihan siya ng magaganda kong mga mata. "Puta, hindi ka ba titigil?" 

Pikon na pikon na ako sa totoo lang. Simula pa noong nasa mansyon nila kami, inaasar na niya ako tungkol sa endearment na 'love' na 'yan.

Oo nga at ako ang nag-umpisa pero hindi niya ba sinasaksak sa maliit na kukote niya na sinabi ko lang iyon para maaasar si Thalirra?

At wala akong balak na gawin 'yong endearment naming dalawa.

Ang corny. Ang dirty. Kadiri.

Prenteng umupo si Kelvin sa couch na narito sa kwarto. Sinandal niya ang likuran at pinatong ang dalawang braso sa magkabilang arm ng couch. At saka ito tumingin sa akin. 

"Puro mura lumalabas sa bibig mo, 'no?" Tila nahihiwagaang tanong niya.

Pinaikot ko naman ang magaganda kong mga mata. "Oo, lalo kapag ikaw ang kausap ko."

"Mahal mo naman."

"Asa." Tumaas ang gilid ng mapula at manipis kong labi.

Lakas ng loob magsalita ng mababahong salita. Siya? Mahal ko? May sira na ba ang tuktok niya?

Sa ganda kong 'to?

"Hindi ba?" tatawa-tawang tanong niya.

"Bobo ka ba? Syempre hindi."  

Mas lalong lumakas ang tawa niya. "Masasaktan na ba ako, love?"

Sa totoo lang, naninibago ako ngayon kay Kelvin. Hindi ko alam ang dahilan ng pagbabago niya pero parang nagiging komportable na siya sa akin. Dati-rati ay hindi kami nag-uusap. Halos nagkakaroon ng kidlat sa pagitan ng mga mata namin kapag nagsasalubong kami ng tingin. Dahil nga ayaw namin sa isa't isa.

We even set rules para hindi kami magiging sakal sa isa't isa. Pwede kaming magkaroon ng patagong relasyon at lumandi nang patago. Pwede naming gawin ang mga bagay na ginagawa namin noong hindi pa kami kasal. I mean, nag-set kami ng rules na walang mababago sa pang-araw-araw naming buhay. 

Kasal lang kami sa papel pero pwede kami mamuhay bilang single na tao. 

Pero ewan ko nga kung bakit hindi na nasusunod iyon.

MARRIED - (Status Series #1) [R18+] Where stories live. Discover now