Chapter 22

1.5K 53 13
                                    

DIANA'S POV

      "SASAMAHAN pa ba kita sa loob?" tanong sa akin ni Clyde nang makarating kami sa presidential unit ng condominium na pagmamay-ari ng hayop kong asawa.

"Huwag na. Baka manyakin mo pa ako," nakanguso kong saad. I even rolled my oh-so-pretty eyes para mapakita ang pagka-disgust sa kaniya.

Tumawa naman siya. Mukha ba akong clown? Tangina nito.

Masyado siyang masaya sa akin porke mas maganda ako kaysa kay Thalirra.

"You sure you'll be okay?"

Napangiwi ako dahil sa tanong niya.

"Anong akala mo sa akin, weak? Ulol, kaya nga kitang ibalibag diyan sa kinatatayuan mo."

Muli na naman siyang tumawa kaya nainsulto ako. Pero kahit na ganoon, I am still thankful. Kinokontra ko lang talaga ang sinasabi niya pero na-aappreciate ko naman siya. I appreciate his worries but he shouldn't be worried for me.

I am more than fine.

"Just call me if you need anything."

"I have my hands and feet—" He cut me off.

"Even so," aniya habang seryoso siyang nakatingin sa akin pagkatapos niyon ay ibinaling niya ang tingin sa karga-karga kong pussy na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Hinaplos niya ang pussy ko. "See you next time, Caterpillar."

Pagkatapos ay tuluyan na niya akong iniwan.

Nang makaalis siya at doon ko lang hinarap ang nagsisilbing bahay ko. 

Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko, malungkot ako. 

Ang nararamdaman kong lungkot ay guni-guni ko lamang at hindi ko dapat paniwalaan. Kaya naman, napagdesisyonan kong ilapag na ang pusang uod sa kama niya. Tulog na tulog pa rin ang walangyang pussy. Inabandona na ng tatay niya, nakukuha pa ring matulog nang mahimbing.

Edi sana all, unbothered.

Nagtungo agad ako sa kwarto. Inayos ko ang sarili ko bago tuluyang mahiga sa malaki at malambot kong kama. 

Napabuntong hininga ako nang maramdaman ang pakiramdam na hindi ko dapat nararamdaman. It feels empty. So I stood up and started shaking my body hoping that it would release the negative energy that I am feeling.

Pakialam ko kung magkasama ‘yung dalawang magkamukha? Parehas naman silang pangit kaya dapat lang na magsama sila. Hindi sila nababagay sa katulad kong ubod ng ganda kaya ayos lang kahit inabandona nila ako.

Duh. As if naman kawalan sila.

Dahil hindi ako makatulog ay nagdesisyon na lang ako na tawagan ang bitchesang spoiled brat sa kanyang social media account na siyang nakita kong online.

Agad naman niyang sinagot ang tawag ko. Subukan niyang hindi sagutin at ipapalamon ko sa kanya lahat ng snow sa France.

"Kumusta paglalandi mo?" tanong ko nang sagutin niya ang tawag.

"Woah! You already miss me?"

Hindi ko sinagot ang walang kwentang tanong ni Astrid. Hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng gana na kausap niya. Feeling ko, ang dami kong gustong sabihin ngunit hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. At dahil hindi ko alam paano sasabihin, tinatamad na ako.

Sa huli ay bumuntong hininga na lang ako.

"Come on. Tell me."

This is Astrid whenever I feel unwanted. Gusto ko pa sanang huwag sabihin sa kaniya ang laman ng isipan ko pero ano namang mapapala ko kung i-stock ko lang iyon sa isipan ko?

MARRIED - (Status Series #1) [R18+] Where stories live. Discover now