Chapter Fifteen ❌ WARNING | R18+ ❌

7.4K 153 13
                                    

THIRD PERSON'S POV

     "ADJOURNED."

Pagdi-deklara ni Kelvin Rain bilang pagtatapos ng kanilang meeting. Hindi naman na siya masyadong nakinig dahil alam naman na niya ang tungkol dito. Napag-aralan niya na iyon, bago pa masabi ng isang board member ang plano nito para sa kumpanya.

Nauna nang tumayo si Kelvin at lumabas ng conference room. Gusto niya kasing magpahinga dahil sa tambak ng trabahong mayroon siya noong mga nakaraang araw. Mabuti na lang ngayon at bahagyang nabawasan iyon. Pinagpapasalamat niya't humalili sa kaniya ang ama at ina na kakauwi lang galing sa China upang asikasuhin ang sariling negosyo ng mga ito.

Nakabukod kasi ang sa kaniya, pero hindi siya pinababayaan ng mga ito.

"Sir, coffee?" tanong sa kaniya ng sekretarya pagkapasok niya ng opisina. 

Tiningnan niya lang ang dala nitong kape para sa kaniya pero hindi niya iyon kinuha.

Sa halip, ang paborito niyang khaki blazer jacket ang kaniyang kinuha at saka ito pinatong sa puting long sleeve polo niya.

"Send me all my schedules for next week." Iyon lang ang sinabi niya at lumabas na ng kaniyang opisina.

Agad siyang dumiretso sa nakaparadang MPV car. Malalim na rin ang gabi dahil inabot ng dalawang oras ang meeting kanina. Gusto na niyang ipahinga ang nananakit niyang likod. Gusto na niyang ibagsak iyon sa malambot na kama nang sa gayon ay ma-relax siya.

Habang nasa daan ay iniisip niya kung ano bang magandang ipasalubong kay Diana dahil apat na araw pa lang simula nang magkasakit ito, bumalik na ito ng kumpanya para magtrabaho. Hindi niya nga sigurado kung tuluyan na bang gumaling mula sa lagnat ang asawa. 

Dumaan siya saglit sa kilalang coffee shop at bumili ng assorted sliced cake. 

"Lahat po ng klase, sir?" nagtatakang tanong sa kaniya ng sales clerk.

Tumango siya. Nakahawak ang kamay niya sa sariling baba at malalim na nag-iisip. Nakatingin siya sa mga produktong nakalagay sa isang glass display storage.

"I would like to add all of these," saad niya habang nananatili pa rin ang paningin sa mga produkto.

"Sir?" Mukha namang mas nagtaka pa ang sales clerk kaya naman, saglit niya itong sinulyapan.

"Didn't you hear me?"

Nagbaba ang tingin ng babaeng nasa counter. "Right away, sir."

Hindi niya kasi alam kung ano ang gusto ng asawa kaya naman, binili niya ang lahat ng klase ng cake at doughnuts na nandoon.

Pagkatapos ibigay ang kaniyang order ay dumiretso na siya sa condo. Sigurado siyang nakauwi na rin naman ang asawa niya dahil masyado nang malalim ang gabi. Kung wala naman ito roon, sa bar lang naman ito maaaring magpunta.

Bitbit ang mga pinamiling pagkain ay binuksan ni Kelvin ang pinto ng kanilang unit. Tumambad sa kaniya ang tahimik na paligid habang amoy na amoy naman ang buong unit na iyon ang alak.

Kumunot ang noo niya at hinanap ang pinanggalingan ng amoy na iyon. Mas lalong nalukot ang mukha niya nang mamataan sa balkonahe ang asawa na hindi lang basta umiinom ng alak, maging ang paninigarilyo ay hindi nakawala sa paningin niya.

Mabilis niyang inilapag sa kitchen top ang pinamili pagkatapos ay agad na dinaluhan si Diana.

"Problem? I have something for you." 

Ang tinutukoy niya ay ang mga pinamiling pasalubong. Ngunit tila walang pakialam doon ang babae.

Napangiti si Diana nang makita ang asawa. Sa sobrang lalim ng iniisip niya, hindi na niya namalayan na nakauwi na pala ito. At nahihiya siya, naabutan pa siya nito sa ganoong sitwasyon. 

MARRIED - (Status Series #1) [R18+] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon