Chapter Twelve

6.5K 215 13
                                    

THIRD PERSON'S POV

      "THANKS for the ride, Rain!" 

Masayang-masaya ang dalagang si Thalirra Hailey Silvester— panganay na anak at siya ring tagapagmana ng kumpanya— nang ihatid siya ni Kelvin Rain Vouldern sa mansyon ng mga Silvester.

Ngumiti naman ang binata sa kaniya pabalik. 

"Welcome," anito.

Walang mapagsidlan ng saya ang puso ng dalaga nang maisahan niya ang pekeng kapatid na si Diana. Kitang-kita niya kasi kanina kung paanong pinanood siya ng babaeng iyon na sumakay sa kotse ni Kelvin. Iyon naman kasi talaga ang plano niya. At natutuwa siya dahil tagumpay ang plano niyang saktan ito.

Kung inaakala nilang hindi niya napansin ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni Diana ay nagkakamali ang mga ito. Dahil saksi siya sa kung paanong tumaas ang kilay ng kaniyang kapatid at makita rito ang sakit.

At kung nakokonsensya siya? Hindi ang sagot niya.

Para sa kaniya ay kasal lang naman sa papel si Diana at Kelvin. Hindi pa rin niyon matuturuan ang puso ng binata na mahalin ang kapatid niya. Mas matagal ang pinagsamahan nila ni Kelvin kaya kampante siya na mas mahalaga siya kaysa sa kay Diana. Mas importante siya sa puso ni Kelvin.

"You want to go inside? Mom and dad surely miss you a lot!" tanong niya sa lalaki, hindi pa rin siya bumababa ng sasakyan.

Gusto niyang yayain ito sa kanilang tahanan dahil bukod sa wala naman doon si Diana, mas magkakaroon silang oras na dalawa. It has been a year since the last time they met. Sa ibang bansa pa iyon dahil doon siya nananatili pagkatapos niyang mag-aral ng kaniyang kurso.

Umiling ang binata sa kaniya. "Next time," he said firmly.

Nadismaya naman si Thalirra. Nasa mukha niya ang pagtanggi. "What? Don't you want to see mom and dad?"

"We already met."

Hindi siya tumigil. "I know, pero iba pa rin 'yong bibisitahin mo sila. Like before, right?"

Bumuntong-hininga ang lalaki. Mas lalong nakaramdam ng inis ang dalagang si Thalirra. 

"Things aren't the same as before, Thali." 

Naroon ang pagpapaintindi sa boses ni Kelvin ngunit tumatanggi ang isip ni Thalirra sa gustong iparating ng binata.

Hindi niya lubos maisip na talagang may magbabago sa kanilang dalawa. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mag-isip.

Dahil ba ito kay Diana?

Dahil ba kasal ang dalawa?

Akala niya, walang magbabago sa pagkakaibigan nila ni Kelvin nang dahil lang doon.

But it seems that she was wrong when she thought that.

Hindi na napigilan ni Thalirra ang sarili. "Dahil ba 'to kay Diana?"

Gustuhin man niyang alisin ang paningin sa lalaking minamahal ay hindi niya magawa. Kahit pa natatakot siya sa isasagot nito, hindi niya magawang iiwas ang sarili sa nagbabadyang sakit.

"No."

Nakahinga siya nang maluwag. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang marinig iyon.

Pero dahil nananatiling nakatuon sa binata ang kaniyang atensyon, bakit pakiramdam niya, iba ang sinasabi ng mga labi nito sa sinasabi ng mga mata ng lalaki?

Bakit parang nagsisinungaling ang kaniyang bibig?

Gayunpaman, nagtitiwala siya rito.

Alam niyang may isang salita si Kelvin. Naniniwala siyang nagsasabi ito ng totoo.

MARRIED - (Status Series #1) [R18+] Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum