Prologue

36.2K 672 71
                                    

“Ano na naman ‘to, Ma? Akala ko napag-usapan na natin ang tungkol dito?" galit na saad ko pagkatapos kong ibagsak ang bag ko sa office desk sa loob ng opisina ng nanay ko. 

“Anak, makinig ka naman sa akin, please,” pakiusap niya. 

Nasapo ko ang sariling noo at bahagyang minasahe iyon. Sumasakit ang ulo ko sa nalaman ko ngayon lang. Grabe, nakakainit na nga ng ulo ang traffic, dadagdagan pa nila. Hindi ba ako p’wedeng magpahinga sa stress? Parang bawat araw, pataas nang pataas ang stress level na binibigay nila sa akin.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. As much as possible, ayoko talaga nakikipagtalo sa kanila o sa kahit na sino, but this is too much! Nagdedesisyon sila sa buhay nang may buhay.

And now what? Makinig ako sa kanila? As if naman nakinig sila sa akin, 'di ba?

“Bakit ba kasi kailangang sila pa ang mag-desisyon sa buhay ko, e, all my life hindi naman sila nagpaka-magulang sa akin? Tapos ngayon babalik sila sa buhay ko at bibigyan ako ng problema. Wow!” 

Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mapasigaw. Tumataas ang tensyon sa apat na sulok ng kwarto na ito pero pakiramdam ko, kulang pa iyon. Hinahanap ko ang remote ng aircon at pinababa ang celcus level niyon para mas lumakas ang lamig, and to my dismay, naka-todo na iyon.

Hindi ko ramdam dahil nagliliyab talaga sa init ang ulo ko.

"Calm down, Diana. This is for you too. Can't you see? It's a win-win situation."

I sarcastically laughed after hearing that. Win-win situation, my ass. Sila lang 'yon dahil sila lang naman ang makikinabang doon. While me? Forever nang magdurusa.

Sino bang may sabi sa kanila na p’wede nila akong ipakasal sa lalaking hindi ko kilala? Ni hindi ko pa nga nakikita? Sana okay lang sila, 'di ba?

"No wedding, no ceremonies. All you have to do is sign the documents and you're done."


“Here are the documents needed and your Marriage Contract, Kelvin. Wala ka nang ibang gagawin kundi pirmahan ang mga iyan and… everything’s set.” 

Saglit kong sinulyapan ang nagsalita pero agad ko ring binawi. He is talking non-sense.

“Huh?”

Huminga nang malalim ang kausap ko at muling diniscuss sa akin ang walang kakwenta-kwenta niyang sinasabi. “Like what you have requested, walang Wedding na magaganap, walang commitment and you will still live your life as if you are single.”

“...” I remain silent.

“Also, nandito na rin ang mga contract ng usapan n’yo ng mga kaibigan mo. All the money were transferred directly to your bank account kaya wala ka na ring po-problemahin.”

“Good.”

Napansin ko namang ngumiti siya na para bang nagtagumpay sa binabalak. “Do you want to meet your future wife? I can set an appointment with her if you—”

“Sa susunod na, may date pa ako. Bye.”

Pagkatapos niyon ay agad akong tumayo at walang pakundangan na umalis sa lugar na iyon.



MARRIED - (Status Series #1) [R18+] Where stories live. Discover now