Chapter Twenty

1.5K 62 30
                                    

DIANA'S POV


      THIS is our last day here in Paris, France at napili naming dalawa na sa huling araw namin, iyon ang punta namin sa eiffel tower. Hindi muna namin sinama ang pusang higad at pinabantayan ito sa sampung bodyguard sa pinakamalapit na pussy playground dahil may nag-aalaga namang staff doon. 

Ewan ko nga kay Kelvin kung bakit inabandona niya 'yong anak niyang kamukha niya.

Pero keri lang naman para hindi na masyadong napapagod si Caterpillar sa paggagala. Medyo nakakaawa na rin dahil kasama namin siya kahit sobrang lamig ng panahon. Good thing, nagpaiwan naman ito dahil may mga kasama naman itong kapwa niya pussy. Baka nga makahanap pa ng true love iyon doon.

Sana all, 'di ba?

Sabi nila, one of the great things to experience in Paris is to ride a boat in Seine River, lalo na kapag sunset. Kaya iyon ang gagawin namin ni Kelvin. Hindi kami umalis nang maaga sa hotel dahil mas gusto namin na sumakay sa bangka kapag malapit na ang sunset. At pagkatapos niyon ay plano rin namin na pumunta sa Eiffel Tower para doon na mag-dinner.

Everything was on plan. Talagang pinaghandaan ni Kelvin itong last day namin dito sa Paris. He wants everything to go well cause tomorrow, we are going back to the Philippines. And this will be our last day to roam around and have fun. Babalik na kami sa reyalidad ng buhay namin.

Hindi ko nga alam kung ano ang mararamdaman ko. May parte sa akin na parang ayaw pang umalis sa lugar na ito at parang ang bilis lang ng isang linggo. Pero may parte din sa akin na gusto nang umuwi ng Pilipinas dahil may mga kailangan pa akong gawin.

Baka matawag na naman akong iresponsable ng mga taong walang ambag sa buhay ko pero mas marami ang nasasabi kapag gumagala ako.

"Pila pa pala 'to?" tanong ko nang mapahinto kami ni Kelvin sa pila ng mga taong sasakay sa bangka.

Napatingin ako sa pila. Tangina, puro magjo-jowa. 

Parang illegal ang sumakay nang single dito, ah?

"Yes. Gusto mo bang mauna na tayo? I can ask the staff—" I cut him off.

"Huwag na. Masyado ka nang pa-pogi."

Ayos lang naman sa akin ang maghintay. Wala namang problema sa akin iyon kasi maganda naman ako. At isa pa, baka bitawan ng hinayupak na 'to ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tuwang-tuwa pa naman siya habang hawak iyon. Feeling niya siguro, sa kaniya 'to.

Napairap ako nang palihim ngunit napangiti rin ako nang bahagya. Kung hawakan niya kasi ang kamay ko ay para bang mawawala sa kaniya.

Kadiri naman pagiging possessive nito. Masyadong gandang-ganda sa akin.

Ilang sandali pa kaming naghintay at kami na ang susunod sa pila. Nauna si Kelvin na sumampa sa bangka at gaya ng inaasahan, binitawan nga ng gago ang kamay ko.

Tangina niya, hindi ko na 'to ipapahawak sa kaniya. Pabitaw-bitaw siya, ah. Manigas siya.

Akmang aalalayan ako ng tour guide sa pagbaba nang tumikhim si Kelvin at samaan ng tingin ang tour guide.

"Let me assist my wife," anito sa tour guide na takang-taka naman sa sinabi niya.

Napakagago talaga. As if naman maaagaw ako sa kaniya. Nakakapanibago na talaga 'to si Kelvin. Hindi na ako sanay sa mga pa-sweet moments niya dahil hindi naman ako sanay sa ganoon ka-corny na gawain.

My Ghad!

"Corny mo, gago," bulong ko sa kaniya nang makalapit ako sa tabi niya at pareho na kaming nakasakay sa bangka.

MARRIED - (Status Series #1) [R18+] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن