Chapter Four

11.3K 338 72
                                    

MATAPOS kumain ay inayos ko na rin ang pinagkainan ko. Tila nga inantok ako matapos ubusin ang lahat ng in-order ni Kelvin para sa akin. Pero ayaw ko namang matulog. 

Halos hindi ako makahinga sa sobrang busog. Buti na lang, maganda pa rin ako.

Gusto ko sanang akyatin ang walang hiyang si Kelvin sa kwarto niya para magpasalamat nang maayos pero napag-isip-isip ko, hindi iyon gawain ng magagandang tulad ko. Kaya hindi ko na ginawa.

Isa pa, nagpasalamat naman na ako kanina sa kaniya. Kung bungol siya, hindi ko na iyon kasalanan.

Dahil sa antok ay humikab ako kasabay ng pag-unat, sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ni Kelvin at ang una niyang nakita ay ako... sa ganoong sitwasyon. Naiwan namang nakadipa sa ere ang dalawa kong braso.

Kaya naman, mabilis kong inayos ang sarili ko at hindi ko na naituloy ang pesteng paghikab ko.

Hindi naman sa nahihiya ako sa hitsura ko ng paghikab. Sadyang kahit sa paghikab ay nag-uumapaw ang ganda ko. Hindi niya deserve na makita iyon. Tanging ang mga special person in my life lang ang pwedeng makakita niyon.

At hindi siya kasama roon. Never nga yata siyang mapapabilang doon. Swerte naman niya masyado, 'di ba?

Asawa na nga niya ako, gusto niya pa, espesyal siya?

Nananatiling nakapako ang tingin namin sa isa't isa. At sobrang nakakadiri iyon kaya naman, ako na ang nag-iwas ng tingin.

"Eww..." bulong ko sa kawalan. Alam ko namang hindi niya iyon maririnig pero isinatinig ko pa rin.

"Ibaba mo na 'yang braso mo, nangangamoy putok dito."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. 

Tangina! Ano'ng sabi ng hayop na 'to?

Excuse me? Baka kapag tumira siya sa kili-kili ko, hindi na siya makaalis dahil nakakaadik ang amoy nito. Ingungod ko mukha niya rito, eh.

Gusto ko pa sana siyang patulan pero tinaasan ko na lang siya ng kilay. Pagkatapos ay umalis na sa paningin niya. Bago tuluyang makalayo, nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko na bumaba siya ng hagdan.

Hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin. Bagkus, itinuon ko ang atensyon ko sa binuksan kong T.V.

Sumalampak ako sa carpet at hinihintay na mag-load ang netflix. Dahil bored ako at tinatamad naman akong gumala sa labas, manonood na lang ako.

Ngunit ang panonood ko sana na iyon ay naudlot nang biglang mag-ring ang phone ko. Mahina ang tunog niyon kaya alam kong wala iyon sa tabi ko. Doon ko lang napagtanto na naiwan ko pala iyon sa kusina kanina kaya naman, dali-dali akong tumayo at tumungo roon.

Nadaanan ko pa ang walang hiyang si Kelvin na prenteng nakaupo sa sofa. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Hindi ko rin naman binalak na alamin dahil wala naman akong pakialam sa kaniya.

Nang makuha ang phone ko ay mabilis kong sinagot ang tawag.

It was my best friend, Astrid.

Tamad akong maghawak ng phone kaya naman s-in-et ko iyon sa speaker mode. Nakalimutan ko kasi sa kwarto ang earpods ko.

"Oh?" bungad ko nang sagutin ang tawag.

"You love cats, right?" Kumunot ang noo ko sa biglaang tanong na iyon ni Astrid.

Wala siya ngayon sa Pilipinas at nagsasayang ng pera sa ibang bansa. Halos buwan-buwan yata ay nagta-travel siya kahit mag-isa. Minsan, kasama kami ng mga friends namin. Madalas ay mag-isa lang siya. Paano kasi, walang jowa.

MARRIED - (Status Series #1) [R18+] Where stories live. Discover now