Chapter Nineteen

1.9K 74 26
                                    

THIRD PERSON'S POV

      SAGLIT na pahinga lang ang ginawa ng mag-asawang Diana at Kelvin nang sandaling makauwi sila galing sa pamamasyal. Wala pa nga yatang isang oras iyon ay agad na silang kumilos upang magpunta sa restaurant kung saan nila inimbitahan ang mga kaibigan.

Ilang sandali pa ay nakaayos na si Diana, mabilis niyang tinungo ang gawi ng asawa upang sermunan ito nang makita niyang hindi pa ito tapos mag-ayos ng buhok at nakaharap pa rin sa malaking salamin.

"Ang bagal mo naman." Hindi na napigilan ni Diana na hindi magreklamo. Humalukipkip siya saka tiningnan ang asawa mula sa repleksyon ng salamin.

Tumawa naman ang lalaki. "Easy, hindi pa naman tayo late."

"Alam ko pero ayoko nang makupad kumilos," nakataas ang kilay na saad ni Diana.

Wala namang nagawa ang lalaki. Mabilis nitong tinapos ang pag-aayos ng buhok at agad na hinarap ang asawa. Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti na agad namang ikina-irap ng mata ng babae.

"Okay, I'm done, hot-headed woman," aniya sa naglalambing na tinig.

Hindi maintindihan ni Diana ang sarili. Simula nang bumaba sila mula sa sasakyan at bumalik sa huwisyo ang kaniyang pag-iisip ay naging iritable na siya sa presensya ni Kelvin.

Paano kasi, paulit-ulit siyang binagabag ng mga salitang sinabi ng lalaki sa kaniya kanina. Paulit-ulit iyon sa kaniyang utak. Akala niya'y mawawala rin kapag naging abala siya sa pagligo ngunit mas lalo lang nagkaroon ng pagkakataon ang utak niya para guluhin siya habang umaagos ang tubig mula sa shower.

Napasimangot siya.

"Nabihisan mo na ba si Caterpillar?" tanong niya sa asawa.

Tumango naman ito sa kaniya. "Yeah. Kaya nga ako 'yung natagalan mag-ayos ng sarili dahil inayusan ko pa siya."

Inginuso ng lalaki sa kaniya ang kinaroronan ng pusang kaniyang tinutukoy. Kasalukuyan nitong dinidilaan ang sariling balahibo. Saglit lang na tinapunan ni Diana ng tingin ang pusa, pagkatapos niyon ay binalingan naman niya ng masamang tingin ang asawa.

"Nagrereklamo ka ba, Mr. Vouldern?" tanong niya habang nakataas ang kilay.

Ngumiti naman ang lalaki sa kaniya. Huli na upang maka-ilag siya nang biglang siyang patakan ng magaang na halik sa labi ni Kelvin.

Matapos niyon ay nagsalita ito. "Not at all, Mrs. Vouldern."

Nanlaki ang mga mata ni Diana sa gulat. Para siyang na-estatwa at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Sinikap niyang magpanggap na hindi apektado sa pamamagitan ng pag-iwas ng tingin.

"Napakalandi," aniya at umalis na sa harapan ng lalaki.

Isang pamilyar na kaba ang naramdaman niya matapos talikuran ang asawa. Kaba na hindi niya mapangalanan kung ano ang dahilan.

Sa kabilang banda, ganoon din ang naging reakyon ng lalaking si Kelvin nang bigla niyang halikan ang asawa. Hindi niya rin alam kung bakit niya iyon nagawa. Nabigla na lang din siya at magkalapat na ang labi nilang dalawa. Para bang may nagtulak na lang sa kaniya na gawin iyon kahit hindi naman iyon ang kaniyang atensyon.

Kaya matapos niyang gawin iyon ay inayos na niya ang sarili niya't naghanda na sa pag-alis.

DIANA'S POV

   HINDI ko na pinahalata sa asawa kong tukmol na naapektuhan na naman ako ng mga walang kwenta niyang salita. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganoon na lang ang naramdaman ko. Nagiging weird na ako masyado at hindi ako natutuwa sa sarili ko. 

MARRIED - (Status Series #1) [R18+] Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum