Chapter Fourteen

7.5K 212 14
                                    

DIANA'S POV

      "PLEASE sit down."

Gaya ng sinabi ng magaling kong ama ay umupo ako sa bakanteng sofa sa sala. Nasa kabilang parte sila ng isa pang sofa, magkatabi ang dalawang taong nagdesisyon na ibigay ako sa iba habang napapagitnaan naman namin ang mamahalin at babasaging lamesa.

"Ano na naman ba ang kailangan ninyo sa akin?"

Humalukipkip ako para taasan ng kilay ang biological parents ko na hindi ko maintindihan kung bakit na naman ako pinapunta dito sa mansyon nilang sobrang laki pero wala akong space.

"Could you please respect your father? Kahit siya na lang, Diana Rysse."

Here we go again.

And they really expect me to respect them? Ang kapal naman ng mukha nila kung ganoon.

"Whatever," mataray kong saad. "Marami akong ginagawa. Anong dahilan at pinapunta ninyo ako rito?" 

Oo, alam ko naman na sobrang harsh ko sa kanila para tarayan sila at ipakita kung gaano kamaldita ang anak nilang pinamigay nila. Pero hindi ba't mas masama sila?

Ang yaman-yaman nila, pero pinamigay pa rin ako?

Maiintindihan ko pa kung wala silang pera at naghihirap sila. Maiintindihan ko pa sana kung kailangan lang nila gawin iyon para mabuhay ako sa mas may perang pamilya. 

Pero tangina, bilyones ang pera nila, sa iba pa nila ako pinagatas.

Kaya walang sinuman ang may karapatan na suwayin ako sa pagiging masamang anak ko sa kanila. Kailan ba sila naging mabuting magulang sa akin?

"Alright. I'll get straight to the point," mom said.

I rolled my eyes, "As you should," and talked back.

Nakita ko pa siyang bumuntong hininga na para bang nawawalan ng pasensya sa akin. Mas mabuti nga iyon para palayasin na nila ako at nasu-suffocate ako sa bahay na ito.

Mayamaya lang, nagulat ako nang maglapag siya ng dalawang sobre sa babasaging mesa na nasa pagitan namin. Binaba ko ang tingin ko sa mga 'yon, nananatiling nakahalukipkip.

"Ano 'yan?" malamig na tanong ko.

"Pwede bang buksan mo na lang nang malaman mo?"

Nagngingitngit ang loob ko atsaka pahablot na kinuha ang dalawang puting sobre na iyon. Binuksan ko ang isa, tumambad sa akin ang ticket patungo sa Paris, France.

Puta. Para saan ito?

"That's our late wedding gift. Since we noticed na wala pang improvements sa inyo ng asawa mo kahit ilang buwan na kayong kasal, we decided to—"

Hindi ko na pinatapos magsalita si Mom. "Desisyon ka?" 

"What?" Tumaas ang kilay ng aking mahabaging ina.

Huminga ako nang malalim atsaka initsa na lang basta ang sobre sa kung saan. Nagulat naman sila sa ginawa ko.

"Diana Rysse!" Here goes my father, the knight in the shining suit of my mother. 

"Nawiwili na kayo masyado na magdesisyon para sa buhay ko. Grow up naman!"

Tumayo na ako para sana umalis na sa harapan nila nang bigla ring tumayo ang tatay ko.

"Diana, please sit down. This is all for you." Naroon ang tila frustrated niyang boses. Para bang pinaiintindi niya sa akin ang mga bagay-bagay na kailanman, hindi ko maiintindihan.

MARRIED - (Status Series #1) [R18+] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon