Chapter 23

1.2K 37 16
                                    

DIANA'S POV


      ILANG ARAW nang hindi umuuwi nang maayos ang putanginang si Kelvin. Kung uuwi man siya rito, kukuha lang siya ng gamit niya, maliligo at aalis na naman patungo sa hospital upang bantayan si Thalirra.

Wala naman akong pakialam kung doon siya tumira. What if saksakin ko siya para talagang may rason na siya para manatili sa hospital?

Hindi naman din ako naiinis. Nabubwiset lang ako sa kaniya.

Mas okay nga 'yong ganito. Mag-isa lang ako sa condo at nagliliwaliw. Mas okay pala sa feeling kapag wala 'yong gago na iyon. Atleast hindi ako nai-stress sa presensya niya.

I am living peacefully. Alone but not lonely.

I was about to drink my homemade iced coffee when suddenly, I heard my phone ring. I automatically rolled my oh-so-pretty eyes when I saw that it was Kelvin who was calling.

"Love," bungad niya. Isang beses pa ay napairap ako.

Love niya mukha niya! 

"Oh? Ano na namang kailangan mo?" tanong ko. Yes. I even emphasize the word 'na naman' dahil lagi naman siyang may kailangan.

Inis na inis na nga ako kasi nadadamay ako sa pagiging makakalimutin niya. Ang tendency, pupunta ako sa hospital kahit na ayaw na ayaw ko. 

Tangina talaga.

"I forgot to bring my extra shirt. Pwede bang dalhin mo rito? Look, I don't want to disturb you. I know how precious your time is. Pero hindi ako makaalis. Thalirra needs me."

Gusto kong masuka sa huling sinabi niya. Kapal naman ng mukha niya banggitin sa akin ang pangalan ng babaeng haliparot na iyon. Hindi niya ba alam na nagdudugo ang tainga ko kada maririnig ko ang pangalan n'on?

"Ginagago mo ba ako?" Kahit hindi niya nakikita ay umirap ako sa era at nag-smirk.

Anong akala nila sa akin? Katulong nila? Ang ganda ko namang maid.

Gago ba sila? Ginawa nila akong tagabitbit ng mga nakalimutan nila. Nakakainis! Nakakayamot! Nakakagalit.

Mga pakshet!

"If it is not okay—"

"Daming satsat! On the way na ako!"

Dahan-dahan kong nilapag sa passenger seat ang kawawang pussy na iniwan ng tatay niya at pinagpalit sa mabahong si Thalirra saka ako nagtungo sa driver seat. Nilingon ko ang higad na pussy at kinausap.

"Pupunta tayo sa tatay mong walang kwenta. Huwag kang malikot dyan kung ayaw mong ihulog kita nang wala sa oras."

"Meow." I rolled my eyes when she answered.

At saka ko pinaandar ang sasakyan at umalis para tumungo sa hospital. Hindi nagtagal ay nakarating na ako. Karga ko ang pusang uod sa kaliwang braso habang sa kanan naman ang gamit na pinapadala ni Kelvin.

With rudeness, I flung the paper bag containing merely Kelvin's extra clothing out the door of Thalirra's room. I could see how their eyes expanded in shock as a result of what I did.

"Oh! Ayan na!" 

Ibinaba ko si Caterpillar sa sahig at hinayaan siyang gumala-gala.

"Rain, I don't want her here!" Kakaupo ko lang sa hindi kalambutang sofa nang magsalita ang mabahong si Thalirra kaya napatingin ako sa kanya.

Napakaarte talaga ng putanginang 'to. As if naman siya ang pinunta ko rito, 'no!

"Ulol. As if naman gusto kitang makita!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MARRIED - (Status Series #1) [R18+] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon