Chapter 3: Spot Next to You

118 1 0
                                    

Nathan's POV

Muntikan na un ah. sa isip-isip ko. Pagkalabas namin sa club room.

"Pre bat ganyan ka?" inis na sabi sa akin ni Mac. Nagtaka naman ako dahil sa naging reaction niyang yun.

"Bakit?"

"Un na ung time para makausap ko siya ei." may panghihinyang na sabi niya. Di ko siya maintindihan. 

"Huh??"

"Naninira ka naman ng moment ei." inis nasabi niya. Di ko talaga siya maintindihan kaya kunot noo lang ang sagot ko sa mga pinagsasabi niya.

"Huh?? Anong sinasabi mo? Moment?"  tiningnan naman niya ako ng you-know-what-i-mean look at pagkaraan ng ilang saglit nagets ko na ung sinasabi niya."Ahhhh.... sorry kasi naman di ko naman alam ei." paghihingi ko ng tawad. Naku patay di ko akalain na may gusto siya kay Kim!

"Bakit mo naman ginawa un?? Siguro..." panghihinala niya sa akin.

"Ui mali yang iniisip mo pre." pagdedepensa ko sa sarili. Di ko rin alam kung bakit ko ginawa un ei.

Tiningnan lang niya ako. Di siya naniniwala.

Tiningnan ko lang din siya ung tingin na sigurado.

"Talaga di mo ba talaga siya gusto??" paniniguradong tanong niya.

Di agad ako nakasagot.

Ano ba ang isasagot ko sa kaniya? Maski ako sa sarili ko di ko alam! Di ko alam kung bakit ganun ung ginawa ko kanina! Di ko alam kung bakit ganun ung nararamdaman ko kay Kim! sa isip-isip ko!

Magsasalita pa lang sana ako kaso nagsalita na siya.

"Basta ako gusto ko siya." determinadong sabi niya. Tinalikuran na niya ako at naglakad na nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng batok niya.

Parang napako naman ako ng ilang saglit sa kinakatayuan ko ng marinig ko un.

Pano na ano ng gagawin ko?

"Weh di nga?? Seryoso ka??"  hinabol ko siya. Seryosong tingin lang ang sagot niya sa akin. Seryoso nga siya.

"Haayyyy... ano ba yan..." dismiyadong sagot ko.

"Bakit??" tanong niya sa akin

"Wala nevermind.*sabay akbay sa kanya* tara uwi na tayo."

"Sige. pero kainis ka talaga! nxt tym wag ka ng eeksena ng ganun huh!" sabi niya sa akin at inalis ung pagkakaakbay ko sa kaniya.

'Well.." nagkibit balikat lang ako sa kaniya.

Kinabukasan

"Hi ate?? Gud Morning..." masiglang bati ko sa kaniya. Eto na naman ako.

"Anung gud sa morning??" inis na tanong  niya sa akin. heto na naman kami. :D

"Bakit ba tuwing nakikita mo ko lagi ka na lang naiinis?"

"Ei kasi... nakakainis ka kasi ei." inis ung tono ng boses niya.

"Huh? nakakainis?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Ou." huminga muna siya ng malalim at pinandilatan niya ako ng mata s pagsagot niya. Ang ganda ng mata niya.

" ei nagpapakabait na nga ako sayo ei." painosenteng sabi ko sa kaniya.

"Talaga ei ung kahapon??" masungit na tanong niya sa akin nakataas pa ung isa niyang kilay. Parang imbes na mainis ako natutuwa ako sa kaniya.

The Story Of UsWhere stories live. Discover now