Chapter 14: Trying To Look Busy

146 0 0
                                    

KIM's P.O.V

"Di ko akalain na ganun pala ang tingin samin ng ibang tao." sa isip-isip ko habang naglalakad papunta sa classroom. Its been a week na rin ng simulan kong isnabin si Nathan dahil sa pangyayaring un remember nung last chapter.

Ewan ko ba kung bakit ko na lang siya biglang iniwasan dahil sa pangyayaring un. Siguro dahil ayaw ko ng maramdaman ung mga kakaibang pakiramdam ko kapag nandyan si Nathan dahil it felt unnatural and new to me. I mean sa kaniya ko lang naman nararamdaman un and hindi ko alam ung rason kung bakit I feel so happy and wonderful whenever his around. Lagi din siyamg hanap ng mata ko.

Isa pang dahilan ay kapag nandyan siya o nakita ko siya kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Ang lagi kong daydream ay siya at hanggang sa mga panaginip ko sa aking pagtulog ay siya pa rin. Ang mga isipin na tumatakbo sa aking isipan ay siya din and the scariest thought at nakakabahala na din ay yung nakikita ko yung future ko na kasama siya.

"Ahhhhhhhh!!" medyo napasigaw ako at napatigil sa paglalakad. Napatingin naman sa akin ung mga taong nadadaan ako at binibigyan ako ng "she's-weird" look.

Napahawak ako sa puso ko ang lakas ng kabog.  Nag-ha-hyperventilate ako dahil sa mga naiisip ko. Kinalma ko ang sarili ko at nung ok na ako nagpatuloy na ako sa paglalakad ko.

"SIGH" ang hirap din ng may iniiwasan lalo na't kaklase mo siya at ka-club mo pa. Lagi mong nakikita kahit ayaw mo.

"SIGH" kung may iba pang paraan para di mangyari ung mga ganung bagay sa akin at di na rin magkaroon ng ganoong isipin sa amin ang ibang tao ay gagawin ko kaso I can't see/think of any choice but this ang iwasan siya. :(

Natigil ang pag-iisip ko ng biglang may nabunggo ako.

"Ay sorry po." sabi ko ng walang gana sa taong nabunggo ko. Di ko man lang siya tiningnan at pinulot ko naagad ung notebook ko na nahulog.

"Kimmy?" sabi nung taong nabunggo ko kaya naman napatingin ako sa kaniya at nagulat na nasabi ang pangalan niya.

"Nathan?"

"Kamusta ka na?" nakangiti niyang sabi. Di ko alam ang sasabihin ko pero may kusang lumabas sa bibig ko na hindi ko inaasahan.

"Hindi okay." it sound sad. Then nag-iba ung facial expression niya nagmukha siyang concern and I immediately realize that I said the wrong response kaya naman binawi ko agad.

"Ayos lang naman. Hehe!" bawi kong sagot. Diko alam ung mararamdaman ko kung matutuwa ba ako o maiinis. Matutuwa kasi nagkausap na ulit kami at maiinis dahil ito na naman ung pakiramdam na ayokong maramdaman.

Nginitian lang niya ako. Yung ngiting yun. His innocent and honest smile. Yung ngiting nagpapangiti din sa akin nakakadala kasi ung ngiti niyang un at everytime na makikita ko un napapangiti na din ako at parang nawawala lahat sa palagid ko parang nagpi-freeze ung moment. 

Ring ng bell ung nagpagising sa diwa ko. Dali-dali kong dinampot ung ilan ko pang gamit na nahulog at tsaka nagpaalam sa kaniya.

"Sige una na ko. Bye!" paalam ko sa kaniya. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero di ko siya nilingon. "Sorry Nathan." At nakaramdam na naman ako ng guilt.

~~~BREAK TIME~~~

'Tdzzz,Tdzzz'
Nagvibrate ung phone ko ng tingnan ko nagtext si Ate Che.

From: DC_ate che

"Kim last practice tayo mamaya after class. Punta ka kasi dress rehearsal na rin un. :)"

The Story Of UsWhere stories live. Discover now