Chapter 12: End up this way

104 0 0
                                    

Author's Note:

Wala lang naisipan ko lang na dito maglagay ng author's note kasi alam ko ung iba tinatamad ng magbasa ng author's note pag nasa dulo na (ganyan din kasi ako ei) bwahahahaha.

Vote/Comment/Fan me kung magugustuhan mo ang chapter na toh. Kung hindi edi wag democratic country naman tayo ei. XD

NATHAN'S P.O.V

"Ok ka lang ba?" tanong ko sa kaniya ng mapansin kong nakatingin siya sa akin.

"Huh?! a-a-a ok lang naman... ano-a... i-i-ikaw ok ka lng ba?" nabubulol na sagot niya at tanong sa akin. Natawa naman ako ng bahagya ng maalala ko ang mukha niya kanina at para di siya magtaka kung bakit ako natatawa uminom na lang muna ako. Baka machine gun na naman ako nito.

"Woi!" sabi ko paggising ko ng diwa niya dahil nakakatitig siya sa akin.  "Ok ka lang ba?" dagdag ko ng matauhan na siya.

"Ah-eh-iiii-...." nasabi niya natatawa ako dahil nag-iba ang kulay ng pisngi niya. Nakakatawa itsura niya para siyang anime character kapag napapahiya.

"oh-uh." tinuloy ko sa pagbigkas niya ng mga vowels. Natawa naman ako dahil dun. Napayuko naman siya sa kahihiyan dahil dun at napasandal naman ako sa pader dahil dun.

"Awww..." napaingit ako dahil nagkabukol ata ako. Hinipo ko ung likod ng ulo ko may bukol nga.

"Bakit?" natanong niya ng bigla.

"Tss." un lang ung sagot ko sa kaniya nahihiya kasi ako na malaman niyang nagkabukol ako baka sisihin na naman niya ang sarili niya.

Nagulat naman ako ng bigla niyang hipuin ung likod ng ulo ko na may bukol.

"Teka may bukol ka." sabi ko ng may pagaalala.

"Tss... hayaan mo na yan." nasabi ko sa kaniya.

"Hindi pwede!" maidiin na sabi niya ung mukha niya full of concern.

"Oh teka lang bakit ka nagagalit??" gulat nasabi ko sa kaniya dahil sa naging asal niya. Pinaningkitan niya lang ako ng mata at umalis na at lumabas na ng kwarto.

"Bakit ba bigla-bigla na lang sumisigaw at umaalis ung babaeng un?" nasabi ko sa sarili ko at itinuon ang ulo sa pader.

"Aray." nasabi ko ng maipit ung bukol sa ulo ko. Nakalimutan ko na may bukol pala ako. Kainis na nakakatawa dahil sa mga pangyayareng nagbalik sa akin.

~~~Flashback~~

'BOOOGSH'

"A-a-aray ko." sabi ko sabay hawak dun sa ulo ko. Nahulog ata kami. Actually dapat si Kimmy lang talaga kaso lang ayoko na masaktan siya kaya naman sinalo ko siya.Kaya ito ang naging resulta nahulog kami pareho.

Pagmulat ko (0o0)

Parang mahuhulog lang ulit ako!! (>___<)

"Ok ka lang ba Kimmy" bungad ko sa kanya. Kahit na di ako makapagsalita ng maayos dahil ang lapit niya sa akin.

"Huh?" un lang tanging sagot niya halatang di rin niya gusto ung sitwasyon namin at di rin niya alam ang gagawin.

"Kimmy?" pag-aalalang tanong ko nakatulala lng kasi siya sa akin. Ang lapit niya sa akin and I feel the urge to kiss her.

What? Ano bang pinag-iisip mo Nathan!! Maghunusdili ka nga!!

" Guys are you alright?" dun lang ako natauhan ng lumapit sa amin si Ate Che na may pag-aalalang mukha. Napatingin naman kami sa kaniya at tingin sa isa't-isa at kalagayan namin. Automatic namang napatayo si Kimmy at inayos ang sarili ganun din ang ginawa ko.

The Story Of Usحيث تعيش القصص. اكتشف الآن