Chapter 11: When it all broke down

199 1 0
                                    

KIM's P.O.V

"One down!!" nanghihinang pahayag ni Wyn bago nanlupaypay sa desk niya.

Katatapos lang naming kunin ang quater exams namin sa 3 naming subjects and it feels great dahil nabawasan ang intindihin naming irereview. (-_-)

"Kamusta guys?" bati ni Nathan na pumunta sa amin.

"Ito humihinga pa naman!" walang ganang sabi ni Wyn na hindi tumitingin sa kanya at nakalupaypay pa din sa desk niya. Natawa naman dun si Nathan.

"Kamusta naman Kimmy?" biglang tanong niya sa akin.

"Okey lang din."nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Mukha nga forte mo kasi ang mga exams ngaun ei." sabi niya.

"Hindi ah!" pagtanggi ko.

"Sus! Kunwari ka pa ang bilis mo nga matapos kanina ei. Tapos talagang takip na takip yung papel mo!" inis nasabi ni Wyn na bumango na mula sa pagkalupaypay niya.

"Ou nga! Di ka man lang magpakopya!" biglang sabi ni Lyn ba kanina lang din ay nakalupaypay sa desk niya.

Di naman ako makapag-apela sa kanila. Malay ko ba naman kasing mangongopya pala sila. (-_-)

"Isa ka pa!" bigla niyang sabi kay Gayce na uupo pa lang sana sa upuan niya. Tiningnan naman kami nito ng nagtataka.

"Bakit?" takang tanong niya.

"Isa ka pang di nagpapakopya kanina. Kinakalabit na kita di mo pa rin ako pinapansin." maarteng sabi ni Wyn na kunwari'y naiiyak pa.

"Baliw ka ba? Paano kung bahuli tayo?" biglang sabi niya di naman agad nakasagot si Wyn dahil parang napaisip din siya.

"Kahit na! What friends are for?" sagot na tanong naman niya sa tanong ni Gayce.

"Bakit magkaibigan ba tayo?" diretsong seryosong sabi ni Gayce. Nagulat, napatigil at napanganga kami sa sinabi niyang yun. Lalo na si Wyn. Di agad kami nakareact sa sinabi niyang un.

"A-a-anong sabi mo?" malungkot at di makapaniwalang sabi ni Wyn kay Gayce. Tiningnan lang siya nito at may nilabas na maliit na notebook.

"Ahhh ganun pala ang magiging reaksyon kapag sinabihan ng ganun." sabi niya sa sarili habang may isinusulat sa libro. Napakunot noo lang kami sa naging reaksyon niya.

"Anong ginagawa mo?" naguglumihanang tanong ni Wyn sa kaniya.

"Ahh nagsusulat kasi ako ng script para sa susunod nating play." kaswal na paalam niya sa amin habang inilalagay sa bag ang notebook. Nagkaroon ng malaking question mark sa mukha namin. "Sabi kasi ni vice magsulat na daw ako ng isang kwento para sa Valentine at dapat daw puno ng emosyon kaya ganun. Nagiisip ako ng mga linya na makakacause ng marinding emotion sa isang tao kapag sinabihan nito kay..." kaswal nasabi niya na parang walang nangyare kanina.

"Ibig sabihin..." parang napagtanto ni Wyn at tumango naman si Gayce. Nakahinga naman kami dun all this time ang turing namin sa kaniya ay isang kaibigan then malalaman namin na hindi pala. Ang sakit lang.

"Sigi una na ko. Magrereview pa ako. Bye!" walang kaemosyon-emosyon na sabi ni Gayce. Ganun talaga ang normal na reaksyon non sa lahat ng bagay parang laging naka-poker face. (-_-)

"Teka, sabay na ako!" biglang sabi ni Wyn at kinuha na ng madali yung bag niya at sumabay na kay Gayce. Kung di lang juding itong si Wyn bagay sana sila ni Gayce. Napailing lang ako.

The Story Of UsOnde histórias criam vida. Descubra agora