Chapter 1: How we met

303 5 4
                                    

1st day of school ...

"I used to think one day we'd tell the story of us

How we met and the sparks flew instantly

People would say they're the lucky ones "

Kumakanta ako habang naglalakad ng makita ko na ung bulletin kung saan nakapaskil ung magiging kapalaran ko this school year. This is the moment of truth!!!

Sana po LORD!!

Pleaseeeee!!

"ano kayang section ko"  tanong ko sa sarili ko habang nakatingkayad sa mga nagkokompolang mga tao na hinahanap din ang kanilang mga section.

Bakit ba kasi sa isang bulletin lang nilagay lahat ang listahan ng mga section ei!! Ang laki laki ng school na toh!! Kainis!!

"san na? asan na? asan na ang pangalan ko?" patuloy pa rin akong naghahanap habang nakatingkayad pa rin. Ang sakit na nga ng paa ko dahil sa pagkakatingkayad ko ei!

At thank God nakita ko na ung section ko!!

Section II-D? Wala na bang itataas to? Top 1 ako ng section ko ah! Dapat nasa section A man lang ako! Pero okie lang! At least di ko na kaklase ung mga mukhang gangster-gangster kunwari! 

"Excuse me miss!"

"Excuse me ate!"

"Ano ba yan ate wag ka ngang humarang jan!" mga inis na pahayag n mga stu'pi'dents sa akin nakaharang na pala kasi ako sa bulletin. Nagsorry naman ak at umalis na dun sa nagkokompolang tao na halos mapunit ang damit ko, masira ang bag at magulo-gulo ang buhok ko!

"Ang gulo-gulo talaga ng mga stu'pi'dents dito!" inis kong sabi sa sarili ko habang inaayos ang nagulong sarili ko. "Shit di ko na tingnan kung anong building at room number ko!" inis ko na namang nasabi sa sarili ko at napalingon sa mga stu'pi'dents na nagkokompolan at nagkakagulo pa rin. Napababa naman ang balikat tanda ng pagkadismaya ko.

"Ayoko ng bumalik jan baka di na ako makalabas ng buhay!" sabi ko sa sarili ko"Tama magtatanong na lang ako para mahanap kung saan ba ang building at room ng section ko!"

determinadong sabi ko sa sarili ko.

Ako nga pala si Chris Kim Rodriguez! Ako ay Maganda, Ma-sexy/hot, Matalino, Ma-talent, Ma-sporty at Mayaman! Campus crush ako dahil sa mga katangian kong un.Boys are always all over me and girls are so envious of me 'cause I'm the perfect girl that everyone is dreaming of!

Char lang!! Di totoo un sympre!! Isang simpleng tao lang ako di ako ung tulad nung mga nababasa nio sa mga fiction books! Well maganda, ma-sexy, matalino, ma-talent hanggang dun lang siguro ako..... para sa sarili kong opinyon! Hahaha! Hindi ako campus crush at perfect girl noh!  Pangarap ko lang un na hindi matutupad dahil MAHIYAIN AKO sa una pero pag ako iyong nakilala MAKALYUHIN ANG MUKHA! Anong connect?? I-connect mo! Anyways back to the story na nga!

Naglakad na ko sa corridor ng bldg. ng mga 2nd yr. hinahanap ang room ko. At ito na nga nakita ko na siya. Kinakabahan ako kasi ang layo ng nilaktaw ng section ko.. from H naging D!!! oha, naglevel up si ateng HD na!!

Pagpasok ko "Sino sila????"  di tulad sa dati kong section pagpasok mo may mga nagsisiliparan kung anu-anong bagay!! Maingay! Mabasura! To sum it all MAGULO! Pero ngaun? Maingay din pero di ganun kalakas siguro di naman talaga un maiiwasan sa isang section ei! Kinabahan din ako bigla ng suriin ko ang mga mukha ng mga bago kong classmates at wala akong nakitang familiar face! Naku bagong-bago ang mga classmates ko bagong pakikisama na naman ito! Napabuntong hininga ako. Pupunta pa lang sana ako sa bakanteng upuan na nakita ko sa may likod sa tabi ng bintana ng may tumawag sa akin.

The Story Of UsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin