Chapter 8: Speaking

63 1 0
                                    

KIM P.O.V.

“Ang sakit ng ulo ko!” inis na sabi ko habang hinihilot ang sintido ko.

“Bakit ano bang nangyare sayo?” tanong ni Wyn habang nakain ng lunch niya. Nasa cafeteria kami ngaun at nagla-lunch pero di ako makakain ng maayos kasi nga masakit ang ulo ko. Magkakameron na kasi ako kaya siguro ganito ako at tsaka nahulog kasi ako sa higaan kanina dahil sa panaginip ko…. Ay mali pala bangungot pala yun.

“Nahulog kasi ako sa kama kanina pagising ko.” walang ganang sabi ko na hinihilot pa din ang sintido ko. Ang sakit talaga! /(T^T)\

“HUH!! Bakit ka naman nahulog?!” sabi niya na nag-aalala.

“Ei kasi naman yung….” Di na natapos yung sasabihin ko kasi dumating na lang bigla si Nathan.

“Hi Guys! Pwedeng pa-share?!”  masiglang tanong niya. Naka-enervon ata toh araw-araw ei lagi na lang ang taas ng energy. Pumayag naman silang lahat kaya ayun umupo na siya.

“Hi Kimmy!!” masiglang bati niya sa akin. TInanguan ko lang siya at yumoko na.

“Anong nangyare?” rinig kong tanong niya.

“Masakit daw ang ulo.” Sagot ni Wyn.

 

 

“Bakit daw?”

 

 

“Nahulog daw sa kama.” Di na sumagot ang mokong pero ilang sadali lang may narinig akong nagpipigil ng tawa. Tiningnan ko iyon at nakita ko si Nathan na nasa tapat ko na nagpipigil ng tawa.

“Anong tinatawa-tawa mo jan?!’ inis na walang ganang  tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin at pinakawala na niya ang tawa niya.

“Baliw!” nawi-wierdohang sabi sa kaniya ni Wyn. Sumang-ayon naman kami sa kaniya.

“Anong tinatawa-tawa mo jan Nathan!” tanong sa kaniya ni Wyn. Pinakalama niya muna ang sarili bago siya sumagot.

“Ahhh… Kasi nai *tawa ulit* naiimagine ko lang si Kimmy na nahulog sa kam una mukha!” sabi niya na tumawa muli.

Kami naman binigyan siya ng “Ano-Daw?” look.  Tumigil naman siya nang mapansin niyang lahat na kami ay nakatingin sa kaniya.

“Baliw!” sabay-sabay naming sabi at nagpatuloy na sila sa pagkain.

“Alam mo Nathan kumain ka na jan. Gutom lang yan ei.” Sabi sa kaniya ni Wyn. Sumang-ayon naman ang lahat sa pamamagitan ng isang tango. “Ikaw din Kim mamaya matulad ka pa ditto ei.” Sabi sa akin ni Wyn na itinur pa ang katabi niya. Tumango naman ako at nagsimula na ding kumain.

“Kim ano naman ung panaginip mo…. I mean yung naging bangungo mo na naging dahilan nag pakahulog mo sa kama mo.” Biglang tanong sa akin ni Wyn. Napatingin naman ako sa kaniya at sa katabi niyang si Nathan na nakatingin din sa akin na parang hinihintay ang sasabihin ko.

“Teka lang si Nathan un???!!” gulat na mapang-asar na tanong ni Wyn at nagsimula na siyang mang-asar.

“Baliw!!” inis na sabi ko sa kaniya pero di pa din na alis ang nakakaloko niyang tingin at ngiti.

Para talagang baliw!!

Napatingin naman ako kay Nathan at ganun din ung itsura niya parang kay Wyn. Napabuntong hininga din ako. “Isa pang baliw!”

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon