Chapter 7: Alone

56 1 0
                                    

KIM'S P.O.V.

~~~Uwian Time~~~

Nag-aayos ako nang gamit nang magpaalam si Nathan. Pupunta muna daw siya sa coach niya magpapaalam na di daw siya makakaattend ng training nila. Sabi ko ok lang naman basta bumalik siya since siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito.

"Pag talaga ung lalaking un di bumalik humanda talaga siya sa akin. Mabubugbog ko talaga siya bukas!" pagmamaktol ko habang inaayos ung gamit ko.

"Wag kang mag-alala friend di ka nun iiwan dito!" napalingon naman ako sa nagsalita. Si Wyn na may nakakalokong ngiti.

"Huh? Anong sinasabi mo?"

"Si Nathan, Di ka nun iiwan! Wag kang mag-alala!" pag-a-assure sa akin ni Wyn na may paghawak pa sa balikat ko.

"Huh? Ano ang sinasabi mo jan?!" di ko pa rin maintindihan ung mga pingsasasabi niya.

"Pag talaga ung lalaking un di bumalik humanda talaga siya sa akin. Mabubugbog ko talaga siya bukas!" sabi niya na may paggaya pa sa boses ko.

"Ayyy... Nasabi ko pala un?!"

"Ayyy... Nasabi ko pala un?!" paggaya niya ulit sa boses ko. Nagcrossed arm pa siya. Nginusuan ko naman siya. "Haayyy.... Naku Kim!"sabi niya na hinawakan pa ako sa balikat ko. Nginusuan ko ulit siya. "Maraming salamat na din Kim at iniligtas mo ako sa pagiging cleaners ko ngayon! Hehe!"naging masaya na ung mood niya.

"Wag ka nang maging sad Kim! Kasama mo naman dito si Nathan ei!" sabi niya ng una ay malungkot then biglang naging mapang-asar ng tono ng boses niya.

"Wyn!" inis na saway ko sa kaniya. Nginitian lang niya ako nang mapang-asar na ngiti.

"Si Acheng di pa maamin!" pang-aasar ni Wyn.

"Ano bang mga pinagsasasabi mo jan?!" di ko talaga siya maintindihan.

"Nasa denial stage pa sila Wyn!" singit naman ni Lyn.

"Ou nga tama ka jan acheng!" pagsang-ayon ni Wyn kay Lyn.

"Ano bang mga pinagsasasabi niyo jan?! Di ko kayo maintindihan!"inis kong sabi sa kaniya.

"Wala! Too naive!" sabi niya na medyo pabulong na ang huli.

"Haayy Ewan! Sige na umalis na nga kayo!" pagtataboy ko sa kanila. Sakto naman na pumasok si Nathan ng classroom. Tumingin at ngumiti sila sa akin ng mapang-asar.

Ano bang nangyayare sa dalawang toh? Anong gusto nilang iaparating sa akin?

"Ano bang tingin at  ngiti yan?!"

"Wala sige na aalis na nga kami!" sabi ni Wyn na inayos muna ang bag niya pero di pa rin naalis sa kaniya ung mapang-asar na ngiti.

"Tara na! Gusto na niyang masolo si Nathan." mapang-asar na pahayag din Lyn. Pati ba naman siya?!

Magsasalita pa lang sana ako para itigil na nila yun. Pero nagsalita si Wyn.

"Sige ba-bye Kim! Kwento mo na lang sa amin bukas ah!" nakangiting sabi niya na kinindatan pa ako.

Ikwento ang ano?! Naguguluhan na talaga ako huh?!

"Sige Kim. Galingan niyo sa paglilinis ahh!" pang-asar na habol pa ni Wyn. Nagpaalam naman sila kay Nathan bago lumabas at nagbulungan pa sila at nagtawanan.

Ano naman kaya un?

Pag-alis naman nila at kaming dalawa na lang ni Nathan. Tiningnan ko siya ng masama. Nagkibit balikat lang siya at nagtungo sa cabinet ng cleaning materials.

The Story Of UsWhere stories live. Discover now