Chapter 13: Nervously

125 1 0
                                    

KIM'S P.O.V.

Its been 5 days nung nangyare yun pero di pa rin mawala sa isip ko ung sinabi niya.

FLASHBACK

"Ang gusto ko kasi sa tuwing tatawagin kita nakasmile ako." sabi niya sa akin kaya naman napakunot ako ng noo.

"Kasi lagi ka na lang nakasimangot ei.... parang ngayon lang.... *pinitik ung noo*,,,, Kim-my :)"

END OF FLASHBACK

Parang naghyperventilate ako kaya naman isinubsob ko na lang ang mukha ko sa braso ko sa desk ko. Simula ng sinabi niya yun mayroon nang pagkakataong naiilang ako sa kaniya. Lalo na pagmalapit siya sa akin ung tipong  2 meters away lang siya. Sa praktis makailang beses na kami napapagalitan dahil sa kagagawan ko. Kundi ko maapakan ung paa niya mumuntikan na kaming mahuhulog sa silya o kaya nakakalimutan ko ung mga steps.

FLASHBACK

"Kim at Nathan, Ayosin niyo naman!" sigaw ni Ate Rica na instructor namin. "Kim maawa ka naman sa paa ng kapartner mo madudurog na yung paa ni Nathan dahil sa kakaapak mo!" dagdag niya pa nagtawanan naman ung mga taong nandoon. Napayuko na lang ako.

"Ok lang un Kimmy! Bakal naman ang paa ko. Hehe. Wag ka mag-alala Kimmy." sabi niya ng nakangiti. Hindi ako nakaimik sa sinabi niyang un alam ko lang na nag-init na naman ang mukha ko at nagkagulo na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko.

~End of Flashback~

Bakit ba ganun siya? Ang bait niya masyado. Lagi na lang siyang nakangiti kahit pwede naman siyang magalit o mainis dahil sa mga kamalian ko. Bakit siya ganun?

Bakit sa tuwing nandyan siya lagi na lang tumitibok ng kakaiba ang puso ko? At sa tuwing ang lapit niya sa akin at ngumingiti siya sa akin nagiinit ang mukha at nagkakagulo ang paru-paru ko sa tiyan? Bakit lagi siyang hinahanap ng mata ko at sa oras na matagpuan ko siya sumasaya ang puso ko? Bakit ganun? Bakit ganun ang pakiramdam ko sa kaniya?

Insert kumakantang si Wyn...
"Bakit hanap-hanap kita?
Bakit hindi nagsasawa?
Sa puso ko'y laging ikaw.
Laging nais na matanaw."

"Wyn! Ano ba?! Umagang-umaga ang ingay-ingay mo!" inis na sigaw ko sa kumakantang si Wyn na may pag-action pa ang kinakanta.

"Kim! Ano ba yan?! Umagang-umaga ang sungit-sungit mo!" balik na sigaw niya sa akin na ginaya pa ang pagsasalita ko kanina. Tsaka pinagpatuloy yung pagkanta niya. Tinakpan ko na lang ng tenga ko at pinikit ng mariin ang mata dahil sobrang naiingay sa pagkanta ni Wyn na nilapit pa ang bibig niya sa kamay ko na nakatakip sa tenga ko.

"Ano ba?!" inis ko siyang hinarap. Ginaya naman niya ang pagsasalita ko.

"Ano ba?!" sabi niya. Sinimangotan ko lang siya at ganun din ang ginawa niya.

Sasabihan ko pa lang sana siya kung anong problema niya kaso may narinig akong isang boses na nagpa-iba na naman sa tibok ng puso ko. Napalingon ako sa taong pinanggagalingan ng boses na iyon. Nakangiti na naman siya ang ngiting lalong nagpapatibok ng kakaiba sa puso ko.

"Yo musta na?!" rinig kong bati ng mga classmates ko kay Nathan. Tinanguan lang niya ang mga ito ng nakangiti at nakopagappear sa kaniya.

"Bakit hanap-hanap kita? Bakit hindi nagsasawa? Sa puso ko'y laging ikaw. Laging nais na matanaw..." kanta ulit ni Wyn. Sinapok ko naman siya kaya napatigil siya.

The Story Of UsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu