Chapter 17: One Day

29 0 0
                                    

NATHAN's P.O.V

"Nathan!! Nathan!!" may narinig akong tumatawag at nakita ko si Wyn na sumesenyas na puntahan ko siya; kasama niya si Tin at iba pa niyang kaibigan nasa isang table sila.

"Teka lang mga pre..." paalam ko sa mga kaibigan ko na kasama ko sa paggawa ng back draft. Tumango naman sila at bumalik na sa ginagawa nila.

Ano naman kayang kailangan nun? tanong ko sa sarili ko habang papunta sa kanila.

"Bakit?!" tanong ko pagdating ko sa pwesto nila.

"Ummm... pwede bang favor?" si Wyn

"Ano naman yun?!"

"Ummm.. kasi me kailangan kaming bilhin. Ngayon marami kaming kailangan taposin na design para sa stage ei kulang na tong mga gamit namin pwede bang samahan mo si Tin (napatingin naman ako kay Tin.at napatingin din siya sa akin pero binawi agad ung tingin niya) sa pagbili jan lang naman sa malapit na tindahan ng school supplies."

Di naman agad ako nakasagot kasi nagdadalawang isip din ako alam ko namaag badtrip sakin ngayon c Tin ei.

"Oh ano Nate?"

"HUh?! Ok, sige, sure!" ano?? dapat di ko tatanggapin ei !! bit umoo ako??!!

Halatang nagulat din si Tin sa sinabi ko.

"Oh Tin ito oh!!" sabi niya kay Tin at may binigay na papel pumunta na naman ako kay vice para magpaalam.

"Vice labas muna ako ahhh"

"At bakit naman?!"

"may pinabibili si Wyn ei." tinaasan ako ng kilay ni vice.

"o sige na bilisan mo lang ahhh mag-uuwian na din ei."

"ok" sabi ko at lumabas na.

"ano ba naman toh?!" sabi ko sa sarili ko. Saktong labas naman ni Tin.

"Ano tara na?!" bungad ko sa kaniya at naglakad na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon