Chapter 9

772 31 0
                                    

That Fatty Girl

Chapter 9

Ayan na nakikita ko na ang gate o lagusan papuntang impiyerno. Hahaha! Grabe na ba ko non?

Pero hindi e kinakabahan talaga ako. Huminto muna ako sa may gilid medyo malayo sa gate ng school.

Pinikit ko ang aking mga mata at nagbuga ng hangin ng paulit-ulit. “Kaya mo iyan Fat! Kaya mo iyan. Saka ano bang nakaka-kaba? Papasok ka lang naman sa school ng normal parang dati diba?” tinakpan ko ang mukha ko.

Shet naman kasi e! Hays nako! “Look who's talking to herself, tsk tsk tsk...” agad akong napatalon habang nakahawak sa aking dibdib.

Lakas talaga ng tama nitong ugok na ito. Aba gulatin ba naman ako!? “Ano ba!?” inis kong sigaw. Ayoko ng ginaganon kapag ako ay ganitong natataranta!

Hindi ko alam pero nakatingin lang siya sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Lalo along napa-iwas sa paraan ng pagtitig niya. Hindi ako sanay ng tinititigan!

“Nagpapa-ganda ka ba talaga para sa akin?” he smirk while looking at me. Teka ang lakas din ng tama nito e. Haler! I'm doing these for myself at hindi para sa kanya o sa iba!

Nawala ang pag kailang ko nung sinabi niya iyon. “Ako? Seryoso?” sarkastikong ani ko at napairap na lang. Bakit ba kasi ako nag sasayang ng oras sa Cole na ito!?

“Bahala ka na nga diyan!” mabilis ko siyang tinalikuran at agad-agad na pumasok sa school. Kay aga-aga nasisira ang araw ko!

Agad akong nag tungo sa pinaka hulihan ng pila sa section namin. Alam ko by height to e pero alam ko rin naman na hindi nila ako papasingitin, galing diba?

Habang nakapila ay rinig ko ang bulungan ng iba.

‘Totoo ba ang nakikita ko??’

‘Oo nga? Talaga bang pumapayat na si Fatty??’

‘Bagay pala sa kaniya ang walang salamin noh?’

‘Oo nga! Dapat matagal na niyang ginawa iyan para hindi siya gaanong na bu-bully. Edi sana hindi siya nag viral! HAHAHA!’

‘Balita ko pa nga e umabot daw iyon sa ibang bansa. I wonder may nag i-interview na kaya sa kanya?’

Hindi ko na sila pinansin dahil lumalala na ang usapan. Noong una ay ma-ayos ayos pa pero kalaunan ay parang hindi ko na kinakaya.

Naalala ko lang kasi ang dahilan ng biglaang pag uwi ni Mila. I'm disappointed, dahil sa akin naiwan niya ang boyfriend niya don sa America.

I sigh at nakinig nalang kung ano ang ina-announce sa harap.

Sa wakas na tapos rin ang kay haba-habang speech ng aming principal! Nakakangawit! Pagkatapos non ay isa-isa na kaming pinabalik sa classroom.

Malapit na ako sa room ng makita ko si Jonas at Stacey na nasa labas at magkahawak pa ang mga kamay.

Ang aga-aga din nadudurog ang puso ko! Hay nako erase erase! Sa sobrang busy nilang dalawa hindi man lang ako napansin ni Jonas. Dati naman binabati at hinahatid sundo pa niya ako ngayon...hays.

Hinahatid sundo ka lang niya noon dahil gusto niyang makita si Stacey! Kaklase mo siya remember? Anang bahagi ng utak ko. Oo nga noh? Aish! Stupid me!

Pagpasok ko kita agad nagtinginan ang mga kaklase ko sakin. Agad naman akong napayuko at dumiretso nalang agad sa upuan ko.

Issue nanaman ang pagpayat ko ng konti!? Psh! Mga tao nga naman! “Ay tae!” napahawak agad ako sa bibig ko pagkatapos kong maisigaw iyon.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now