Chapter 2

1.3K 56 0
                                    

That Fatty Girl

Chapter 2

"Woi taba! Gising na!" humarap ako sa kabilang side ng kama kahit hindi ako dumidilat.

"Woi baboy gising na!" sabi ulit nito. "Ano ba!? Natutulog iyong tao e!" rinig ko ang pag hagikgik niya. "Bilis na nga kasi nakahain na, yung isa mo namang favorite ang niluto ko." pagkasabi niya non ay agad naman akong bumangon.

"Nako basta pagkain a, siya sige maligo ka muna." sabi nito. "Huwag na maghihilamos nalang ako, sa bahay na ako maliligo." sabi ko habang kinukusot ang mata.

"Okay, bilisan mo a" sabi nito saka nilisan ang kuwarto. Pumunta na ako sa banyo saka naghilamos.

Ang sarap ng tulog ko, ang bango kasi nung kama e. Nilaro-laro ko pa ang buhok ko habang iniisip iyon.

Lumabas na ako at agad na nagtungo sa kusina. Napaka bango shet, alam na alam talaga ni Jonas ang mga paborito ko. Paanong hindi malalaman e halos lahat paborito mo, anang bahagi ng utak ko.

"Kain na favorite kaldareta mo." sabi niya at nakita kong may pagkain na ang plato ko. I thank him at saka nilantakan ang pagkain.

Pagkatapos ay ako na ulit ang nag-urong. "Ihahatid na kita." sabi ni Jonas, bakit pa ako aarte hindi ba? "Sige ikaw bahala." sabi ko at nag jacket muna siya, naka sando lang kasi siya e. Damn...
_

"Nandito na tayo, papasok ako namiss ko na si tita." sabi nito. Sabay na kaming lumabas at pumasok sa bahay.

"Maa! Nandito na po ako, kasama ko po si Jonas!" sigaw ko dahil nakita kong walang tao sa baba.

"Sandali! Nandiyan na!" sigaw naman pabalik nito. Umupo naman si Jonas sa sofa namin, halatang sanay na sanay na siya dito a.

"Jonas!!" nagulat ako sa pagsigaw ni mama. Lumapit naman agad si Jonas kay Mama at niyakap ito ng mahigpit. "Titaaa!!" sabi naman nito.

Mas close pa sila ni mama kaysa sa akin a? Galeng.

"Sige ma maliligo lang ako." sabi ko sa kanilang dalawa at nagtungo na sa kuwarto ko.
_

Pagkatapos kong maligo ay agad akong bumaba. Nakita ko silang dalawa sa sala na may pinapanood.

"Ma ano iyan?" pagtatanong ko. Lumapit ako sa kanila at...pinapanood nila ang video na ginawa nila Stacey.

Tumingin sila sa akin, si mama ay niyakap ako habang umiiyak. "A-anak bakit di mo sinasabi ito?" nangingiyak niyang tanong.

Hindi ko na tuloy maiwasang maiyak. It's so hard to see na ang pinaka mamahal mong tao ay umiiyak. "Mama..." sabi ko na parang bata saka niyakap siya pabalik.

At least hindi ko na kailangan pang magtago sa kanilang dalawa. "Sino ang gumawa sa iyo niyan?" humiwalay si mama saka tumingin sa akin.

Sa huli ay napatingin nalang ako sa kanya. I can't tell her hangga't nandito si Jonas. Tumayo si Jonas at lumapit kay Mama.

"Ganyan siya tita, maski sa akin ay ayaw niyang sabihin e." sumbong niya. Pinunasan ko ang mga luha ko. "Anak tell me, kailangan natin silang isumbong sa school!" sabi ni mama.

"Huwag na ma, lalala pa e." sabi ko sa kaniya. "Don't worry tita, ako mismo ang magsasabi sa school kapag nalaman ko kung sino ang mga iyon." sabi ni Jonas.

"Nga pala bakit hindi ka pumasok kahapon?" pagtatanong nito. "Nasira kasi ang palda niya, tapos ayun tinamad na siya." sabi ni mama.

"Ma naman!" usal ko. "Okay, sige tita alis na ho ako." sabi nito at umalis na ng bahay. I look at mama. "Nak..." lumapit siya sa akin at pinaupo ako sa tabi niya.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant