Chapter 33

546 25 0
                                    

That Fatty Girl

Chapter 33

Fatima's POV

Dahil sa sinabi niya kanina siya na ang umaktong kriminal. Kahit kailan talaga ang lalaking ito.

Pag-katapos kong magawa lahat nung tinuro niya basic naman ang ginawa namin. Yung tipong naghamon lang ng laban sa kanto? ChArOt. Basta yung suntukan ganon.

“I don't want to hurt you, kaya galingan mo. Pero kung masasaktan mo ako ayos lang.” he smiled at bumalik na sa pagse-seryoso.

Tumango lang din ako at nag handa na sa pagsugod niya. Inatake niya ako ng sipa pero iniwasan ko lang iyon.

Sinubukan niya naman akong suntukin at nasangga ko naman iyon saka iniikot ang kamay niya at pumunta sa kanyang likod. He hissed in pain.

Lumapit ako sa tenga niya at bumulong ng...“Masakit ba Dy? Sorry ah.” sabi ko at tumango lang siya at kalaunan ay nag smirk. Oh no.

Binawi niya ang kamay niya sa akin dahilan upang mapunta ako sa harap niya. Muntik na akong masubsob pero nakuha niya ang braso ko at mabilis akong itinayo ng maaayos.

Pero hindi ko namalayan ang sipa na ginawa niya kaya natamaan ako sa braso. “Ah!” angil ko at hinawakan ang braso ko.

“Shit!” mura niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at tiningnan iyon na ngayon ay nag pa-pasa na. Napailing ako.

Tinuhod ko ang jun-jun niya kaya napaluhod siya at napahawak doon. Tiningnan ko siya habang namamalipit doon, umiling naman ako.

“Ikaw pa ang nagsabing huwag akong maaawa. Tsk tsk tsk...” pang-aasar ko at tinulungan siyang tumayo. “I-i still love y-you...” nauutal na sabi niya at napangisi naman ako.

Tinulungan kami ng iba para maibaba siya sa ring at iniupo siya sa isang sofa doon. Pagkatapos naming makaupo humarap siya sa akin at tiningnan ang braso kong may pasa.

“Fvck! Can I punch myself right now?” sabi niya habang ine- examine ang braso ko. “Nakaganti na ako sayo. Ang OA mo talaga.” sabi ko at pinunasan ang sarili kong pawis.

Bigla siyang sumandal sa balikat ko. “What time is it?” pagtatanong niya napatingin naman ako sa cellphone ko. “10:39” matipid na usal ko.

“Ah! It's late! Tara kumain tayo sa labas.” bigla siyang tumayo at naglahad ng kamay sa akin na hindi ko naman pinag isipan na hawakan.

Tumango at ngumiti ako sa iba bago kami umakyat papalabas. Kung may isa pang daan don sa loob bakit ayaw niyang doon nalang kami dumaan??

“Saan mo gustong kumain?” pagtatanong niya. “Starbucks nalang kaya tayo Dy?” sabi ko. “Ayaw mong kumain ng kanin?” pagtatanong niya ulit at umiling nalang ako.

Habang tinatahak namin ang daan papuntang parking lot nila tinanong ko siya. “Tapos na ba ang training?” pagtatanong ko.

“Yes. Bukas linggo sa baril naman kita tuturuan.” sabi niya at hindi ako makapaniwala.

PAGKARATING namin sa Starbucks agad siyang nag order. Sinabi ko nalang sa kanya kung ano ang gusto ko at pumila na siya para umorder.

Habang naghihintay ako sa kanya bigla akong nakaramdam na gusto kong umihi kaya walang ano-ano ay tumayo ako at tinahak ang daan papuntang cr.

But on my way there merong nakabunggo sa akin. “Ah!” usal ko dahil masyadong matigas ang katawan ng lalaking ito. Ang sakit e.

“Damnshit! I'm sorry miss are you okay??” halata ang pag-aalala sa boses niya kaya napalingon ako sa kanya. Isang matipuno, guwapo, matangkad, at almost perfect na lalaki pala ang isang toh.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now