Chapter 5

793 37 0
                                    

Chapter 5

Fatima's POV

Nandito ako ngayon sa school garden nagbabasa ng libro. Pero hindi kasi ako makapag focus e!

Paano iyong lalaking iyon hindi na muling nag reply kagabi! Nakakainis! Teka bakit ko ba siya iniisip!?

Malay mo hindi pala talaga siya seryoso...
Malay mo pinaglalaruan lang niya ako...
O di kaya nakita na niya kung sino talaga ko...

Hindi kaya nandoon siya sa kahapong nangyari? Nakakapagtaka naman talaga kasi e. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ulit ito, wala...wala talaga.

Bakit ba kasi umaasa ka sa mga ganoong text!? Argh! Narinig ko na ang bell at agad naman na akong pumasok sa room.

Buti nalang Friday na ngayon bukas na namin susunduin si Mila.

Habang papunta ako sa classroom syempre hindi na naman maiiwasan ang bulungan at tawanan. Kailan ba matatapos to?

Malapit na ako sa room at hindi ka sa akin maniniwala sa nakikita ko...si Jonas nasa tapat mukhang hinihintay ako! Wah!! Mas binilisan ko ang lakad ko pero hindi pa man din ako medyo nakakalapit biglang lumabas sa classroom si Stacey at...hinalikan niya si Jonas.

Wow ha? WOW! Bakit kailangan sa harap ko pa? Saka isa pa...bakit sila naghalikan? Sila ba? Hindi ba silang dalawa ni Cole? Bakit ganon? Hay! Ang gulo!

"Fat!" nabalik ako sa reyalidad nang may sumigaw sa pangalan ko. "H-huh?" tumingin ako sa harapan ko at nakita ko si Jonas, mukhang sobrang saya niya.

"Ayos ka lang ba?" pagtatanong niya. Ako Ayos? Hindi...hindi talaga. "Oo naman." pilit akong ngumiti sa kanya.

"Sige, mamaya may kasabay pala tayo mag lunch ah?" sabi nito at niyakap pa ako ng sobrang higpit. "See you later!" masigla siyang umalis sa harap ko.

Alam ko na kung sino ang kasabay namin mamaya. Sino pa ba edi si Stacey! Pumasok na ako sa room at kita ko ang mapang-asar na tingin ni Stacey isama mo na ang mga alipores niya.

Umupo na ako sa upuan ko at hinintay na lang na dumating ang teacher namin. Dahil don hindi ko namalayan na may nakalapit na pala sa akin. "Oh bakit mukhang malungkot ang baboy natin?" Maarteng sabi ni Stacey.

"Bakit Fatty? Nalulungkot ka ba dahil kami na ng crush mo?" nagsitawanan naman sila pagkatapos niya itong sabihin.

Paano nilang nalaman na crush ko si Jonas?

"Oh maybe naguguluhan ka dahil nalaman namin na crush mo si Jonas. Well sorry Fatty dahil halata naman talaga kasi e remember action speaks louder than words, kaya kung ako sa iyo lalayo na ako kay Jonas." nakangiting sabi nito at nilisan na ang harap ko.

Am I too obvious?

Bakit kasi sa dinami-dami ng babae kay Stacey pa siya nag kagusto?? Hindi niya alam masama ang ugali ng babaitang iyon.
_

It's finally lunch time. Paglabas ko ng classroom nandon na si Jonas. Hindi ko alam nakasunod pala sa akin si Stacey.

"Hi babe!" masiglang bati niya rito. Tumabi siya kay Jonas at binigyan ako ng tingin na 'Huwag kang sasama sa amin' look.

"Nandiyan na pala si Fatty tara-" I cut him off. "Hindi na Jonas, may tatapusin pa kasi akong project e, sige." sabi ko rito at umalis na.

Akala niya ba siya lang iyong may ayaw na makita ako? Ako rin kaya! Etchosera! Pero hindi naman pwedeng lagi ko nalang iiwasan si Jonas, kaibigan ko parin siya e!

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now