Chapter 17

711 25 1
                                    

Chapter 17

Cole's POV

Agad akong umalis sa bench na inuupuan namin para makabili ng tubig. I don't know but I have this feeling that I need to go back there immediately.

Pag-kakita ko sa isang tindahan sa loob ng amusement park ay agad akong bumili ng dalawang tubig at isang large na cup ng fries. I know na nag papa-payat siya pero lagi nalang ba ganto? Lagi nalang ba kaming hindi kakain sa tuwing may date kami??

Tss...bakit kasi mag di-diet pa e tanggap ko naman siya.

Hehe sweet ko ba? Ganon talaga!

Mabilis akong bumalik sa bench na pinag-uupuan namin pero nakita ko siyang may hawak na papel at parang hindi mapakali na palinga-linga sa paligid.

Siguro ay hinahanap na ako ng isa to hahaha! Ang bilis mo naman maka-miss Fatima!

Malawak ang ngiti kong pinuntahan siya. Itinago niya ang papel na hawak niya at saka pilit na ngumiti sa akin.

"Ano yan?" pagtatanong ko. "A-ah e wala to. Hehe nasaan na ang tubig ko?" halatang iniiba niya ang usapan kaya naman hindi na ako nag abalang tanungin siya.

Inabot ko naman sa kanya ang tubig at inilapag sa harap niya ang fries. "Eat. Alam kong hindi ka pa kumakain kaya eat that. Hindi naman siguro sinabi sa iyo na bawal kang kumain hindi ba?" sabi ko pa.

"Yes pero-hays...sige na nga." sus! Kunwari pang napipilitan e gusto naman talaga niya. Bahagya pa akong natawa dahilan upang mapalingon siya.

"Oh anong nakakatawa?" walang emosyong tanong niya sa akin. "Pft! Wala hahaha!!" pilit kong pinigilan ang tawa ko pero hindi ko kinaya.

"Baliw kana." mahinang sabi pa niya at ipinagpatuloy ang pagkain ng fries. Umiling naman ako at umaktong naging seryoso.

"Is there something bothering you?" pagtatanong ko. "H-huh? What do you mean?" parang gulat pang tanong niya.

"Kanina I saw you na parang may hinahanap ka." seryosong sabi ko. "A-ako? Wala ah! Wala..." bigla nanaman siyang nagseryoso. May mali e!

"Are you tired? Gusto mo na bang umuwi?" nag-aalalang tanong ko. She just gave me a smile. "Pwede ba?" agad ko naman siyang nginitian.

"Mullon." [ OFCOURSE ] I smiled at her at saka siya inalalayan papuntang kotse ko. Siguro ay pagod lang talaga siya.

Habang nasa kotse kami ay hindi ko maiwasang mag isip kung ano ba talaga ang bumabagabag sa kanya.

"Uh...Fatima?" pagtawag ko sa kanya. "Hmm?" napalingon siya sa akin at animong nag hihintay sa aking sasabihin. "Kung may problema ka I'm always here, you don't need to keep your problems ng mag isa. Arraseo?" panandalian ko siyang tiningnan bago ibalik ang paningin ko sa daan.

"Ne, arraseo." nakangiti pang sabi niya. Pagkatapos non ay pareho na kaming natahimik hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

Bumaba na siya sa kotse ko at mabilis din naman akong bumaba. Huminto siya sa tapat ng gate nila at saka lumingon sa akin.

Nginusuan ko naman siya. "Oh? Bakit ganyan yang itsura mo?" natatawang tanong niya pa. "Sa susunod kasi huwag kang bababa agad, gusto ko pagbubuksan kita ng pinto arraseo?" natawa lang siya habang nakatingin sa akin.

Aba ang babaeng ito! Pagtawanan daw ba ako??

"Siya siya sige, umalis kana. Para kang bata. Umuwi ka na ha? Mag i-ingat ka. Text moko kapag nakauwi kana." nginitian ko nalang siya at saka sumakay na sa kotse ko.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now